Chapter 11

238 13 2
                                    

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Short Update
Grammatical and Typo Errors Ahead
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Chapter 11

Third Person POV

2 Months later~

Panahon na ng tag-lamig kaya abala ang lahat ng mga bampira sa buong kaharian upang mag-imbak ng pagkain, dugo, mga kahoy pang gatong at marami pang iba. 

Ang mga Heneral ay may kanya kanyang gampanin sa kaharian.

Ang pangkat ni William ang nagbabantay sa bawat pasukan at labasan ng Legria. Sila ang nag-iinspeksyon sa mga gamit ng mga gustong pumunta sa Legria lalong lalo na Black Market. Legria ang namamahala sa Black Market kaysa sa Avanni dahil halata namang mas may kakayahang pigilan ng mga bampira kaysa sa tao ang gulo na mangyayari sa lugar.

Ang pangkat ni Leonard ang nagbabantay sa Royal Capital. Ito ang sentro ng Legria, dito naninirahan ang karamihan sa mga bampira kaya mas lalong maraming gulo ang nagyayari. Hindi lang naman Royal Capital ang binbantayan nila dahil may ibang mga lungsod rin naman.

Ang pangkat ni Theodore ang gumagawa ng mga importanteng misyon na si Dark lamang ang nag-uutos gaya ng pag-iimbestiga sa mga kalaban lalong lalo sa mga pumatay sa magulang ni Miracle, pagtukoy kung saan sila nagtatago, pagpunta sa ibang mga kaharian at marami pang iba.

Ang pangkat ni Hilary ang siyang nag sasanay at nagtuturo sa mga baguhang kawal upang mas lalo pa silang lumakas kahit na malakas  ang bampira kailangan parin nilang magsanay. Hindi ka magiging ganap na isang kawal ng Legria kung hindi ka dadaan kay Hilary. Hindi man halata pero siya ang babaeng bersyon ni Dark pagnagagalit.

Ang pangkat naman ni Raiven ang nag babantay sa loob at labas ng palasyo upang walang mga kalabang makapasok pero hindi talaga mapipigilang may ilang nakakapasok kahit mahigpit na ang siguridad.

At dahil sa paparating na tag-lamig mas lalo pang nadagdagan ng mga bagong tungkulin ng mga Heneral habang si Dark, si Dark na Hari ng Hari ng Legria walang inatupag kundi landiin lang Miracle.

Sa mga nakaraang buwang lumipas mas lalo pang naging malapit ang loob ni Miracle kay Dark.

Gaya nga ng sinabi ni Butler James "When a vampire mark's their mate their bond and connection to each other will go deeper"

Hindi man niya aminin pero alam niyang nagkakaroon narin siya ng interes kay Dark ngunit wala pa siyang kasiguraduhan sa tunay niyang nararamdaman.

Pagkatapos ng piging na nagyari ay agad na bumalik sa dati si Dark as usal ganon parin ang ugali niya. Walang kakaibang nagbago maliban nalang sa ikinikilos niya mas lalo pa kasi itong naging protective, obsessed at clingy kay Miracle na para bang ayaw na niyang umalis sa tabi nito para gampanan ang pagiging Hari niya sa katunayan nga parang si Butler James na ang Hari dahil siya gumagawa sa trabaho ni Dark.

Pagkatapos rin ng piging ay parang isang sunog na kumalat ang balita tungkol sa Mate ng Hari at naging matinding usap usap ng sa buong kaharian.

Kung nagtataka kayo kung ano ng nangyari sa bampirang ipinadala ni Dark basement? pwe's matagal na siyang patay kasama ng mga kasamahan niyang nakakakilala sa tunay na katauhan ni Miracle.Wala siyang paki alam kung sino man sila at wala siyang itinira sa kanilang lahat.

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Kakapasok lang ni Miracle sa loob ng kwarto ng makita si Dark na naghuhubad.

"Hoy mag bihis ka nga!" saad ni Miracle at agad na tumalikod upang hindi makita ang katawan ni Dark.

Naka limutan niyang kakalipat lang ni Dark sa kwartong to.

The Vampire King's Mate (DROPPED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon