"Witches (Part 1)
Peyton's POV
"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na kaysa nag-aaksaya ka ng oras diyan."
"Napaka-sungit mo kahit kailan." Natatawang sagot ni Uziah sa akin.
Agad ko naman sinarado ang librong binabasa ko at hinarap siya, tuluyan siyang pumasok sa kwarto ko at umupo sa kama. Habang ako ay nanatili sa pang-isahan na sofa.
"Kamusta ka?"
"Maayos naman, pero hindi ba dapat ay ikaw ang tinatanong ko ng ganyan?" Sinserong tanong ko. Tipid na ngumiti siya sa akin bago nag-iwas ng tingin.
"Ayokong magsinungaling at sabihin na okay lang. Pero parang wala rin naman magbabago kahit na sabihin ko ang totoo."
"Patawad Uziah... Gaya mo ay hindi ko rin inasahan ang lahat ng ito." Sambit ko habang inaalala lahat ng mga nangyari nung nakaraan.
"Peyton, kaya ko naparito dahil gusto ko malaman ang nangyari noong gabi na dinakip kayo. Gustuhin ko man na tanungin ka nung nakaraan pero naisip ko na hindi iyon ang tamang oras."
Ngumiti ako sa kanya bilang senyales na ayos lamang ang kanyang ginawa. Tumabi ako sa kanya sa pagkakaupo sa aking kama. Ilang minuto akong nanatiling tahimik bago nagsimulang magkwento.
"Sa totoo lang ay hindi ko talaga nasimulan lahat ng pangyayari. I was in my room doing some meditation like I always do until I heard a loud explosion somewhere in the house. Syempre nagpanic ako at nung paglabas ko napalibutan agad ako ng sand spear sa bungad palang ng kwarto. I knew it was Ara... Pero pinilit kong isawalang bahala ang ideyang siya ang nagsimula ng pagsabog. At that moment Arthur tried to save me by stopping the time that surrounds her, but it's no use... Para bang mayroon siyang panangga sa kapangyarhan niya na yun kaya't nakakagalaw parin siya.
Pero hindi namin inaasahan na yun pala ay kagagawan ni Eli, she used some kind of spell para maprotektahan ang sarili at ni Ara mula kay Arthur. Ang pag-atake niya ang pinaka hindi namin inaasahan kaya't nawala kami sa pokus kay Ara. Jace tried to help because aside from me, I'm the only one who can do some offensive attack at that moment dahil mabilis na nawalan ng malay si Arthur, at si Kyries naman ay bitbit na ni Eli. Hindi ko rin malaman kung bakit inuna nilang atakihin si Arthur at Kyries that time habang hinayaan nila kami ni Jace na kalabanin pa sila."
"P-Peyton... Si Eli, alam mo bang-"
"Yes... I know that she's my sister. Unang-una ay dahil hindi kami nagkalayo ng itsura, mula sa buhok, pigura ng mukha, pati narin ang magkahalintulad naming kapangyarihan." Deretso kong sabi sa kanya na ikinagulat niya.
BINABASA MO ANG
Avalon
FantasyPower against the Wicked A journey to find the missing Princess A choice between Darkness and Light Rebellion between comrades and Love for the sake of the people they care... --- Started: October 14, 2019 Finished: July 10, 2021