Chapter 7

4 1 0
                                    

Gian POV

"Anong sabi?" Tanong ni Raphael kay Sheena

"I-text mo si Cath sabihin mo may mag aabang sa parking lot sakanya mamaya" Utos ni Sheena saakin agad kong itinext si Cath

"Na text ko na si Cath" Sagot ko

"Tara at mag abang tayo sa parking lot dahil manghuhuli tayo nang mga hay*p sa lipunan" Ngising sabi ni Raphael, na ginawa naman namin

"Tignan mo yung van na yun, malapit sa kotse ni Cath, baka plano nilang dukutin si Cath" mahinang bulong ni Sheena habang nagtatago kami sa pader

"Hawakan niyo muna ang maskara ko at bubutasin ko yung gulong" binigay ko ang maskara ko kay Sheena at kinuha ang napakatulis na kutsilyo sa bag ko at itinago ito sa bulsa

Lumakad ako papunta sa van at kunyaring hinahanap ang sasakyan ko, pumunta ako sa likod ng van at kinuha sa bulsa ang kutsilyo at mabilis na itinusok ito sa gulong at mabilis din umalis

Sinigurado kong hindi nila mahahalata ang ginawa ko dahil maraming istudyante ang nag silabasan na

Cath POV

"Mhara at Erin bantayan mo sila Chantal,  wag mong hahayaang makalabas sila ng school"

"Lucas at Jem bantayan niyo ang galaw ni Marisa at ikaw Mika patulugin mo ang mga guard pati ang CCTV" Ngising sabi ko sa kabilang linya

Hindi nila pwedeng malaman na mag kakakilala kami dahil hindi lang isa ang kalaban namin

Magaling sila makipag laro pero mas magaling ako sakanila

Mitch POV

"Bakit ba ayaw niyo kami paalisin, mag gagabi na oh!" Inis na sigaw ni Chantal kay Erin

"Delikado wag kayong mag alala uuwi tayo nang sabay sabay pero sa ngayon mag hihintay tayo dito" Sabi nung babaeng kasama ni Erin

"Mas di-hamak na delikado kung hindi tayo aalis dito" Sabat ni Gino agad siyang napayuko nang tumingin sa gawi niya si Erin

Ehem wtf is that?

"Wag na kayong maraming sinasabi pag sinabi kong walang uuwi, walang uuwi..." Inis na sabi ni Erin na nakapag patahimik saamin

Saaming apat nila Cath, Erin at Chantal, pangalawa si Erin sa kinatatakutan namin

"Mhara, tawagan mo sila Sheena. Kailangan ko nang update" Utos ni Erin na ginawa naman ni Mhara

"Hindi nila sinasagot eh" Sagot ni Mhara

"May nangyayari ba sa labas? Tungkol ba ito kay Cath?" Nag aalalang tanong ni Gino pero tinignan lang siya ni Erin at tumalikod

Cath POV

Wala na kong makitang estudyante kaya nag punta agad ako sa parking lot, nakita ko ang isang van na malapit sa kotse ko napangisi ako at inilabas ang paborito kong laruan

Paputukan ko kaya agad sila ng bala? kaso hindi ko ma eenjoy ang pag patay sakanila

Itinago ko muna ang baril bago pumunta sa kotse ko, narinig ko ang pag bukas ng van at yapak nang papalapit saakin dahilan nang pag ngisi ko

Broken TearsWhere stories live. Discover now