Chapter 3

622 24 0
                                    

"Are you an officially loveteam na ba? Or dito lang sa movie na to?" Tanong ng interviewer. Press conference kasi ngayon namin.

"I am happy to announce that..."sabi ni Dexon at itinuro ako para ituloy ko ang sasabihin ko.

"We are now officially love team" sabi ko na nakangiti.

"Mr. Peterson, sa pag kakaalam ko, this is your first big project right?"

"Yes po" sabi nito na nakangiti

"Ano naman ang nasabi, o napayo ng parents mo sayo para dito?"

"Ahm, of course, they supported me on my decisions and to my chosen career path, actually they are part of my decisions...and sabi naman nila, it's not bad to try new things" sagot niya

"Tapos na po ang presscon, at sana po manood kayo ng movie nila. I promise, worth it panoorin" sabi ng manager namin

Nag final goodbye na kami, at umalis.

Nagulat kami pag labas namin ng building dahil ang daming nag aabang na fans sa amin.

"Kween!!!!"

"Hi Kween! OMG ang ganda mo!"

"Dexon! Ang pogi mo!"

"Bagay na bagay kayo!"

"Kweendex!!"

"Kweendex!!"

"Kweendex!"

Natatawa ako sa ipinangalan nila sa love team namin.

Lumapit ako kay Dexon at binulungan,

"Hindi ba may katunog ang Kweendex? Hahahaha"

"Oh Em GEEEE!!!! Ang sweet nila!!!!" At muling nag ingay ang fans kaya di ko marinig sinabi ni Dexon,

Sinenyasan ako na mas lumapit kaya itinapat ko tenga ko sakanya at inilapit naman ang bibig niya.

"Ano naman?" Tanong niya.

"Yiiieee!!! Lalanggamin kayo!!!" Sabi nila ulit at nag hiyawan.

Natawa ako at saka bumulong kay Dexon
"Ewan ko basta may katunog, pakinggan mo" sabi ko.

Mas lalo silang nag hiyawan. Hindi ko sinasadya na pakitaan ang fans ng sweetness namin, pero talaga natatawa kasi ako sa pangalan ng loveteam namin.

"Kweendex!!"

"Kweendex!!"

"Kweendex!!"

Sigaw nila, at sinulyapan ko si Dexon, nakakunot ang noo at pinapakinggan ng mariin ang sinasabi nila.

Ang cute niya, hahahaha

"Oy ang cute mo!" Sabi ko ulit.

"Kung nakikita mo siguro itsura mo sa salamin matatawa ka. Sabi ko ulit.

"Bakit naman?" Nakakunot noong tanong niya.

Hinawakan ko ang noo at parang plina-plantya ito para bumalik sa dati

End Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon