Chapter 4

5 0 0
                                    

Gino POV

Agad na napakapit ako sa sanggol ng ibigay siya saakin ni Cath

"Cath!!!" Sigaw ko ng sapakin niya yung lalaki

"Eh gag* ka pala eh! Sana hindi ka nang buntis ng babae kung hindi mo pananagutan! You bast*rd!" Sigaw ni Cath

"Hoi! babae dahan dahan ka sa pananalita mo ha!" Sigaw pabalik nung lalaki

"Isa pa pokp*k ang nanay niyan, baka nga iba ang tat-" Hindi niya na uli natuloy ang sasabihin niya ng sapakin ulit siya ni Cath

"Umalis na kayo dito!" Utos ni Cath saakin akmang aangal ako nang tignan niya ako ng masama kaya umalis na kami doon.

Cath POV

"Umalis ka ngayon ng pilipinas at huwag kang mag papakita saakin dahil kapag nakita kita sisiguraduhin kong sisirain ko ang pamilyang bubuoin mo!" Sigaw ko sa lalaking kaharap ko ngayon

"Pinag babantaan mo ba ako? Kilala mo ba kung sino ako ha! Kaya kitang ipakulong lalo na sa ginawa mo saakin ngayon!" Sigaw niya at dinuro duro ako, agad kong hinablot ang kamay niya at twinist ito

"Elmo Stewart right? The owner of Stewart cars. I don't think the Stewart cars would still be around kapag kinasal na kayo ni Ms Cassandra" Mahinang bulong ko at kasabay niyon ay ang malakas na pag kabog ng puso niya at ang paninigas niya

"Hindi lang ang kumpanya mo ang mawawala sayo dahil kayang kaya ko rin kunin sayo ang pamilyang bubuoin mo" Dagdag ko pa at binitawan siya

"I'll give you a week to pack your belongings and leave the country. Kapag nakita kita I'll make sure na mawawala sayo ang kumpanya at ang magiging asawa mo"

"Sino ka? Pano? Paano mo nalaman lahat nang yan?" Napangisi ako sa tanong niya

"I'm Catherine McWilliam so kung may plina-plano ka huwag mong ituloy dahil malupit akong gumanti" Nagsimula na akong maglakad sa bahay ko at iniwan siya

Gino POV

"Kamusta?" Tanong ko kay Cath pag pasok niya

"Aampunin ko si Kyson" Maikling sabi niya at kinuha saakin yung sanggol

"What?! Nababaliw ka na ba? 19 ka palang, isa pa anong alam mo sa bata?!" Sigaw ko sakanya dahilan upang tapunan niya ako ng masamang tingin

"Ipapaayos ko na ang mga papeles niya and so what if I'm 19? Kaya kong pag aralan kung paano mag alaga ng bata" Sagot niya saakin

"You don't understand, paano ang pag aaral mo? isa pa sino ang mag aalaga diyaan kapag asa labas o asa school ka? You're giving up your teenage life for that kid!" Inis na sigaw ko sakanya

"T*nga ka ba? Of course mag hahanap ako nang magiging yaya niya and isa pa kaya kong pag sabayin siya at ang pag aaral ko. And so what if having him means giving up my own teenage life? Buhay ko ito, hindi mo ito buhay! Ako ang mag ddesisyon kung ano ang gagawin ko sa buhay ko!" Sigaw niya pabalik

"I already told the school na bukas na ako papasok. Kung papasok ka then go pero bago yan maliligo muna ako kaya ikaw muna ang mag bantay kay Kyson" Dagdag niya pa at ibinaba si Kyson na tulog na sa couch

"Pupunta kami sa mall para mamili ng mga gamit, I already called Manang Fe para tulungan ako sa pamimili kaya pwede ka nang umalis pag katapos ko maligo" Paliwanag niya at umakyat na sa taas

Cath POV

Nandito na ako sa mall habang karga karga si Kyson at inaantay si Manang Fe, si kuya naman ay umalis na pag ka tapos mag bantay kay Kyson

Ramdam ko ang mga mapang husgang mata ng mga taong nakatingin saamin. I'm pretty sure iniisip nila na batang ina ako, tang*na nila sarap dukutin nang mga mata nila

"Ky tayo muna ang bibili ha, wala pa si manang eh" Pag kausap ko kay Kyson at pumasok na ako sa store

"Hi ma'am ang cute naman po ng anak niyo. Do you need any assistant po ba?" Tanong niya

First, hindi ko siya anak. Second, yes, I do need your help" Sagot ko sakanya at nahihiyang ngumiti naman siya saakin

"Ano po ba ang kailangan niyo ma'am?" Tanong niya

"Lahat ng kailangan ng baby ang kailangan ko" Tumango naman siya at nag simulang ipakita saakin ang mga gamit

Natapos ang pamimili namin ni Manang Fe at hawak ng mga bodyguard at maid yung mga gamit na binili namin

"Naaalala mo naman siguro lahat ng sinabi at itinuro ko kanina?" Tanong ni Manang Fe, tumango naman ako

"Oh sige na umuwi na kayo, alam kong pagod ka na. Ipapasunod na lang namin ang sasakyan mo pati ang iba pang gamit na binili natin" Dagdag niya pa at binuksan ang pinto ng sasakyan para makasakay ako

Mitch POV

"OMGGGGGGGGG!!! May anak ka?!" Sigaw ko kay Cath pag ka pasok niya ng bahay habang may kargang sanggol

Agad siyang pumunta sa couch at kinuha yung throw pillow at ibinato saakin

"Ang ingay mo, pag nagising toh ikaw talaga ang mag aalaga dito" Mahinang sabi niya

"Paki ayos ng crib sa kwarto ko, Chantal paki turo sakanila ng kwarto ko" Utos ni Cath sa maid at bodyguard

Umupo si Cath sa couch habang karga karga parin ang natutulog na sanggol

"So anak mo nga siya?" Mahinang tanong ko agad akong napaiwas ng tingin ng tapunan niya ako ng nakakamatay na tingin

"Iniwan siya diyaan sa labas kahapon and instead na ilagay siya sa bahay ampunan, ako na lang ang mag aalaga sakanya" Mahinahon sa wika niya

Tang*na si Cath ba talaga toh? Aampunin? Ni hindi nga siya mukhang marunong mag alaga ng bata, pumatay ng bata pwede pa hehehe

"Pano ang sch-" Hindi ko na natuloy ng tignan niya ko ng masama

Cath POV

Natutulog na sa crib si Ky, habang ako naman ay nag titimpla na ng gatas para kung sakaling magutom siya mamaya ay may naka handa na

Agad akong napatingin sa taong pumasok sa kwarto ko

"I brought you some food kase I know naman na hindi ka bababa" Nakangiting sabi ni Chantal at inilapag ang tray sa kama ko

"Salamat" Sabi ko ng akmang aalis na siya, nginitian niya lamang ako at tuluyang umalis na

----------------------------------

Prinprin

Broken TearsWhere stories live. Discover now