Chapter 3

193 10 1
                                    

Edit: Luh thank you po sa pagbabasa akala ko talaga walang nagbabasa nito sa Wattpad kasi hindi man lang nakaka abot ng 5 reads yung kada chapter😊 Wag po kayong mag alala mag u update ako mamaya❣️

~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•
Grammatical and Typo Errors Ahead
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•

Miracle Avilla POV

Hindi ko alam kung saang sulok na kami ng palasyo ngayon, basta naglalakad ako kasama yung dalawang Heneral na naka buntot sa likod namin ni Sylvia.

Mga Henaral pala sila, hindi halata.

Sabi ni Theodore si Sylvia raw ang mag aasikaso sa akin bago daw ako humarap kay King Dark. Hindi ko alam kong sino yang King Dark nayan pero mukang siya yata yung sinasabi nilang amo nila o yung may pakana sa pagdakip sakin.

Isang Hari pala ang amo nila at hindi lang basta basta hari, isang hari ng mga bampira.

Nakakabagot naman mag lakad, ang laki laki kasi ng palasyong to andami pang pasikot sikot, buti pa magtanong nalang ako kay Slyvia tungkol sa trabaho niya o kaya tungkol sa palasyo. Baka bigyan pa niya ako ng ideya kung saan tatakas hehe.

"Ahm Slyvia matagal kana ba ritong nagtratrabaho?" Tanong ko sa kanya habang nililibot ang paningin buong paligid.

Madaming kawal na nakabantay, mukang mahihirapan akong makatakas rito.

"Hmm bago palang naman akong katulong dito, mga 40 years na siguro"

"Tama ba yung pagkakarinig ko, 40 years o baka naman 4 years?" Nagtataka kong sa kanya.

Mahina naman siyang tumawa tungkol sa sinabi ko bago nya ako sagutin.

"Oo tama po ang narinig niyo 40 years na akong nagtratrabaho rito. Nagsimula akong mag trabaho rito noong nasa edad 25 palang ako"

Ahh ang tagal niya na pala rito. Hindi halatang mas matanda pa siya sa papa ko. Well, mga bampira nga naman... hindi sila tumatanda kahit ilang taon pa ang lumipas.

Maya maya hindi ko napansing huminto na pala kami sa isang kwarto. Hindi ko narin napansing hindi na pala naka sunod samin sina Theodore at Leonard.

"Ah, Miss Avilla pasok po kayo rito dahil dito po kita aayusan"

Sinunod ko naman ang sinabi niya.

.......

Sabi niya sakim maliligo daw muna ako bago niya ako ayusan.

"Woah grabe ang ang gara ng mga gamit ng mga gamit dito" saad ko ng maka pasok sa banyo.

Habang na liligo ako hindi parin tinatanggal yung kadena na nakakabit saking binti, takot yatang matakasan ko sila.

Kasi kani kanina lang sinubukan kong tumakas. Nang tanggalin ni Sylvia ang naka gapos kong mga kamay agad ko siyang itinulak pero hindi palang ako nakaka layo, maramdaman ko nalang na pabigat ng pabigat yung kadena sa aking paa hanggang sa hindi na talaga ako maka lakad dahil sa sa sobrang bigat nito.

Hindi ko alam kung paano yon ng yari kaya tinanong ko si Sylvia, buti nalang hindi siya galit sakin dahil sa ginawa kong pagtakas.

Sinabi niyang isa itong Magical Item kaya normal lang yon. Kung sino man daw ang magtatangkang tatakas habang soot ang kadenang ito ay hindi makakatakas dahil ganon nga ang mangyayari.

Hindi ko alam na may ganito palang bagay rito sa Legria, pwede ko tong magamit para sa pagdakip ng mga bampira.

Mukang totoo nga talaga ang babala sakin ni Theodore. Hindi'ng hindi ako makakatakas rito.

The Vampire King's Mate (DROPPED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon