"Tingin dito" utos ng photographer kaya sabay kaming tumingin sakanya.
"Fabulous!!!"
"Dexon, paki akbyan si Kween" sinunod naman ni Dexon ang sinabi.
"Amazing! Kween, i headlock mo si Dexon"
Sinunod ko naman kaso hirap ako abutin. Kahit matangkad ako ay matangkad rin siya kaya nag tawanan kaming lahat.Ibinaba konti ni Dexon ang tuhod niya para maka adjust at maabot ko siya.
"Okay, bahala na kayo sa mga post niyo." Sabi ng photographer
Kaya lumuhod naman si Dexon pero nakatalikod sa akin.
"Ginagawa mo huy?" Takang tanong ko.
"Sakay ka sa likod ko dali"
"Hala? Kaya mo ba?" Tanong ko.
"Oo ako pa? Macho to no" pag yayabang niya.
"Sige nga, tignan natin ang kaya mo" sabi ko saka sumakay.
"Sisiw lang." pag aasar nito kaya napalo ko balikat.
"Yan! Ganyan! Napaka natural!" Sabi naman ng photographer.
Matapos ang photoshoot ay nag paalam na kami sa mga staff, nandito pala kami sa U.S para sa isang photoshoot ng magazine.
"Saan na tayo niyan?" Tanong ko.
"Ah may alam akong magandang puntahan, tutal pagabi na" sabi nito.
"Ay oo nga pala no? May bahay kayo dito." Sabi ko
"Wow, manghang mangha?" Pang aasar niya.
"Hala hindi! Kaka alala ko lang kasi na may bahay kayo dito" paliwanag ko.
Dinala niya ako sa isang rooftop ng building, at kitang kita ang city lights.
"Wowww! Ang ganda!"
"Kaya nga eh, pero mas maganda ka diyan" sabi nito sa akin.
"Weh? Di nga. Ikaw bulero ka rin no?" Balik ko sakanya.
"Hindi nga, mas maganda ka talaga diyan. Even your soul is beautiful" nakatitig niyang sabi sa akin, at saka hinawi ang naihiwalay kong buhok sa mga nakatali.
"Awww, thank you D." Sabi ko at niyakap.
"Alam mo, dito ako noon nag pupunta kapag bored ako." Sabi niya
"Eh hindi ba mas mabo-bored ka? Kasi ang tahimik tapos wala ka pang makausap? Nakaka antok" sagot ko.
"Bakit inaantok ka ba ngayon?" Tanong niya.
"Hindi, pero syempre pag mag isa ka paniguradong aantukin ka" sagot ko.
"Minsan inaantok, minsan hindi." Sagot nito
"Ang gusto ko dito ay yung tahimik, tapos kita mo na parang sobrang busy at ingay ng mga streets" kwento nito.
"D, what if mabuwag ang loveteam natin? Or payag kang ma pair up tayo sa iba?" Tanong ko.
"Hmm, hindi naman maiiwasan na mai-pair up tayo sa iba. Pero kuntento na ako sa anong meron ako, yung ikaw" sabi nitong nakangiti
"What if nga?" Tanong ko.
"Hindi ko alam ang sagot diyan ngayon, pero pag dumating yung araw...alam kong hindi kita ipag papalit sa iba" sagot niya
"Eh ikaw?" Pabalik niyang tanong sa akin
"Kuntento na rin ako sa anong meron tayo, masayang mag explore at makakilala ng ibang tao, pero ang iniisip ko...yung mga fans natin. Sa tutuusin, ayaw ko silang saktan." Pag papakatotoo ko.
"Siguro naman maiintindihan tayo ng fans kapag dumating yung araw" sagot niya
"Oo, siguro. Pero paniguradong masasaktan sila," sagot ko.
"Para kanino ba ang mga ginagawa mo Kween, para sakanila? O para sayo?" Tanong niya
"What do you mean?" Pag lilinaw ko.
"Kanino naka dedicate ang hardwork mo?" Tanong niya.
"Honestly, sa akin, sa parents ko at sa mga fans ko. Hindi pwedeng para sa sarili ko lang. Kaya masaya ako dahil yung mga ginagawa ko ay para sa akin at sa ibang tao." Sagot ko.
"Pano kapag pinag pili ka? Yung para sayo o para sakanila, ano pipiliin mo?"
"Walang para sa akin na hindi para sakanila D. Nandito ako ngayon dahil meron sila. Isa pa, hindi lang ang pagiging celebrity ko ang pangarap ko. Gusto ko rin makapag tapos ng pag aaral, marami pa akong goals na aabutin" sagot ko dito
"Pero pinapangako ko, na habang inaabot ko ang mga goals ko na para sa akin...kasama ko sila. Kasama ko sila sa pag abot ng mga pangarap ko"
Lumingon ako sakanya dahil hindi na siya umiimik, nakatitig lang ito sa akin.
"Why?" Tanong ko.
"Wala. I like you, Kween. I really like everything about you. I am so lucky to be paired up with you." Sabi nito at saka hinalikan ang ulo ko.
"Thank you" sagot ko at ngumiti.
"Balik na tayo, mukhang kanina pa sila nag aantay sa atin e hahaha" pag yayaya niya.
"Ikaw kasi, ang paalam mo diyan lang, e nakalayo nga tayo" sagot kong tumatawa habang pababa na kami.
Mag kahawak kamay kaming dumating sa kinaroroonan ng mga managers namin.
"Hala ka, galit yata manager mo" bulong ko kay Dexon, dahil parang ang sama ng tingin sa amin. Itong si Dexon kasi. Ang sabi babalik kami agad, pero ang layo pala ng pupuntahan namin.
"Bye Kween, goodnight." Pamamaalam niya.
"Bye D, goodnight, and thank you" pamamaalam ko.
"Ingat kayo sa byahe niyo bukas ha?" Sabi nito at saka niyakap ako ng mahigpit.
Hindi kasi sila sasabay sa amin pauwi dahil bibisita pa siya sa lolo at lola niya dito.
Tinignan ko ulit siya at kumaway bago mawala siya sa panigin ko.
Ang saya ng ganap ngayon pero parang ang bigat ng loob ko.
May kung ano akong nararamdaman na hindi ko ma-explain
BINABASA MO ANG
End Game (COMPLETED)
Short StoryKung saan kami nag simula, doon rin pala kami mag tatapos -Kweenly