Chapter 11

8 1 0
                                    

Lucy POV

"Sorry na late" Agad akong napatingin sa lalaking umupo sa tabi ni Cath

"Here nag order pa ko ng maraming food" Dagdag niya pa at tumango lamang si Cath at nag simulang kumain ulit

"Hiii! I'm Lucy, kaibigan ni Cath! Ikaw ano name mo?" Friendly kong tanong shettt papable ang lookkk!!!

"Yuan" Maikling sagot niya dahilan ng pag simangot ko

"Yuannnn!!!!" Napalingon kami sa babaeng sumigaw maliban kay Cath na patuloy lang kumakain

"Bat kasama mo yang mga mukhang hampas lupang babaeng yan? My goshhh dapat ako ang sinasamahan mo! Like eww look oh mukha silang poor" Aba put@ngina! Kaninong pamilya galing toh ng mapatay ko?

Akmang mag sasalita na si Yuan ng tumayo ako at ibinuhos ang iniinuman ko kanina sa babaeng nasa harapan namin.

Rinig ko ang bulong bulungan ng mga tao dito sa cafeteria

I love the drama, the attention shettt

"Poor my ass, baka nga bilhin kita ngayon eh kasama ng Louis Vuitton mong fake" Inis na sabi ko

"How dare you! Hindi fake ang Louis Vuitton ko palibhasa wala ka siguro nito! At ikaw ang kaya kong bilhin! Yuan baby look oh binuhusan niya ako at kung ano ano pinag sasabi niya" Sumbong niya. Gosh ang ganda naman ng unang pasok ko dito andaming eksena

"Ikaw ang nauna Sabrina, tinawag mo silang hampas lupa at isa pa hindi ako pamunas para punasan iyang basa mong damit. You should go, pinag titinginan ka na ng mga student" Agad akong napahalakhak sa sinabi ni Yuan, shettt bet ko itong lalaki na toh

"Narinig mo naman siguro yung sinabi niya? Go daw" Nakangising sabi ko, tinignan niya naman ako ng masama

"Hindi pa tayo tapos!" Sigaw niya at nag simulang mag lakad paalis

Pft parang penguin mag lakad

"Are you okay?" Agad ako napalingon kay Yuan ng tanungin niya si Cath

May something hmmmm? May gusto ba siya kay Cath?!

"Yuan napahanga mo ako pero hindi ibig sabihin niyon pag tritripan mo ang kaibigan ko!" Inis na sabi ko at pumagitna sakanila

"Sundan mo na don yung baby mo at baka I break ka pa niyon. Tigil tigilan mo si Cath dahil may nirereto na ko diyan" Nakapamewang na sabi ko

"Cath?" Tawag ni Yuan kay Cath, tumingin lang sakanya si Cath at umiling. Huta pipe ba itong kaibigan?

"Pasensya ka na sa sinasabi nitong babaeng toh, hindi lang talaga siya nakainom ng gamot kaya kung ano ano ang sinasabi niya. Wala siyang nirereto saakin" Napanganga ako sa sinabi ni Cath. Huta tama ba yung pag kakarinig ko? Pasensya? Nag sosorry si Cath? Like as in? Huhuhuhu nakulam ba siya?

"I'm sorry din, hindi ko girlfriend si Sab, sadyang ganon lang talaga siya saakin. I already told her to stop pero ayaw niya parin tumigil" Paliwanag ni Yuan

Huta mag jowa ba sila? At kailangan ng explanation

Mag sasalita na sana ako ng may biglang umepal

Broken TearsWhere stories live. Discover now