Chapter 9

2 0 0
                                    

Cath POV

"Bat ka nandito?" Tanong ko kay Yuan ng buksan ko ang pinto

Pag kaalis ni manang ay siya namang pag dating ni Yuan

"Anong nangyari kahapon?" Tanong niya pabalik at pumasok sa bahay

"Yuan, anong ginagawa mo dito hindi ba't may pasok ka?" Tanong ko ulit

"Jillian may pasok ka rin dahil kaklase kita now answer my question, anong nangyari kahapon?" Tanong niya, tinignan ko naman siya ng masama ngunit hindi siya nag patinag

"Psh may nag abang lang saakin kahapon"?Sagot ko

"May sugat ka ba? Nasaktan ka ba?" Sunod sunod na tanong niya

"Nabaril lang ako" Casual na sagot ko

Agad naman siyang lumapit saakin at tinignan kung saan ako nabaril ng hindi niya makita tumingin siya saakin asking for permission if pwede niyang iangat ang damit ko, tumango lamang ako

"F*ck, pumunta tayo ng hospital" Akmang hihilain niya ako palabas ng pigilan ko siya

"Okay na ko, may tumingin ng doctor saakin kahapon" Paliwanag ko

"Are you sure?" Tanong niya ulit, kaya tumango lamang ako

"Kumain ka na ba?" Tanong niya ulit, umiling naman ako akmang mag sasalita siya ng marinig kong umiiyak si Kyson kaya dali dali akong umakyat sa taas

Yuan POV

Pag akyat ni Jillian ay agad naman akong pumunta sa kusina para mag luto ng pagkain

Girlfriend ko siya matagal na ngunit patago ang relasyon namin dahil kinakailangan naming mag panggap na hindi kami mag kakilala para sa kaligtasan ko

Sinabi ko na sakanya na kaya kong protektahan ang sarili ko ngunit nauwi lang kami sa pag tatalo kaya pumayag na lamang ako

Cath POV

Bumaba ako kasama si Kyson ngunit hindi ko na nakita si Yuan sa sala, agad akong pumunta sa kusina ng makarinig doon ng ingay

At nadatnan ko roon si Yuan na nag luluto

"Ano lulutuin mo?" Tanong ko

"Sinigang na baboy, may gusto ka pa bang iluto ko?" Tanong niya, umiling lamang ako at pinanood siya habang nilalaro si Kyson na tuwang tuwa

"Nagdududa ako kay tito" Napalingon naman saakin si Yuan

"You should, I saw him with Marisa yesterday sa isang restaurant. Don't worry hindi nila ako nakita" Paliwanag niya

"Tingin mo may kinalaman si tito sa nangyari noon?" Tanong ko

"I hope not dahil kapatid siya ng mommy mo pero kung sakaling oo, I think I know why" Sagot niya dahilan upang lumingon ako sakanya

"Mayaman ang mommy at daddy mo and besides simula ng mamatay ang mommy mo siya na ang namahala sa Academy and yung ibang ari-arian napunta sakanya" Paliwanag niya

"That's why mag ingat ka kasi kung may plano man sila, I'm sure yun ay ang pa bagsakin ka at ang kuya mo dahil kayo ang taga pagmana and once na makapagtapos ka sayo mapupunta ang Academy" Dagdag niya pa 

"Masarap ba?" Tanong niya ng mag simula na kaming kumain

"Always" Ngiting sagot ko

"Gusto mo bang pumuntang park? Gala natin si Kyson" Tanong niya

"Sure pero kailangan ko munang Iclear yung park na pupuntahan natin" Sagot ko, tumango naman siya

Yuan POV

Nasa park na kami ngayon at karga karga ko si Kyson habang si Jillian bumibili ng cotton candy

Lumapit si Jillian saamin habang hawak hawak ang cotton candy na binili niya

"Here" Sabi niya at sinubuaan ako, tumawa kami ni Jillian ng sinubukan ni Kyson abutin yung cotton candy

Binigyan naman siya ni Jillian ng maliit

—————— FAST FORWARD———————-

Matagal kaming nag stay sa park kanina at pag kauwi namin tulog na tulog si Kyson

Nilagay namin siya sa crib at kami naman ay nakahiga sa kama

Yakap yakap ko si Cath na tulog na rin, napangiti ako ng isiksik niya pa ang sarili niya saakin

Isiniksik ko rin ang sarili ko sakanya at yinakap siya pabalik at hinayaan kong hilain din ako ng antok

Lucy POV

"Bakit ka nandito? Ang aga mo ata, don't tell me nag cutting ka?" diretsyang tanong ko habang kumakain

"Nahhh, k*ngina hindi ko alam na may subject na love doon p*ta" Inis na sabi ni Erin

"WHAHAHAHHAHAHAHAHAHA" Agad kong nailagan ang unan na binato niya saakin

"Love subject, corny ng school niyo WHAHAHAHAHHAHAHAHAHAH" Natatawang sabi ko uli

Shet pano kaya kung si Cath na ang namamahala ng school nayon, yung love kaya magiging hate subject? Kill subject? Kj pa naman ng babaeng yon

WHAHAHHAHAAAHAAHAHAHHAHAHA

"Hays parang gusto ko tuloy lumipat din kaso kawawa mga boys ko, unless isama ko rin sila. Tama isasama ko sila, mag tra transfer ako bukas na bukas" Nakangiting sabi ko dahil sa ideang pumasok sa isip ko

"Madami bang magaganda don? Baka pag lipat ko don ay iwan narin ako ng mga boys ko kasi inagaw sila" Tanong ko

"G*ga kahit naman may magaganda don hindi ka nag papatalo, isa pa anong aagawin baka ikaw ang mang agaw. Uhaw kapa naman sa lalaki" Sagot ni Erin at binatuhan ulit ako na hindi ko nailagan

"Grabe sa uhaw ha! Si Daniel, Joshua, Xavier at Hunter lang naman bebe ko tapos yung iba crush at fling fling lang ganurn" Tumingin siya saakin na parang nang hihinayang siya sa buhay ko

"Hays gusto mo share na lang tayo para naman hindi ka nagiging bitter, by the way asan pala si Cath pag dating ko dito walang tao?" Tanong ko

"Nasa bahay si Cath, si Gian naman pinag grocery ko" Sagot niya tumango tango lamang ako

"Nga pala may chika ako, feeling ko may gusto si Gian kay Cath" Kinikilig na sabi ko

"Alam namin, kahit naman sila Raphael at yung iba pa, merong gusto kay Cath" Sagot niya, dahilan upang manlaki ang mga mata ko

"OMGGG Nale-late ako sa mga balita! Nakakapag tampo, uso kaya mag update duh"

"Ano pa't inembento ni Alexander Graham yung telepono kung hindi niyo gagamitin hays uso na mag text or call. Mayaman naman kayo for sure may pang loa-" Hindi ko na tinapos dahil yung lintik na babaeng yon iniwan ako huhuhuhu

——————————
Prinprin

Broken TearsWhere stories live. Discover now