"Feelings"
Redmond's POV
"That's great Krista keep it up!" Sabi ni Kevin pagkatapos niya masangga ang atake na ginawa nito.
Naglabas ng water dragon si Kevin at inatake si Krista gamit yun. Lumayo naman siya agad ng makita ang pag atake ng water dragon at naglabas ng air speer at ibinato kay Kevin kaya nawala ang focus niya sa pag kontrol sa dragon.
Kinuha naman agad ni Krista ang espada na gamit niya at tumakbo ng mabilis kay Kevin. Nang mapansin yun ni Kevin ay gumawa naman siya ng espada gamit ang tubig at sinalubong ang atake nito.
Now they are swinging their swords against each other, and it's amazing na kahit kami mismo ay kinakabahan sa ginagawa nilang pakikipag laban sa isa't-isa. Minsan lamang si Krista, minsan si Kevin.
Nung magtagal mukhang pagod na si Kevin dahil sa laban habang si Krista ay wala man lang kahit anong galos at mukhang hindi man lang napapagod. Sumugod ulit siya papunta kay Kevin at mukhang nabigla siya sa nangyari kaya napa-atras ito at nawala sa balanse kaya natumba.
"I win!" Sabay tutok ni Krista sa leeg ni Kevin.
"That's enough. Good job Krista." Sabi ko sa kanya at ibinaba naman niya yung espada at ngumiti sa amin.
"Ang weak mo Kevin nakakahiya ka!" Sigaw ni Uziah habang tinutulungan siya tumayo.
"Ikaw kaya lumaban! Palibhasa kasi nanunuod ka lang eh."
"Atleast ako magaling ikaw weak!" Umiwas nalang ng tingin si Kevin kay Uziah at binalingan ng tingin si Krista na nasa tabi na niya bigla.
"That was a good fight Kevin! Good job!" Sabay alok niya ng kamay niya at nakipag shake hands.
"Grabe Krista ang galing mo talaga! 2 weeks na training lang at mas magaling ka pa kay Kevin pati narin sa iba! At marunong ka narin gumamit ng kapangyarihan mo ng hindi agad napapagod." Jamil.
"Syempre, thanks to all of you for helping me improve, kaya mas lumakas pa ko. Kaya thank you all so much!" Sabi niya at nag bow pa sa amin.
We all smiled at her and decided to have our dinner together.
"Maliligo muna ako at magpapalit pinagpawisan ako sa laban namin ni Kevin eh." Sabi ni Krista habang naglalakad kami palabas.
"Sige lang Krista hintayin ka namin sa dinning area para sabay-sabay na tayo kumain." Sabi ni Keefe.
Sabay-sabay narin kaming naglakad papunta sa dining area pero parang ayaw sumunod ng mga paa ko dahil sa bagal ng bawat hakbang nito.
"Okay ka lang?" Tanong sa akin ni Ara na nasa tabi ko.
"Yeah." I manage to answer calmly. "Nakalimutan ko lang kunin yung cellphone ko sa kwarto, may pinapanuod kasi ako doon na movie, kukunin ko lang."
BINABASA MO ANG
Avalon
FantasyPower against the Wicked A journey to find the missing Princess A choice between Darkness and Light Rebellion between comrades and Love for the sake of the people they care... --- Started: October 14, 2019 Finished: July 10, 2021