•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Grammatical and Typo Errors Ahead
Expect Slow Update!!
Pasensya napo kung ngayon lang ako naka pag-update. Nagawa kona half ng chapter nato last month pero hindi ko agad na tapos dahil may pinagawang research samin para sa last project ngayong 4th quarter at may mga manhwa pa akong tinapos basahin kaya nawala na talaga sa isip ko mag update.
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•Third Person's POV
Papa-uwi na sila Dark at Miracle sa palasyo sakay ng isang karwahe. Kung si Raiven lang ang bantay ni Miracle noong paparating papunta sa Balma, ngayon nadagdagan nang dalawampu. Simula kasi noong nalaman ni Dark na nakatakas ang kanyang nakatatandang kapatid sa Nessia ay mas lalong hinigpitan pa niya ang siguridad ni Miracle.
Tahimik lang buong biyahe at tanging yapak ng mga kabayong tumatakbo lamang ang maririnig. Malalim ang iniisip ni Miracle habang naka-tanaw sa labas ng bintana, tinitingnan ang mga niyebeng dahan dahang nahuhulog mula sa langit.
'Taglamig na at wala parin akong impormasyon tungkol sa mga bampirang pumatay sa mga kulang ko. Wala narin akong natatanggap na sulat galing kay Martha, sana naman walang nangyari masama sa kanila'
Bumuntong hininga si Miracle saka pinikit ang kaniyang dalawang mata at isinandal ang katawan sa upuan.
Ilang minuto ang lumipas bago niya muling iminuulat ang kaniyang mga mata. Tiningnan niya si Dark na ngayo'y mahimbing na natutulog habang nakasandal ang ulo sa bintana.
Dahil sa pagiging abala niya, wala na siyang oras para sa kaniyang sarile o magpahinga man lang pero kahit na halata ang pagod at walang maayos na tulog sa kaniyang mukha ay hindi mapagkakailang gwapo parin siya.
Sa hindi malamang dahilan bigla nalamang umupo si Miracle sa tabi nito, malumanay niyang hinawakan ang ulo ni Dark at dahan dahang isinandal papunta sa kaniyang balikat. Pinagmasdan niya ang tulog nitong mukha. Hindi nagtagal marahan niyang hinaplos ang kulay puting buhok ni Dark hangang sa hinay hinay na bumuba ang kaniyang mga daliri sa makapal nitong kilay, nakapikit nitong mata, makinis na pisingi at huminto sa mapupula niyang labi.
"Diba dapat maputla ang labi ng mga bampira, bakit yung sayo hinidi?.... Dahil ba palagi kang umiinom ng dugo pero umiinom rin naman sila Hilary ng dugo ah, bakit maputla parin yung labi nila?" pabulong niyang turan.
"Bakit ba ako nagsasalita ng mag isa, siguro nababaliw na ako"
Habang sinasabi ang mga katagang iyon hindi niya alam na gising pala si Dark at nagpapanggap lamang na tulog.
Babawiin na sana niya ang kanyang kamay nang mabilis itong mapigilan ni Dark. Napasinghap naman si Miracle sa gulat dahil sa hindi inaasahang ginawa niya.
'Mali!! Dapat mahinahon ako. Huwag kang magpatinag Miracle, maging mahinahon ka at hindi dapat marupok!' pagsesermon ni Miracle sa kanyang sarile mula sa kanyang isipan.
"What do you think your doing?" ani niya sa mapanglarong tono at umayos ng pagkaka-upo.
"Tinitingnan ko lang yung labi mo kasi mapula" pag-aamin niya.
'Huh, akala niya siguro magiging marupok na naman ako'
"Is that so?"
"Oo kaya pwede mo nabang bitawan ang kamay ko?" saad niya sa pataray na tono.
Sumunod naman si Dark sa kanyang sinabi, binitawan niya ang kamay ni Miracle ngunit ang baywang naman niya pinagdiskitahan nito. Gamit ang dalawang kamay niya, ina-ngat niya sa ere si Miracle at kinandong sa kaniyang hita.
"At ano na namang kalokohan ang gagawin mo?" naiinis na ani ni Miracle.
Hindi sumagot si Dark at ngunisi lamang.
BINABASA MO ANG
The Vampire King's Mate (DROPPED)
Vampire"BLOOD!" "BLOOD!" "BLOOD!" "Give me some Blood!! " Sigaw ng isang nagwawalang binata mula sa kanyang madilim na silid. "I said GIVE.. ME.. BLOOD!" muli na namang sigaw nito at pinagsisira ang mga gamit na kanyang makikita. Ng marinig ng isang katulo...