“andito na ko”pagabati ni tarou pagpasok sa kanilang bahay,isang maliit at pinagtagpi-tagping tahanan ang tinitirhan ni tarou kasama ang mama nya at ang anim nyang kapatid.ang papa nya ay isang pintor na nasa ibang bansa para..magpinta?
“kuya!!”pagabati ng anim na kapatid ni tarou.
“oh anak gabi ka na umuwi ah..”sabi ng mama ni tarou
“ah,may ginawa lang po kami ni himiko..”magalang na pagsagot ng binata habang ibinababa ang gamit nya.
“kuya,binigyan ka ba ni ate himiko ng pastries ngayon?”tanong ni sayou,babaeng kapatid ni tarou,4yrs old.
“naku hindi eh,nagtampo kasi sakin ang ate himiko nyo.”malungkot na pagsagot ni tarou
“ganun po ba?saying naman.”sabay-sabay na nalungkot ang mga kapatid nya
“pero may pastries syang ibinigay para sa inyo..”biro ng kuya nila at inilabas ang isang box ng pastries na ibinigay ni himiko,tuwang-tuwa naman ang mga kapatid ni tarou.
“wow kuya,a ng dami nito.”sabik na pagbubukas ni kazuo,lalaking kapatid ni tarou,12 yrs.old.
“buti nga kayo meron eh,ako wala.”sabi ni tarou.
“sayo na lang tong sakin kuya..”paglapit ni shio sa kapatid,lalaki,5 yrs. Old
“ang bait-bait mo talaga shio,halika nga.”sabi ni tarou at binuhat ang kanyang kapatid.”nagbibiro lang si kuya,magtoothbrush ka pagkakain para di masira ang ngipin mo ha..”
“opo kuya!”masiglang pagsagot ng mga kapatid ni tarou.
“ops,ipagpabukas na yan,gabi na,magahahapunan na tayo.”sabi ng mama ni tarou na ikinalungkot ng mga kapatid nya.
“wag kayong malungkot,baunin nyo na lang sa school yang mga pastries na yan.”sabi ni tarou na angpangiti sa mga kapatid nya.
Sabay-sabay dumulog sa hapagkainan ang pamilya ni tarou,tig-iisang mangkok lang sila ng kanin.
“okay bago tayo kumain,sabihin muna natin ang mga alituntunin ng pamilya ng yamada,una huwag tayong mangungutang..”
“…dahil hindi natin to kayang bayaran.”sagot ng pamilya ni tarou
“pangalawa’huwag mang aapi ng kapwa..”
“..sa halip ay tumulong sa kanila..”
“pangatlo,kahit mahirap lang tayo..”
“…magsisikap at mabubuhay tayong nakangiti at masaya.”
“ayan puwede na tayong kumain.”sabi ni tarou.
Simple at payak na pamumuhay lang ang buhay na nakagisnan ni tarou,kaya naman bata pa lang sya ay natuto na syang magsikap para maitaguyod ang pamilya nya.
“mama,bakit wala po tayong ulam?”tanong ni ayame,babae,9 yrs. Old
“naku pasensya na kayo,kanina kasi amy nakita akong painting,nagandahn ako at naalala ko ang mga ipinipinta ng papa nyo kaya binili ko ng painting yung pambili natin ng ulam.”malungkot na paliwanag ng mama ni tarou.
“si mama talaga..”pag-iling ni tarou at nang mga kapatid nya.
“patawarin nyo ako mga anak..”umiiyak n pagdadrama ng mama ni tarou,agad naman nilang kinomfort ang mama nila.
BINABASA MO ANG
Angels tears
Fantasíado you know wat it feels like when youre fallin in love with an....angel?and do you know wat it feels like when an angel fall in love with you....here's my story to answer you...