Chapter 2

204 9 0
                                    

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Grammatical and Typo Errors Ahead
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Chapter 2

Leonard Morgan POV

Nandito kami ngayon naka sakay sa isang karwahe pauwi sa Legria Kingdom habang binabantayan yung babaeng natutulog.

"Patay naba yan?" Bagot kong tanong ko kay Theodore na katabi ko lamang.

Hindi ko alam kung buhay paba yan o hindi ang tagal tagal kasi magising, mga dalawang Araw narin ang nakalipas simula nung gabing yun.

"Hindi pa siya patay espesyal na sleeping powder lang yung hinagis ko sakanya" sagot naman nya sakin.

.......................

"Heneral Leonard... Heneral Theodore mukang may problema po tayo, may mga bampirang humaharang sa dinadaanan nat- ARGHHHH!!" nagising nalamang ako galing sa maganda kung tulog ng may sumigaw galing sa labas.

"Ano ba! ang ingay ingay kitang natutulog pa ako" saad ko habang bumabangon.

Kinusot kusot ko muna ang mata ko bago lumabas.

Ng maka labas ako galing sa karwahe doon kolang nakitang naka handusay na pala ang  mga kasama naming kawal sa lupa habang naliligo sa sarili nilang dugo.

"Aystt anak ng bampira naman oh" saad ko habang kinakamot ang ulo.

"Ito bang hinahanap mo?" Tanong ng isang Bampira na hawak hawak ang ulo nong kasama naming kawal sabay inihagis ito sakin kaya umilag naman ako.

Pito silang lahat at base sa amoy nila masasabi kong isa silang Shadow Vampire.

Ang Shadow Vampire ay isang pangkaraniwang tao lamang na ginawang bampira ng isang bampira at kapag naging shadow na sila, magiging master na nila ang gumawa sa kanilang maging bampira.

"Haysstt ano ba naman oh kung minamalas ka nga naman kaunti lang aming kawal na nadala... Ngayon sino ng mag da drive nitong karwahe, tinatamad pa naman ako. Tss hoy Theodore abay hindi pwedeng pa higa higa kalang dyan!!" naiinis kung sigaw.

"Kaya mo nayan. Sisiw lang yan sayo!" walang ganang sigaw ni Theodore mula sa loob ng karwahe.

"Wag kang mag alala ako ng mag d-drive" pahabol nyang ani.

"Tama na ang sat sat at ibigay nyo nalang yung babaeng nasa loob ng karwahe" saad ng isang Shadow Vampire.

"Ano bang gagawin nyo sa kanya ha?"

"Simple lang naman gagawin namin siyang alay para sa aming master" sagot ng isang payat na Shadow Vampire.

Pansin kolang lahat sila payat maliban nalang sa una kung naka usap.

Tsss nagdala nga ng mga kasama kinulang pa sa dugo.

"Pasensyahan nalang tayo pero napag utosan lang rin kami kaya hindi namin sya pwede ibigay, dadaan muna kayo sakin bago niyo siya makuha" pagka tapos ko yung sabihin ay sinugod ko agad yung payat na shadow vampire gamit ang paborito kung kutsilyong, ito rin yung ginamit ko nung tinakot ko sila noong isang gabi.

Buti nalang malapit ng sumapit ang gabi kung kaya't malaya akong makaka galaw. Hindi naman kami namamatay dahil lang sa sinag ng Araw pero humihina lang ang kakayahan namin bilang isang bampira kaya ganon.

Well, hindi rin naman sila mag tatagal kung umaga sila susugod dahil masusunog lang  sila sa sikat ng Araw. Mahihina ang mga Shadow Vampire kapag umaga kaya minsan nasusunog sila dahil sa sikat ng Araw.

The Vampire King's Mate (DROPPED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon