Chapter 12

1 0 0
                                    

Mhara POV

"Totoo naman kasing amoy isda siya pshhh palibhasa mag memenopause na kaya apaka moody" Inis na bulong ko

"Baka patalsikin ka kapag narinig ka niyon" Agad akong napatalon sa gulat ng bumungad sa harap ko si Shiro

"At anong ginagawa mo dito aber?" Inis na tanong ko habang naka pamewang

"Sinabi ko kasi na amoy isda talaga siya kaya ayon detention din ang bagsak ko, ayaw mo niyon kasama mo ang sweetheart mo" Nangiinis ba talaga toh?

Kapag binaril ko kaya siya mananahimik na siya?

Chantal POV

Agad akong napalingon kay Lorenzo at Yuan na nag palit ng upuan

Katabi ko na ngayon si Lorenzo habang katabi naman ni Cath si Gian at Yuan

Something fishy nga

Mitch POV

"Bat tayo nasa palengke?" Inis na sabi ko

"Since malakas boses mo magagamit ko yan para maka benta ng isda" Sagot niya, aba g@go toh ah!

"I'm here to help a friend of mine, gawin na rin natin toh para sa task natin" Mahinahong sagot niya, napa buntong hininga na lamang ako at tumango

Agad kaming lumabas sa kotse

"Tara" At inilahad niya ang kamay niya ngunit hindi ko ito pinansin at nag lakad na lamang

Shettt si Nanay Flora dito nga pala siya nag titinda!!!!

Nakangiti akong tumakbo at iniwanan si Marcus na sumisigaw dahil sa pag takbo ko

"Nanay Floraaaaa!" Masayang sigaw ko ng makita ko ang tindahan niya

"Ay jusko kang bata ka, bat ka tumatakbo? Alam mo namang madulas dito" Bungad saakin ni Nanay Flora, sabay palo sa braso ko pero yinakap ko siya ng mahigpit

"Hay nako Mitch, amoy isda ako baka madumihan ka!"

Marcus POV

"Hay nako Mitch, amoy isda ako baka madumihan ka!" Pagalit na sabi ng matanda kay Mitch na kayakap niya ngayon

"Nanay kahit naman amoy isda ka o kahit nandito ako, mabango parin ako at you know naman me gusto ko ang dumi" Natatawang sagot ni Mitch at kumalas na sa yakap

"Puro ka talaga kalokohan, ano at nandito ka? Hindi ba't ay dapat nasa paaralan ka? Nag cutting class ka ba? Tanong ng matanda at pinalo sa pwet si Mitch

Hahahahahhahahahahahha

"Nanay naman eh ginagawa akong bata! And nandito ako dahil sa teacher ko, task daw namin" Paliwanag ni Mitch

"Mitch" Tawag ko sakanya at lumingon naman sila saakin

"Oh kay gandang lalaki, boyfriend mo anak?" Tanong ng matanda kay Mitch, mabilis naman umiling si Mitch at nandidiring tinignan ako

"Nay mas gugustuhin ko pang mag pakasal sa mga isdang binebenta mo kesa dyan" Sagot ni Mitch

Hi po! Friend po ako ni Mitch, I'm glad at nakilala ko ang lola niya" Nakangiting sabi ko

"Hahahahhaha wala akong apo iho pero parang apo ko narin si Mitch. Ako nga pala si Flora" Nakangiting sabi niya

"Papaliwanag ko na lang sayo mamaya" Nakangiting sabi ni Lola Flora

"Nandito ba kayo para gumawa ng schoolworks? O tumakas kayo" Tanong niya

"Nanay hindi nga po kami tumakas!" Nakasimangot na sagot ni Mitch

"Hay na ko Mitch duda ako sa mga lumalabas diyan sa bibig mo. Naninigurado lang ako at baka dumating nanaman ang mga magulang mo kasama yung halos isang batalyong bodyguards ninyo" Saway ni Lola Flora sakanya, napangiwi naman si Mitch

"Totoo po ang sinasabi ni Mitch, nandito po kami para tumulong sa kaibigan ko po at para sa task narin namin" Paliwanag ko at tumango naman ang matanda

"Marcus???" Napalingon kami sa tumawag sa pangalan ko

"Pare!" Agad akong nakipag apir at yumakap

Ng kumalas ako agad siyang lumapit kay Mitch

"Mitch kamusta ka?" Tanong niya dito at yinakap din si Mitch

"Okay lang ako kuya, Thursday ngayon so tutulong ka po kay nanay?" Tanong ni Mitch at tumango naman si Niel

"Mag kakilala kayo?" Singit ko sa usapan nila

"Hahahahahahaha oo naman, kilala si Mitch dito sa palengke. Pano ba naman ang isang prinsesa nag panggap na mahirap kaso ayon nasundan ng magulang at nag dala dito ng napakaraming bodyguards. Muntikan pa nga ipasarado ang lugar na ito eh" Natatawang paliwanag ni Niel

"Hay nako mamaya na ang kwentuhan at tapusin muna natin ang mga dapat gawin" Singit ni Lola Flora sa usapan

"Nag panggap ka" Tanong ko pag katapos namin tulungan sila Kuya Niel at Lola Flora

Ngayon ay nag lalakad kami papunta sa bahay ni Lola Flora dahil inaya niya kaming kumain.

"Nag layas kasi siya noon sakanila, tapos nag panggap siyang taga probinsya na nanakawan kaya naawa ako at hinayaan siyang tumira sa bahay namin" Sabat ni Kuya Niel

"Hindi man lang kayo nag taka sa kutis at kilos niya?" Tanong ko pabalik

"Hahahahahahhaha nakita mo naman kung paano mag tinda si Mitch kanina parang sanay na sanay. Ganon din siya noon, oo kutis mayaman siya pero yung ugali at kilos niya hindi pang mayaman hahahahahha" Natatawang paliwanag ni Kuya Niel

"Grabe ka Kuya, alangan namang mag ala prinsesa ako eh asa palengke lang naman ako hmmmmpp Nanay oh!" Sumbong ni Mitch at tumakbo kay Lola Flora na nauuna na saaming mag lakad

"Magaling makisama si Mitch at mabait na bata rin kaya hindi ko rin maintindihan kung bakit siya nag layas noon sakanila." Napatingin ako kay Kuya na nag salita ulit

"Bago mo pa ko makilala, walang wala talaga ako pero dahil kay Mitch nag bago yon dahil tinulungan niya ako, binili niya yung bahay na ay dating nirerentahan ko lang, yun yung bahay na pinag istayan niya noon. Tapos binigyan niya rin ako ng pang puhunan. Dagdag niya pa

"Yung bahay pera yon ng parents niya pero yung puhunan na binigay niya, sariling pera niya yon nung nag trabaho pa siya kay Nanay Flora" Paliwanag niya pa

"Nakaka hanga siya noh? Halos na sakanya na lahat ng katangiaan ng isang babaeng ibig mong mapangasawa. Naku kung hindi lang nakakabatang kapatid ang turing ko sakanya ay baka niligawan ko na iyang batang yan" Nakangiting sabi niya at tumakbo upang lapitan sila Mitch at Lola Flora na nag tatawanan

Napahawak ako sa puso ko ng bigla itong tumibok ng napaka bilis habang pinagmamasdan ko si Mitch na tumatawa

——————————————-

Prinprinnn

Broken TearsWhere stories live. Discover now