Chapter 13

2 0 0
                                    

Mitch POV

"Gagsti jokerist ka pala hahahahahahha, seryoso hindi ka marunong mag kamay?" Natatawang tanong ko sakanya, ano siya foreigner

"I really don't know how" Seryosong sagot niya

"Ay ganon ba iho, ikukuha na lang kita ng kutsara at tinidor"

"Nay turuan na lang po natin" Nakangiting sabat ko bago pa siya tumayo

"So ganito gawin dadampot ka ng pagkain tapos gagawin mong parang pansipit itong kamay mo para ihold nito ang pag kaing dinampot mo" Paliwanag ko habang hawak ang kamay niya

"Gayahin mo kami, watch and learn" Dagdag ko pa at nagsimulang kumain, napangiwi ako dahil hirap na hirap siya

Huta andali dali lang kaya mag kamay huhuhuhuhu

Kumuha ako ng isda at kanin tsaka inilapit ang kamay ko sa bibig niya

Mukhang na gets niya naman kaya sinubo niya ito

Nahihirapan akong kumain dahil sinusubuan ko rin siya pero okay lang naiintindihan ko dahil ganito rin si daddy noon. Si mommy ang nag turo saamin kung paano kumain gamit ang kamay.

Actually gusto ko rin matutunan kung paano kumain gamit ang paa, jokeeee

Gino POV

Nasakyan na namin lahat ng rides maliban sa Ferris wheel dahil yun ang gusto kong ihuli

I'm planning to propose to her

Ng makasakay kami, nag simula ng umandar ang Ferris Wheel at kasabay niyon ang siyang pag kabog ng puso ko

Kinakabahan ako, I know na irereject niya ako and I will accept it ng paulit ulit pero hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang matamis niyang oo

Agad akong lumuhod ng makarating kami sa tuktok

"Erin, mahal kita mula ng makilala kita at kahit na nasa iba't ibang panahon tayo, hahanapin kita at mamahalin ng paulit ulit"

"Be my girlfriend, no, be my wife. Be the mother of our kids and I promise to court you and love you every second" Dagdag ko pa

Erin POV

"Be my girlfriend, no, be my wife. Be the mother of our kids and I promise to court you and love you every second" Nakaluhod na sabi ni Gino, agad kong pinunasan ang luha sa mga mata niya

"Hindi ako mapapagod na mahalin ka Erin. I love you every second, I know na makuli-" Agad ko siyang hinalikan at kasabay niyon ang pagputok ng fireworks

Humalik naman siya pabalik

Nang kumalas ang labi ko sa labi niya, umiiyak na tumingin siya saakin at tila nag hihintay parin sa sagot ko

"Yes! I'll be your girlfriend, your wife and the mother of our kids" Naluluhang sabi ko at hinalikan ulit siya

Chantal POV

"Antagal naman ata ni Mitch umuwi, baka may nangyari na don" Hindi mapakaling sabi ko

"Should we track her down?" Tanong ko kay Cath na nag luluto

"Tigilan mo nga kaka-ikot at nahihilo kami ni Kyson" Inis na sabi niya kaya wala akong nagawa kundi umupo

"Pero kaninang umaga pa yon umalis eh, natapos na ang school at wala pa sila" Kinakabahang paliwanag ko

"Baka ginabi lang" Sagot niya at inihanda na ang pagkaing niluto niya

"Pag natapos tayo kumain, pwede ba natin siya itrack kapag hindi parin siya nakauwi?" Tanong ko sakanya, napa buntong hininga na lamang si Cath at tumango

Mitch POV

"Salamat nga pala kanina" Napalingon ako kay Marcus na nag dradrive

"Hahahahahahaha okay lang yun" Nakangiting sagot ko

"Let's be friends, baguhin natin yung pangit na sinimulan natin"

"Let's pretend na kakakilala lang natin ang isa't isa kanina" Dagdag niya pa

"Sige ba, as long as I can still call you shokoy" Sagot ko at sabay kaming nag tawanan

Marcus POV

"Hoi lalake bat gabing gabi mo na inuwi si Mitch!" Nakapamewang na sigaw ni Chantal

"I'm sorry kinailangan pa kasi namin tulungan si Lola Flora at Kuya Niel" Paliwanag ko

"Nasa palengke kayo buong araw?" Tanong niya ulit at tumango naman ako

"Grabe wala ka bang pera pang date? Sa palengke mo talaga dinala kaibigan ko?" Tanong niya ulit

"T@nga bonding yon hindi date, isa pa baka gusto mong isumbong kita kay nay Flora" Banta ni Mitch sakanya kaya tumikom ang bibig ni Chantal

"Pag pasensyahan mo na ha, hindi siya ganyan sadyang nagiging nanay lang talaga siya tuwing ginagabi ako. Pag aaralan ko talaga maging si Cath para naman hindi ako nabubungangaan nito" Dagdag pa ni Mitch at ngumiti na lamang ako

"Sa umaga parang tupa buti na lang talaga at sa gabi hindi ka nagiging p*ta, slight na p*ta la-" Natawa ako ng hilain ni Chantal ang buhok ni Mitch papasok sa bahay

Natatawang bumalik ako sa kotse ko ngunit napatigil ako ng makitang naka sandal doon si Cath

"I really don't care kung gabihin kayo dahil matanda na si Mitch but I care about her feelings. Mitch is an independent and happy-go-lucky person. Her presence brings joy to everyone around her. So, break her heart and I'll make sure I'll break yours too." Madiing sabi niya at iniwan akong nakatulala

Chantal POV

Nagbabangayan kami ni Mitch ng bumukas ang pinto at bumungad saamin si Cath kaya napatigil kami

"Bat ka nasa labas? Naabutan mo ba si Marcus?" Tanong ni Mitch sakanya ngunit hindi siya nito pinansin

"Subukan niyong mag bangayan ulit at sisiguraduhin kong matutulog kayo sa labas. Kapag umiyak si Kyson dahil sa ingay niyo, susunugin ko lahat ng gamit niyo" Pagbabanta niya at iniwan kami ni Mitch na nanginginig sa takot

Cath POV

"Kamusta kayo ni Kyson?" Tanong ni Yuan sa kabilang linya

"Okay lang kami, natutulog na uli si Kyson" sagot ko sakanya

"Hindi kaba na pagod? Do you want me to go there and massage you? Or I can call someone to massage you" Napangiti naman ako sa sinabi niya

"I don't need any of that, your voice is enough" nakangiting sagot ko

"Jillian ko, gabi ngayon kaya huwag mo akong pakiligin" natawa naman ako sa sinabi niya

——————————-

Prinprinnn

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Broken TearsWhere stories live. Discover now