Chapter 3

5 0 0
                                    

Cath POV

Nagising ako dahil sa iyak nang isang sanggol?

"For f*ck sake!" Inis na napatayo ako sa couch, agad akong tumingin sa oras at ala una pa lang ng madaling araw

Inis na pumunta ako sa pinto at binuksan ito, agad na lumukot ang noo ko nang tumambad saaking harapan ang isang sanggol na nakalagay sa isang basket

"What the f*ck?!" Inis at galit na sigaw ko

"Kuya!!!!" Sigaw ko ngunit walang Ginong sumulpot

Agad kong kinuha ang basket at isinirado ang pinto

"Kuya!!!!!!!!" Sigaw ko muli ngunit hindi siya bumaba, agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan siya

"Hmmm, bat ka napatawag?" Tanong niya

"Asan ka? Hindi ba't sabi mo dito ka muna mag iistay hanggat wala pa sila Mitch?" Inis na tanong ko

"Bunso alam ko kaseng papalayasin mo ko kahit gustuhin ko man mag stay. Kaya umuwi na lang ako sa condo ko, bakit ka ba napatawag? May nangyari ba?" Tanong niya

"Tama ba ang naririnig ko? May umiiyak na sanggol?" Tanong niya uli

"Yes, may tang*nang magulang ang nang iwan ng anak niya sa harap ng bahay." Inis na sabi ko habang nakatingin sa sanggol na hindi parin tumatahan

"What?! Pano?!" Gulat na sabi niya

"Mukha bang alam ko? How about get your ass in here, wala akong alam sa bata!" Inis na sabi ko

"Alam mong malayo ang condo ko sa bahay niyo at isa pa mas lalong wala akong alam sa bata so ikaw muna ang bahala sakanya. Promise pupunta ako diyaan bukas."

"Call manang for sure may alam siya sa bata pero baka natutulog nayon so just do your research, I really can't help you right now. Goodnight!" Dagdag niya pa at binabaan ako

Tang*na!

Agad kong kinarga yung sanggol sa basket, tang*na pano ko ito papatahanin?

Nakita ko ang isang baby bottle na may lamang gatas sa basket. Aba buti naman at naisipan mag iwan nang kung sino man siya ng gatas. Tang*na niya!

Agad kong kinuha ang bottle at ibinigay ito sa sanggol pero ayaw nito uminom. P*tangina sino ba mga magulang nito at papatayin ko!

Habang karga ko ang bata ay agad akong nag search kung paano siya papatahanin

"Shhhh huwag kang umiyak dahil pag nainis ako ilalagay kita uli sa basket at iiwanan sa labas" Inis na pag kausap ko sa sanggol ngunit patuloy lang itong umiiyak

Tang*na bat ba ang bagal ng internet!

"First, make sure your baby doesn't have a fever" Agad ko namang chineck siya at hindi naman siya maiinit so wala siyang fever

"Make sure your baby isn't hungry and has a clean diaper." P*tang*na so kung hindi siya gutom baka madumi na ang diaper niya?

Dahan dahan ko siyang binaba sa couch at chineck ang diaper pero mukhang bago pa ito dahil ni walang ihi o dumi. Tang*na anong gusto ng batang ito?

"Rock or walk with the baby." "Sing or talk to your baby." Inis na binuhat ko uli yung sanggol at sinumulang kantahan siya ng lullabies at nag simula naman siyang tumahan

Umakyat ako sa taas habang karga parin siya, nakita ko agad ang kwarto ko kaya pumasok agad ako rito

Dahan dahan at maingat ko siyang binaba sa kama dahil ayokong magising siya

"Wala naman sigurong mangyayari kung iiwan kita ng isang minuto noh? Kukunin ko lang yung basket mo." Pag kausap ko sakanya

"Behave ka lang dito ha" Dagdag ko pa at bumaba na

Mabilis na kinuha ko ang basket at umakyat sa taas

Napangiti ako ng makitang mahimbing na natutulog siya sa kama ko, umupo ako sa sofa at kinuha ang laman ng basket.

Dalawang pares ng baby mittens at isang sobre, binuksan ko ito at binasa

Kyson patawarin mo si tita kung iniwan kita, mas mapapabuti ang kalagayan mo kung kasama mo ang tatay mo. Patay na ang nanay mo, ang kapatid ko at hindi ko kayang tuparin ang pangakong ibinigay ko sa nanay mo. Hindi kita kayang alagaan o mahalin dahil ikaw ang dahilan kung bakit nasira ang buhay ng kapatid ko at kung bakit siya pumanaw. Maaring sa paglaki mo ay hanapin mo ako pero hinihiling ko na sana ay huwag dahil aaksayahin mo lang iyong oras. Sana maging masaya ka sa piling nang iyong ama, alagaan at huwag ka sana niyang pabayaan.

- Ninang

Tang*na nag ka mali siya ng bahay na pinag iwanan! Ibabalik kita sa tatay mo bukas na bukas

Hinayaan kong lamunin ako ng antok habang nakahiga sa sofa

Cath POV

"Shhh wag kang umiyak baka pag nagising iyang kapatid ko, itapon tayo pareho" Napabangon ako dahil sa iyak ni Kyson at ingay ni kuya

"Bat hindi mo kinakarga para tumahan?" Inis na tanong ko kay kuya

"Natatakot kasi ako na baka mahulog ko o mamali ako nang karga" Sagot niya, napailing na lamang ako at kinarga si Kyson

Sinubakan ko siyang kantahan ngunit umiiyak parin siya

"Gutom na ata siya" Napatingin ako kay kuya na nag salita

"Here, binili at ginawa ko yan kanina" Agad kong kinuha sakanya yung gatas at ibinigay kay Kyson

Napangiti ako nang tumigil itong umiyak

"So? Dadalhin ba natin siya sa pulis?" Umiling naman ako sa sinabi niya

"Kapitbahay lang natin ang tatay niya, kunin mo yung basket at iuuwi na natin siya sa tunay niyang magulang"

"Ah namali ng bahay yung nag iwan" Tumango naman ako

Bumaba kami habang karga ko si Kyson, agad akong lumabas ng bahay kahit naka paa lamang ako at pumunta sa katabi kong bahay

"Ikaw na ang mag ring ng doorbell" Utos ko kay kuya na agad niya namang ginawa, lumabas naman ang isang lalaki na mukhang asa 30s

"Hi, how can I help you?" Bungad niya saamin

"Oh hi, kagabi kasi may nag iwan ng sanggol sa bahay ng kapatid ko at tingin namin namali ng bahay yung nang iwan" Sagot ni kuya, tss mukhang slow ang tatay mo Ky

"I believe he is your son" Sabat ko at akmang ibibigay na si Ky sakanya ng biglang umatras siya

"Hindi pwede, ikakasal na ako!" Inis na sabi niya, tang*na at siya pa talaga ang maiinis ngayon

"Kung anak ko man siya, I don't care. Ilagay niyo siya sa bahay ampunan or kahit saan. I'll pay you guys, hindi pwedeng masira ang kasal at ang pamilyang bubuoin ko " Eh gag* pala ito eh

--------------------------------

Prinprin

Broken TearsWhere stories live. Discover now