"Found"
Keefe's POV
"Good, everyone's here." Sabi ni Redmond nang makarating sila Uziah sa greenhouse.
Lahat naman sila napatingin agad sa babaeng kasama namin.
"This is Krista Samonte." Pakilala ni Jamil sakanila.
"So you're the girl huh." Peyton.
Napayuko naman bigla si Krista sa sinabi ni Peyton.
"Actually, hindi ko inaasahan yung sinabi sa akin nila Keefe na ako daw yung hinahanap niyo. Hindi ko rin inaasahan na may kagaya ako na may kakayahan gumamit ng mahika o kapangyarihan." Paliwanag ni Krista.
"Kung ganon paano ka natuto gumamit ng kapangyarihan na taglay mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ang totoo niyan, isang araw nagulat nalang din ako na may kakayahan akong ganito. Noong bata ako, may nagtangka sa buhay ko, hinoldap ako ng tatlong lalaki habang pauwi galing school. Dinala nila ako sa gubat kung saan walang tao at pinagtangkaan ako gahasain. Nung alam kong wala na akong takas at sobrang takot na takot na. Nagdasal ako ng taimtim na sana ay may tumulong sa akin."
"At may dumating?" Jace
"Wala. Pero biglang umiilaw ng malakas at may naramdaman akong matinding pwersa na lumabas sa aking katawan kaya tumalsik palayo sa akin ang tatlong lalaki. Pagkatapos nun ay may narinig akong boses at sinabing, siya ang tutulong sa akin upang mas kilalanin pa ang aking sarili."
Lahat kami tahimik lang na nakikinig sa kanya. Ang iba sa amin kumbinsido na pero ang iba halatang hindi pa.
"Kung ganon maaari mo ba ipakita samin ang kakayahan mo sa pag gamit ng kapangyarihan?" Tanong ni Ara.
Nung una nag-alinlangan pa si Krista sa pabor ni Ara, pero nung sinigurado ko na ayos lang, pumayag din naman siya.
"Arthur can you stop the time while she uses her power?" Tumango naman sakin si Arthur, damn. Sa sobrang tahimik niya ni hindi ko na mapansin ang presensya niya sa grupo.
Kapag tinatanong kasi siya bakit ayaw niya magsalita o kausapin kami. Palagi lang niya sinasabi na 'I don't want to waste my time.' I don't get it though, he's the time manipulator for pete's sake.
Ginamit niya ang kapangyarihan niya to stop the time sa labas ng greenhouse kaya kami lang na nandito sa loob ang makakagalaw.
"Please don't think any weird things about me." Sabi ni Krista before using her power.
Una pumikit lang siya as if she's concentrating. Then nakaramdam kami ng malakas na hangin, pag galaw ng lupa at mga halaman, tapos ay unti-unti siyang lumulutang sa hangin.
BINABASA MO ANG
Avalon
FantasyPower against the Wicked A journey to find the missing Princess A choice between Darkness and Light Rebellion between comrades and Love for the sake of the people they care... --- Started: October 14, 2019 Finished: July 10, 2021