angels tears:chapter 2

73 2 0
                                    

Chapter 2

******************************************************************************************************* 

Kinabukasan...

“miho gising..miho”

“uhm callen bakit?---callen?”pagtataka ni miho

“wag ka ng mabigla..ikaw din..”sabi ni callen

“t-teka?ano to?bakit naka school uniform?at bakit---asan ang mga pakpak natin?anong nangyari”labis na nashock si miho,pareho na silang mga ordinaryong college student nang shikamatsu university.

“hindi ko rin alam..pero isa lang ang naiisip ko.”

“ano?”

“parte to ng misyon natin, mabuti pa hanapin na natin ang mga binabatayan natin..”sabi ni callen at nagtungo na sa classroom nina akio.

Pagbukas nila ng pinto..

“oh class, batiin nyo ang mga bago nyong kaklase, sina miho amamiya at callen kazunari..”pagpapakilala nang teacher na nasa unahan.

“t-teka?ano to callen?”pabulong na pagtataka ni miho, hindi nya talaga naiintindihan ang nangyayari.

“sumakay ka na lang,tingin ko plano tong lahat ni kami-sama..”bulong ni callen.

“ms.amamiya, doon ka sa tabi ni mr.asakura maupo,at ikaw mr. kazunari doon ka sa tabi ni ms.kirisawa”sabi ng guro,agad naman itong sinunod ng dalawa.

“hi!ako siamamiya miho..”pagpapakilala ni miho pag-upo sa kanyang upuan, super nakakinins dahil hindi man lang sya tiningnan ng kanyang binate.

“ehem!ikaw anong pangalan mo?”tanong ni miho, pero deadma pa din talaga sya..

“(pag ako hindi pa din pinanasin nito,ewan ko na)hoy!!lalaking katabi ko, anong pangalan mo?!”pasigang tanong ni miho, at sa wakas, naagaw nito ang atensyon nang binata,nilingon sya at..

“ha?”

“...(napakabingi!)sabi ko anong pangalan mo?”

“akio”

“(hoo sumagot din)ako si miho, nice to meet you”pacute na bati ni miho, tiningnan lang sya ni akio, hindi man lang ngumiti at inalis agad ang tingin kay miho.

Nang mga sandaling yon, pakiramdam ni miho na tila bas a hangin lang nakatingin si akio.hindi sanay si miho na hindi sya napapansin kaya naman ganon na lamang ang lungkot na nadama nya nang bigla na lamang may bumato ng papel sa kanya,hindi nya naman nakita kung sino pero binasa nya ang nakasulat..

“mukhang malalim ang iniisip mo ah..magfocus ka, making ka sa dinidiscuss nang prof natinJ”pagbasa nya sa sulat..

“hmm,si callen talaga..”sabi ni miho, unti-unti syang napangiti dahil sa sulat na iyon..

*******************************************************************************************************

« masakit yung pagkakapaltok mo kanina ah.. »sabi ni miho

"paltok ?nang ano ?saan ?aba,aba wag kang magbibintang miho..”depensa ni callen

“kuh,kunwari ka pa, pero thanks huh, napangiti talaga ako nun..”pagpisil si miho sa pisngi ni callen..

“aray!!...talaga?”

“oo,tsk,bestfriend nga talaga kita...”

“ah..”patungong pagsang-ayon ni callen

“oh bakit?bakit nalungkot ka?”

“h-ha?h-hindi ah,natutuwa pa nga ako eh..naaappreciate mo kasi ako bilang kaibigan..”pilit na pilit ang pag ngiti ni callen kahit deep inside halos madurog ang puso nya dahil sa mga sinasabi nya,ilang taon nya nang ipinaparamdam kay miho ang nararamdaman nya, na andyan sya palagi, ngunit di bilang isang kaibigan, kundi isang nagmamahal...pero hindi nya malaman kung hindi ba ito napapansin ni miho, na nagiging manhid ito.walang maisip na dahilan si callen, pero paraan meron at  yun ay ang magtapat at sabihin kay miho ang nararamdaman nya.

Angels tearsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon