angels tears:chapter 3

57 2 0
                                    

CHAPTER 3

*******************************************************************************************************

Kinaumagahan...

“class may bago kayong kaklase ngayong araw na to”

Nagbulungan ang buong klase dahil ang natitirang upuan ay sa likod ni akio..

Pumasok naman ang panibago nilang kaklase na labis na ikinabigla ng mga anghel

“hello!!ako si aiken yuri..ikinagagalak kong makilala kayong lahat..”pagpapakilala ni yuri, nagkatinginan naman sina callen at miho..nakita ni miho ang mga tingin ni yuri sa kanya na parang sinasabi na magsisimula na ang lahat, nakaramdam ng kaba si miho dahil alam nya ang mga kayang gawin ni yuri,pero di nya ipinakita ang takot.

“miho bakit andito yan?”pabulong na tanong ni callen

“ano pa nga ba?eh di manggugulo,may bago ba?”sabi ni miho

“hmmn,mag-iingat ka ha..”nababahala si callen

“oo,alam ko...”sabi ni miho habang unti-unting lumalapit sa kanya si yuri, nang makalapit na ito, nagkatinginan silang dalawa.ngumiti si yuri sa kanya na tila isang mabait na tao.nagtaka naman si miho,alam nyang peke ang ngiti na yun for sure,ano pa bang ieexpect mo sa isang devil..

“kabahan ka na miho,dahil andito na ko”sabi ni yuri sa sarili habang nakatingin kay miho..

 *******************************************************************************************************

                Vacant class, naisipan ni miho na libutin ang school para maging pamilyar sa mga lugar dito...

“wow, ang laki nitong garden..”sabi ni miho habang papasok sa gate ng garden..

                Nakita nya ang kagandahan ng buong hardin ng S.U...naisipan nyang umupo sa damuhan at tingnan ang buong paligid..

“ang ganda naman dito,nakakarelax.”paghiga ni miho at napatingin sa langit.. “nakakamiss na ang langit, kamusta na kaya ang mga anghel dun” sabi ni miho ng makarinig sya ng isang tunog na tila ba pinupunit na papel,hinanap nya ang pinagmulan nito at nakita ang isang estudyante na kinukuhanan ng picture ang mga ibon at bulaklak..pinagmasdan nya lamang ang ginagawa nito hanggang sa mapansin sya nung photographer...

“andyan ka pala...kanina ka pa ba dyan?”

“medyo..anong ginagawa mo?”tanong ni miho

“ha?eto ba?wala,libangan ko lang..”

“photographer ka pala akio..”

“uhm,minsan lang naman” nahihiyang pagsagot ni akio

“Masaya ba yang ginagawa mo?”

“ayos lang,ok lang ba kung kuhanan kita ng picture?”

“ako?bakit?”namumulang pagsagot ni miho dahil hindi sya nageexpect ng ganung tanong mula kay akio.

“wala lang.”

“bakit hindi mo agad sinabi?hindi ako prepared...”patalikod na nag-ayos si  miho,comedy mang tingnan pero that time was so special for both of them.halos hilingin na ni miho na tumigil ang oras dunsa eksena na  yun, para naman kay akio hindi nya mapaniwalaan na gagaan ang loob nya kay miho..

“AAAHHh!!!”

                Isang malakas na sigaw ang narinig nila mula sa di kalayuan.agad naming tumakbo ang dalawa para tingnan ito..nakita nila si yuri na mukhang nalaglag sa puno at nabalian..

Angels tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon