"Hi Ms. Kweenly!!!"
"Ang ganda ganda niyo po sa personal!"
"Papicture po Ms. Kweenly!"
"I love you!!!"
Ito ang ilan sa mga naririnig ko, tuwing lumalabas ako at nakakasalamuha ang mga tao.
Ako nga pala si Kweenly Davis, isang kilalang artista. At bukod sa pagiging artista, isa ako butihing anak nina Mr. and Mrs. Davis, of course.
"Kween, wala ka na bang gustong daanan? Daretyo na ba tayo sa meeting with the bosses" tanong ng manager ko sa akin.
"Ahm, sa tingin ko po, wala na po hehe" sagot ko ng nakangiti.
"Okay, manong daretyo na tayo sa company" utos ng manager ko kay manong.
"Nice meeting you po" bati ko isa isa sa mga boss ng kumpanya na kung saan ako nag tatrabaho—bilang artista.
"Finally! Na meet na namin ang isang Kween! Naku! We are very proud of you! We can't stop watching you on tv"
Pag co-compliment ng isang boss sa akin."Ikaw naman kasi, dati ko na binabanggit pangalan niya...dahil una palang nakitaan ko na ng potential, busy ka naman kasi sa ibang artista" sagot naman ng isang boss na siyang ikinatawa ko.
"Okay settle down, we are here to talk about the upcoming love team" sabi ng isang pinaka big boss ng company,
What? Love team? Tanong ko sa sarili ko.
"Ow, here they are." Dagdag niya at itinuro ang pintuan na pinasukan ng mga kakarating lang.
Wait, parang familiar siya sa akin?
"Ms. Davis, kilala mo na siguro siya, but for formality, he is Dexon Peterson, your new loveteam"
"Wait mommy, hindi ba okay na ako na walang ka-love team on screen?" Tanong ko sa manager ko, mommy ang tawag ko sakanya.
"Yes, but the bosses said na mas iingay ang pangalan mo, at the same time, pangalan niya kapag pinag pair up kayo."
"Owwwkay, pero alam na ba nina mommy and daddy to?" Tanong ko
"Yes honey, in fact, pumayag sila. Not totally pumayag...as long as you are okay with it, okay rin daw sakanila" paliwanag niya.
Tumango tango naman ako,
Ang dami na kasi pinair up sa akin, pero hindi pumatok sa masa. I guess it's not bad to try it again, and mukhang mabait naman siya.Lumingon ako sa kinaroroonan niya at nag tagpo ang mga mata namin, ngumiti siya kaya ngumiti rin ako.
Nag kasama na kami once, siya ang binigay ng management ko noon na eskort para sa ball, literal na naging eskort ko lang siya, dahil hindi ko talaga siya kilala noon. Kaya hanggang hi-hello lang kami.
"Since okay na, we are ending this meeting, and goodluck to the both of you" sabi ng big boss at saka umalis, sumunod naman ang iba kaya nag wave naman ako with matching "ba-bye po"
Lumapit ang manager ko, sa manager ni Dexon at nag usap sila.
Nilapitan rin ako ni Dexon."Hi Kween" bati niyang nakangiti
"Hello Dexon, it's nice meeting you again. Akala ko hindi na tayo mag kikita" sagot ko.
"Akala ko nga din eh, nagulat nga rin ako noong nalaman ko na ikaw ang magiging partner ko." sabi niya
"Nag sisimula ka palang din ba? Hindi pa kasi kita nakikita maliban noong ball"
"Ah yeah, actually, artista rin both parents ko...kaya gusto ko rin i-try. Hehe" paliwanag niya.
"Ah see," yan nalang ang nasabi ko.
"Hello there, Ms. Davis" bati naman ng manager niya saakin na biglang sumulpot sa likuran niya.
"Hello po" sabi ko ng nakangiti
"Naku! You are so bubbly talaga sa personal no! I'm happy na ikaw naipareha sa alaga ko" sabi nito
"Ay naku hindi naman po, sakto lang hehe. Sobrang thank you po" pasasalamat ko na abot sa tenga ang ngiti.
"Oh siya, see you tomorrow ha? Para sa script reading" sabi nito kaya bumeso ako sakanya para mag pa alam na rin.
Napag usapan na rin kasi kanina na may upcoming project kami together at nag sign na rin ng kontrata regarding sa project na yun.
"Bye Kween" pamamaalam ni Dexon,
"Bye Dex, see you tomorrow" ngiti ko dito.
BINABASA MO ANG
End Game (COMPLETED)
Short StoryKung saan kami nag simula, doon rin pala kami mag tatapos -Kweenly