Chapter 9

332 18 0
                                    

"Kween, naka ayos ka na? Baba na tayo?"

"Okay na po ako mommy" sagot ko sa manager ko.

Bumaba na kami sa eroplanong sinakyan namin at pag labas namin ng airport ay nagulat kami dahil sa dami ng reporters at fans. Mukhang nag kakagulo ang reporters at ng mga fans.

"Iba talaga charisma ng baby girl namin, nag post ka ba sa pag balik natin dito?" Tanong ni mommy Jessica.

"Hindi po, nag tataka nga po ako e. Baka hindi po ako ang ipinunta nila dito?" Tanong ko pabalik.

"Ah baka nga, daretyo na then tayo" tumango naman ako.

Nagulat nalang kami dahil nag si-takbuhan ang mga reporters sa direksyon namin. Lumingon lingon kami sa likod namin dahil baka nasa likod namin ang kakausapin nila.

"Ms. Kween, totoo ba na wala na ang tambalang Kweendex?"

"Asan si Mr. Dexon? Hindi ba siya simabay sainyo pauwi?"

"Totoo ba na may bagong ka love team si Dexon?"

"Ano masasabi mo sa kumakalat online na wala na ang loveteam ninyo ni Mr. Dexon?"

Sunod sunod na tanong ng mga reporters sa akin, nag kakatulakan na rin kaya humingi ng tulong si Mommy Jessica sa nga security guard ng airport. Mabuti nalang at mababait sila at tinulungan kami. Hindi ko alam ang nangyayari, at kung alam man namin ay nag padala na ang parents ko ng body guard.

"Hindi po totoo na nabuwag na po ang love team namin at sa katunayan ay kakatapos lang ng shoot namin para sa isang magazine." Pag lilinaw ko, at saka umalis sa harap nila.

"Huuu! Muntik na tayong di maka alis dun ha!" Parang nabunutan ng tinik na sabi ng manager ko.

Lumingon ako sa labas at kitang kita ko parin ang kaguluhan.

May nabasa pa akong nakasulat na

"Kweendex forever"

"Mommy, pahiram po ng phone ko."

"Mamaya na Kween at baka ma stress ka lang sa mga mababasa mo. Mag pahinga ka muna at dadaretyo ako sa company. Itatanong kung ano tong gulo na to.

Bumuntong hininga na lang ako at ipinikit ang mata.

Di nag tagal ay nakarating na rin kami sa bahay.

Maaga akong natulog dahil may lakad pa kami ni Dexon bukas ng gabi. Pag papatuloy sa interview para sa magazine.
.
.
.

"Sino naman si Kween Davis, sa buhay ni Dexon Peterson?" Tanong ng interviewer.

"Mg lucky charm" di alinlangan na sabi nito.

"Care to explain? Why it is so?" Tanong ulit.

"As we all know, she's very unique. You can't see another girl or woman like her. She's one of the reason why I am famous right now, she helped me throughout my journey. She never stop making us smile, even if we are all tired with all the works that had to be done. She's very sweet also not only to me but to everyone. And with her energetic vibes, i think all the good energy towards us ay dahil sakanya." Paliwanag nito.

"Alam ko sasabihin na naman nito," sabi ulit niya

"Awww ang sweeettttt hahahaha" sabay kaming bumigkas

"She's so transparent no?" Sabi ng interviewer.

"Sobra!" Sagot naman di Dexon.

End Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon