EPILOGUE

16 3 0
                                    




Cael's POV:


Pagdilat ng mga mata ko ay hindi pamilyar na kisame ang bumungad sa akin. Masakit ang buo kong katawan nung sinubukan kong gumalaw kaya dahan-dahan akong bumangon para makaupo sa kama.


Sobrang liwanag ang nagmumula sa bintana ng kwarto kung nasaan ako, kasabay ng malamig na simoy ng hangin ang pumapasok doon. Nasaan nga ba 'ko ulit?


"Mabuti naman at gising ka na..." Nilingon ko ang nagsalita na yun at napangiti.


"Ako ba ang nahuli?" Tanong ko dito.


May dala itong pagkain at inumin na inilapag niya sa lamesa malapit sa kama.


"Hindi naman, si Kevin ay hindi parin nagigising marahil ay sa sobrang pagod din." Ngiti niya at lumapit sa akin. "Mukhang may mga sugat ka pa palang hindi pa gumagaling, hayaan mo at tatawagin ko si Kyries--"


"Wag na, hayaan mo na siyang magpahinga. Hindi naman malubha yung mga sugat ko, ilang araw lang naman at gagaling na 'to." Ngumiti siya sa akin at tumango.


"Kung ganun ay hahayaan nalang muna kitang magpahinga pa ng mas mahaba, babalik nalang ako dito mamaya para kamustahin ka."


"Salamat kung ganun..." Nasa pintuan na ito palabas ng kwarto nang may biglang pumasok sa isip ko na tanong.


"Eileen..." Agad naman siyang lumingon. "Paano nga ba ulit natapos ang digmaan?"


Kunot noo siyang tumingin sa akin habang nasa hamba parin ito ng pinto.



"Tulong-tulong tayong lahat para maikulong si Kenna sa Sapphires Gem habang sila Kevin, Redmond, Cooper at Jace ang nakipaglaban sa kanya hanggang sa mapahinto ni Arthur ang oras at nagawa natin malamangan si Kenna. Pagkatapos nun ay ibinalik nila Edreia at Azalea ang lahat sa dati kaya nagawa narin natin makabalik dito sa Thrae." Mahabang paliwanag niya sa akin.


"Ganun ba..."


"May problema ba Cael?" Nag-aalalang tanong niya. Umiling ako at ngumiti para mapakita na ayos lang ako.


"Wala, baka dala lang ng sobrang pagod kaya pakiramdam ko ay panaginip lang ang lahat." Natawa naman siya sa naging sagot ko.


"Kung ganun ay kainin mo na ang pagkain mo at magpahinga. Kailangan na natin magpulong sa lalong madaling panahon para paghandaan ang magiging bagong konseho ng palasyo." Sabi nito at tuluyan ng umalis.


Agad akong humiga sa kama at tumitig sa kisame... Tama, tapos na ang digmaan at kami ang nanalo laban kay Kenna. Kami ang pumigil sa naktakdang propesiya...


Ang saya sa pakiramdam isipin na tapos na nga ang lahat... Pero bakit parang may kulang...



Parang may nawala sa akin na mahalaga?



Matapos ang dalawang araw ay nagpasya na kong lumabas ng aking silid dahil ngayong araw din magaganap ang pagpupulong para sa bagong konseho.


"Naks, may bangas pa sa mukha pero gwapo parin!" Napangiwi ako dahil sa boses ni Kevin.


"Ikaw nga kahit walang pasa panget parin eh. Lugi ka noh?" Pang-aasar ni Uziah dito na agad ikinasimangot ni Kevin.


"Mahal mo naman!" Pambabawi niya. Agad na namula ang pisngi ni Uziah at hindi nakasagot. "Boom!" Dagdag pa niya kaya natawa ako.


"Hay nako hindi na nagbago ang dalawang yan." Nilingon ko kung sino ang nagsalita na yun, si Henley pala na kasama si Jamil.


AvalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon