Chapter 2

965 31 0
                                    

After ng script reading na naganap last week ay masasabi ko na medyo nakilala namin ni Dexon ang isat isa.

Ngayon pala ang unang araw ng taping namin ng isang Romcom movie.


"Rose, I love you." Sabi nito at hinawakan ang kamay ko.

"Ngek!? Mahal agad? Parang 1 second ago nga lang tayong nag kakilala e!" Acting ko naman.

"Kahit isang mili second pa yan Rose, Kapag yung puso ang nag dikta. Wala ka ng magagawa"  acting naman ni Dexon

"Parang kanta yan ha? Hindi ba yan yung...kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito" acting ko na may pasayaw sayaw pa.

"Yan ang nagustuhan ko sayo, ang weird mo" natatawang sabi nito

"Weird na nga, nagustuhan pa. Sira ka ba!?" Sagot ko...

"Sirang sira ako kapag di mo ako sinagot" sabi nito at bigla akong niyakap.

"Okay! Cut!" Sabi ng direktor.

"Good job everyone! Wrapp up na tayo at mag si-uwian na...baka abutin pa ng ulan, nakaraming scenes naman na tayo dahil puro take 1 lang"

Masayang nag si-talunan ang mga staff, pati na rin ako. Sa wakas maagang makakapag pahinga ngayon.

"Uuwi ka na ba?" Sulpot ni Dexon sa likod ko.

"Ahm wait, itatanong ko sa manager ko." Sabi ko at akmang aalis nang bigla siya tumawa.

Tinignan ko siya na parang nawiwirduhan.

"Sorry, ang cute mo lang kasi, para kang bata na di alam ang gagawin sa buong araw niya" komento nito.

"Ihhh wala kasi akong alam kung saan ang next, hindi nasabi saakin" sabi ko na natatawa na rin.

"I bet, wala na kayong pupuntahan. Dinner tayo?" Yaya niya. Lumaki naman ang mata ko sa narinig ko.

"I mean, with our managers, of course" nakangiti nitong sabi saakin.

"Ah eh, sabihin ko kay mommy kung trip niya ba sumama" pamamaalam ko at tumango naman siya.

Pumayag si mommy at sabay sabay nga kami kumain.

Syempre sa hindi matao na restaurant kami kumain, para di kami pag kaguluhan at di pa na announce sa public officially ang loveteam namin.

Niyaya kaming mag dinner para siguro makilala namin ang isat isa.

So far, kung ano ang unang impression ko sakanya ay ganoon parin hanggang ngayon.

He's such a gentleman and has a sense of humor. He always laugh at my jokes, even if they are corny. I admit. Hehe

"See you again tomorrow Kween," pamaalam niya at bumeso sa akin. Oo bumeso siya dahil bineso ko manager niya, hindi ko naman sana siya bebesohin kasi nahihiya pa ako pero siya naman naunang nag insist hehe.

"Goodbye Dex" huling ngiti at pamamaalam ko saka sumakay na sasakyan.

"Ang sweet niya no?" Panimula ng manager ko sa usapan, pag kasakay namin sa sasakyan.

"Oo nga po eh, hehe"

"Hindi sa ano ha, pero siya pinakagusto kong pinartner sayo. Feeling ko papatok talaga kayo sa masa."

"Sana na nga po eh, hehe. Para naman di masayang lahat ng effort natin" sabi ko rin.

"Oo nga, lakas ng chemistry niyo eh. Tinitignan palang kayo na mag kasama...grabe! Iba na!"

"Ikaw mommy ha, nambobola ka na po haha"

"Hindi ah! Ikaw na bata, di ako marunong mambola no, haha" at nag tawanan kaming dalawa sa loob pati na rin si manong.

"How was your day anak?" Tanong ni mommy ko pag kadating ko sa bahay.

"It was good naman po mommy. Buti at hindi naka ilang take sa taping kanina"

"Very proud talaga ako sa anak ko" sabi naman ni daddy at niyakap ako.

"Hehe thank you po, ay oo nga pala. Nag dinner po pala kami ng partner ko"

"Oo nga daw eh, sinabi sakin ni Jessica." Sabi ni mommy, patungkol sa manager ko na si mommy Jessica.

"How was he?" Tanong ni daddy.

"Gentleman po siya daddy, and to be honest...ang galing niya rin po mag salita. May mga laman po lahat ng sinasabi niya"

"Naks, oh tignan mo anak ha. Ayaw ka namin masaktan ng daddy mo. Baka magaya na naman yan sa mga ibang naka-partner mo before." Payo ni mommy

"Yes po mommy, I'll never put mg guard down na po. Hehe"

"Akyat na po muna ako sa kwarto ko para mag pahinga" paalam ko.

At saka hinalikan ko sila.

Nakakapagod itong araw na ito, but worth it. Hopefully, mag bunga lahat ng pag hihirap namin.

And hopefully, hindi masayang ang friendship namin na namumuo.

End Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon