***
Nandito kami sa labas ng pintuan ng condo ni Gino.
Nakatingin saamin ngayon si Cath na nag bukas ng pinto at pinagmasdan niya kami na para ba'ng estranghero kami...
"Hahahaha nag papatawa ka ba? Celebrate as a family?" Sarcastic na sabi ni Cath sa sinabi ko
"Kailan pa ako naging parte ng pamilyang binuo mo?!" Diin na tanong niya
"Cath!" Tawag at pagsaway ni Marisa sa pangalan niya ngunit tinignan lamang siya nang masama ni Cath at bumaling saakin
"Iniwan mo kami simula nang mamatay si mommy tapos ngayon aakto ka na para ba'ng hindi mo kami iniwan"
"That's not true, pinakasalan ko si Marisa dahil gusto kong may tumayong ina para sainyo. Gusto ko'ng maramdaman mong walang kulang" Paliwanag ko at aakapin ko na sana siya ng umiwas siya
"Ah kaya pala umalis ka at pumunta ng America" Ngising sabi niya
"Alam mo kung gaano ako kakuntentong tao, yung pamilyang sinasabi mo hindi ako kailanman naging parte niyan. Iniwan mo ko, kami ni kuya na anak mo rin! Kinalimutan mo na may dalawa ka pang anak simula nang lumipad ka papuntang America!"
"Nasan ka noong panahong nagluluksa kami?! Wala ka sa tabi namin kaya wag kang umasta na kasama kami sa pamilyang binuo mo!" At tinitigan kami nang masama bago tumawa nang mapakla
"Isa pa, nakalimutan mo na ba? Na yang babaeng yan ang dahilan kung bakit namatay ang nanay ko, siya at ang pamilya niya ang dahilan kung bakit naranasan ko ang bagay na hindi naman dapat!" Sigaw niya at tinulak kami
"Cath.." sambit ko sa pangalan niya, lumingon siya saamin at tinignan kami mula ulo hanggang paa
"You know what? Simula nang iwan mo ko doon ko nakita at nalaman kung gaano ka kawalang kwentang ama at asawa. By the way , salamat dahil natutunan kong maging malakas at matapang. Natutunan ko rin pulutin at tulungan ang sarili ko na kailanman ay hindi mo ginawa!" Diin na sambit niya at tuluyang sinaraduhan kami ng pinto