~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~~•~•
Grammatical and Typo Errors Ahead
•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•Chapter 6
Miracle Avilla POV
In the next morning....
Nagising nalamang ako ng may naramdamang kung ano mula sa leeg ko at parang may nakapatong sa tiyan ko. Hinay hinay kung iminulat ang aking mga mata, yumuko ng kaunti at doon nakita ang ulo ni Dark na nakasiksik sa leeg ko.
"Ugh wala ba siyang kwarto? at dito nalang siyang palaging natutulog" naiinis ngunit mahina kung saad.
Hindi na ako masyadong naiilang sa kanya kasi nasasanay narin akong katabi siya.
Sabi niya dapat tabi daw kaming matulog dalawa para mabantayan niya ako baka kasi may sumugod daw na mga bampira at kunin ako pero sinabi ko naman sa kanya na kaya kung protektahan ang sarile ko ng hindi nanghihingi ng tulong sa kanya.
Pero mapilit talaga siya kaya wala na akong nagawa, hindi rin ako maka kontra dahil sinabi korin naman sa kanya na hawak niya ang kaligtasan ko kaya pinanindigan talaga niya, at ngayon bantay sarado ako.
Dumistansya muna ako ng kaunti sa kanya bago dahan dahaning alisin yung kamay niya na naka patong sa tiyan ko pero ganon nalang ang pagkagulat ko ng bigla niya ako hugutin papalapit sa kanya.
Shit!
Naramdaman kong uminit ang mukha ko ng napansing wala pala siyang saplot pang itaas.
"Putcha! yung matigas niyang abs nararamdaman ko" mahina kung bulong.
Kahit papano'y babae parin naman ako no.
Sinubukan ko ulit na alisin yung kamay niya pero bigo ko nanamang nagawa dahil sa higpit ng kapit nito sakin hayst, mas mabuti pa sigurong hintayin ko nalang siyang magising.
Lumingon ulit ako sa kanya at ngayon hindi na siya nasiksik sa leeg ko. Malaya konang nakikita ang gwapo niyang mukha.
"Ilang taon na kaya siya?" saad ko sa aking isipan.
Naku wag naman sanang mas matanda pato kay Manang Canor na 65 years old. Si Mang Canor yung binibilhan ko ng mga gamit sa pangpatay ng mga bampira, siguro nagbibenta rin siya ng mga Magical Items baka hindi ko lang alam.
Pero kung mas matanda pa siya kay Mang Canor sige lang bawing bawi naman rin sa mukha.
"Kailan kapa ba magigising ha bampira?" pabulong kong saad habang sinusundot sundot ang malabot niyang pisngi.
Hayy na miss ko tuloy si Hary palagi ko kasi tong ginagawa sa kanya tuwing tulog siya.
Kumusta narin kaya si Martha? na kuhana naba niya yung pinadala kung sulat? namimis korin yung bruhang yon kahit papaano.
Naku! baka nakikipag away nanaman yun sa mga costumers naming hindi nagbabayad wala pa naman ako don para umawat.
Itinigil kona ang pagsundot sundot sa kanyang pisngi ng unti unti niyang iminulat ang kanyang mga mata.
"Good morning My Queen" nakangisi niyang bati habang paos ang boses.
Heh
"Inaakit moba ako bampira?" tanong ko sa kanya.
"Bakit na aakit kaba?" sagot naman niya sakin gamit muli ang paos na boses.
"Tss asa ka" pagtataray kung sagot sa kanya.
Mahina naman siyang tumawa dahilan para biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
"Shit! ang hot niya" ani ko sa aking isipan pero erase erase tandaan mo Miracle bampira siya at kaaway mo siya, tinanggap mo lang yung deal niya para makaganti sa mga pumatay sa mga magulang mo pag naka ganti kana umalis kana rito yan ang isaksak mo sa kukote mo.
BINABASA MO ANG
The Vampire King's Mate (DROPPED)
مصاص دماء"BLOOD!" "BLOOD!" "BLOOD!" "Give me some Blood!! " Sigaw ng isang nagwawalang binata mula sa kanyang madilim na silid. "I said GIVE.. ME.. BLOOD!" muli na namang sigaw nito at pinagsisira ang mga gamit na kanyang makikita. Ng marinig ng isang katulo...