Prologue

352 16 0
                                    

A/N: I-nedit ko lang tong prologue ng slight🤏🏼

"BLOOD!"

"BLOOD!"

"BLOOD!"

"Give me some Blood!! " Sigaw ng isang nagwawalang binata mula sa kanyang madilim na silid.

"I said GIVE.. ME.. BLOOD!" muli na namang sigaw nito at pinagsisira ang mga gamit na kanyang makikita.

Ng marinig ng isang katulong ang malakas nyang sigaw ay dali dali naman syang tumigil sa paglilinis at isinumbong ito kay Butler James, ang mayordomo ng bahay at taga pangalaga sa Hari nang mawala ang kaniyang mga magulang.

Habang pinag sisira niya parin ang mga gamit, may biglang kumatok mula sa pintuan.

"Calm down King Dark it's me Butler James, I'm coming in" sigaw ni Butler James mula sa labas ng pinto. Nang marinig ng Binata ang sinabi ni Butler James ay saka pala mang siya tumigil sa kanyang ginagawa.

"Here's the Blood Ki-" hindi pa natatapos sa pagsasalita si Butler James nang bigla nalamang hablutin ng binata ang basong naglalaman ng dugo ng tao, ininom niya ito ng marahas na para bang uhaw na uhaw na siya rito.

"Give me more" utos ng binata sa malamig at kalmadong boses.

Tila nagulat naman si Butler James sa inutos ng hari pero hindi nya ito ipinahalata, sa pagka una unahang pagkakataon kasi humingi ulit ito ng dugo.

"Yes, your majesty" saad niya bago maglaho na parang bula. Pagkatapos niyang umalis, saka naman pumasok ng tahimik ang mga katulong upang maglinis at palitan ang mga gamit na nasira.

Hindi na bago sa kanila ang scenariong ito dahil gawain na nila ito tuwing nagwawala ang kanilang amo. Hindi naman sila sinasaktan nito pero kapag nakakagawa sila ng ingay na hindi nya nagustuhan ay saka palamang ito magagalit.

Sa ilang minuto na paghihintay, dumating nasi Butler James dala dala ang hinihingi nyang dugo. Marahan nya itong inilapag sa bagong lamesa. Nang mailapag ito ay ka agad namang inimon ng binata ang dugo pero hindi na ito tulad ng kanina na marahas.

"Butler James who's the owner of this blood?" malamig niyang tanong.

"I'm sorry your majesty but I also don't know, Sylvia just gave it to me after she heard you screaming " magalang nitong sagot sa kaniya.

"Then bring Sylvia here! " maotoridad nitong utos.

"Where did you get this Blood?" Agad na tanong nito ng makarating si Sylvia.

Nagbigay galang muna si Sylvia sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo bago sumagot sa tanong ng Hari.

"Ibinigay lang yan saakin ng isang kaibigan galing sa ibang kaharian, hindi ko naman intensyon na ibigay sa inyo yan kamahalan kaso nga lang naalala kong ubos napala ang mga stocks natin ng dugo at naisip ko kung hindi kayo agad na makaka inom ay mas lalo po kayong magwawala" mahaba nyang explanasyon habang naka tingin sa sahig, ayaw niya kasing makita ang matalim na titig ng Hari.

"Sylvia is telling the truth King Dark. We dont have much more stocks of human blood, our suppliers have been stop supplying us and I don't know what's the reason" sabat naman ni Butler James.

"Then find the owner of this blood and bring her here"

"Yes your majesty"

'I finally found you my dear mate'

~•~

Sa ilalim ng kulay asul na buwan may isang babaeng walang awang pinagpapaslang ang mga bampirang kumakalaban sa kanya. Hindi man lang siya nag papakita ng kahit katiting na awa habang silay pinupugutan ng ulo gamit ang kanyang matalim na espada.

"Nagmamaka awa ako wag mo akong patayin. Pangako hindi na ako iinom ng dugo ng tao" ang huling saad ng bampira bago nya pugutan ng ulo.

"At sinong hangal ang maaawa sa isang bampira. Pare parehas lang kayong mga salot na naghahasik ng kasamaan kaya dapat lang kayong mawala sa aming kaharian" sabi niya at lumisan na sa lugar kung saan nagkalat ang patay na katawan ng mga bampira na kanyang pinaslang.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

A/N: I hope you enjoyed reading. Sorry for the Grammatical and Typo Errors.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

The Vampire King's Mate (DROPPED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon