Chapter 13: "ETHEREAL PROMISE"

43 1 0
                                    

*****

Kinabukasan...

"Akala ko ba gagabayan tayo ni Cheymi, eh bakit nagpaiwan sya sa bahay?"tanong ni Miho kay Callen habang naglalakad papunta sa Auditorium kung saan ginaganap ang practice nila nang mapansin nyang di sya pinapakinggan ni Callen at mukhang malalim ang iniisip nito."Callen, nakikinig ka ba?"pagtapik ni Miho sa balikat ni Callen.

"H-ha?O-Oo nakikinig ako..."

"Hmmm, ano bang iniisip mo?"Tanong ni Miho.

"Kung paano natin maisasagawa yung misyon natin..."

"Yun ba?di ba sabi ni Cheymi, lets just play our part. kaya sundin na lang natin yun?"sabi ni Miho.

"Callen!Miho!"

        Napatingin sina Miho at Callen, natanaw nila si Himiko mula sa di kalayuan na papalapit na sa kanila.

"Himiko, bakit?"tanong ni Miho.

"sa classroom muna kayo magpapractice ngayon, aayusin na kasi namin yung Auditorium..."sagot ni Himiko.

"ganun ba?eh bakit mukhang sabik na sabik ka?"

"Gusto ko na kasing makita kayong suot yung mga ginawa kong damit..."sabi ni Himiko."kaya tara na!"

"Hay naku, ginawa mo na naman kaming manika.."sabi ni Miho habang nakasunod kay Himiko,si Callen naman ay tahimik na sumusunod sa likuran ng dalawa.

*****

        Isinuot nina Miho at Tarou ang mga Angel Costume nila na ginawa ni Himiko, halos pagkaguluhan sila nang buong klase nang matapos silang magbihis.

"Wow Miho,ang ganda mo...para kang isang tunay na Anghel..."sabi ng ilan sa kanilang mga kaklase.

"H-Hindi naman...salamat..."nahihiyang pagpapasalamat ni Miho.

"Ang guwapo mo Tarou!bagay na bagay sayo..."sigawan nang mga babae nilang kaklase.

"Ganyan talaga..HANDSOME eh.."tumatawang pagbibida ni Tarou.

"Malala na talaga..."pailing-iling na buntong-hininga nina Miho, Himiko at Yuri.

Nang biglang pumasok si Akio.

"Oh Akio, sakto ang pagdating mo, anong masasabi mo sa suot ni Miho?"tanong ni Yuri, napatungo naman si Miho sa hiya, pero nang mapatingin sya kay Akio, napangiti ito at sinabing...

"maganda.."

"S-salamat.."nahihiya pero nakangiting pagpapasalamat ni Miho na talaga namang blush kung blush.

"Kuhanan mo sya ng picture.."sabi ni Himiko.

"H-ha?naku hindi na!"Pagtanggi ni Miho.

"Naku sige na minsan lang maging maganda eh..."biro ni Yuri, pinilit din sya ni Tarou at ni Callen kaya wala na syang nagwa kundi ang magpose...ng Magpose?!

"Girl,awat na..."pagpigil ni Yuri.

"Bakit?"pagtataka ni Miho.

"parang pictorial na yung ginawa mo eh, isang shot lang naman..."

"G-ganun ba?"nahihiyang pagyuko ni Miho.

******

"Simulan na natin ang  last part."sabi ni Hikari.

"Guys, puwesta na kayo..."pagdidirect ni Shiro.

        Humiga na si Callen sa sahig na agad namang sinundan ni MIho na siyang nagsimula ng pag-arte...

Angels tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon