Chapter 22: Trouble

32 4 0
                                    

"Trouble"


Keefe's POV


Pinilit kong idilat ang mata ko sa narinig. It can't be.. Si Caileen ang babaeng ito sa harap namin? Si Caileen ang babaeng ito na may kakaibang taglay na kapangyarihan?


"Caileen please.." Nanghihinang sabi ni Henley habang yakap-yakap ang kaibigan.


Hinarap ni Caileen si Henley, pero agad din niya itong tinulak palayo. Hindi ito ganon kalakas pero alam kong may kaunting pwersa parin ito kaya agad akong nagpakawala ng hangin para mapigilan ang pagbagsak ni Henley sa lupa.


"Huwag mo akong pipigilan. Ang lalaking ito ang siyang nagtangka sa aking buhay!" Sabi ni Caileen at itinuro si Jamil. 


Tiningnan niya itong muli at hinawakan sa leeg kaya agad akong nakaramdam ng kaba sa pwedeng mangyari. 


"Magbabayad ka.." Sa sinabi niyang iyon ay bigla siyang huminto sa gagawing pag atake.


Nagtataka akong tumingin sa gawi nila hanggang sa napansin ko sa malayo si Arthur na mukhang hirap na hirap, tsaka ko lang napagtanto na ginamit niya siguro ang kanyang kapangyarihan para pigilan si Caileen sa gagawing pag atake.


"Bilisan niyo! Hindi ko alam kung kaya ko pang matagalan to. She's too strong for me to limit the time around her. Nararamdaman ko ang pag piglas niya kaya gumawa na kayo ng barrier to hold her down!"


Sa sinabi niyang iyon ay hindi na ko nag-atubiling kumilos at ininda nalang ang sakit na nararamdaman sa katawan.


"Kevin! Jace! Kyries! Help me out!" Sigaw ko sa tatlo at agad naman silang tumango bago pumwesto. "Ara, get him out of her grip." Sumunod naman siya sa sinabi ko. 


Nakita ko ang pag gapang ng mga buhangin sa katawan ni Jamil bago nito binalot ang katawan niya hanggang sa makawala siya sa pagkakahawak ni Caileen. Nang masiguro kong malayo na sila mula sa pwesto namin ay nagsimula na kaming apat sa pag gawa ng barrier.


"Keefe.." Tumingin ako sa gawi si Kyries at nakita ko ang kulay kahel na pulbos mula sa palad nito. Tumango ako sa kanya bilang senyales na gawin na niya ang dapat.


Inihagis niya iyon at agad kong sinalo gamit ang hangin at agad kong ipinalibot sa katawan ni Caileen.


"Kevin!" Pagkabanggit ko ng pangalan niya ay agad siyang nagpakawala ng tubig.


Sunod ay si Jace na ginawang yelo ang tubig, pinatibay ko rin ito gamit ang cool air na ipinalibot ko sa buong barrier para manatili ang pagiging yelo ng kabuuan nito.


Naramdaman ko na sinusubukan ni Caileen ang pagpiglas sa ginagawa namin kaya nahirapan pa kami na pigilan siya. 


"Ano ba yung powder na yun Kyries? Bakit pakiramdam ko ay mas lumalakas pa siya dahil ba yun doon?" Tanong ni Kevin habang namumuo na ang butil ng pawis sa kanyang noo.

AvalonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon