Chapter 6

363 23 0
                                    

"Grabe kapagod! Pero ang saya!" Sabi ko kay Dexon pag tapos ng taping namin.

Kinuha naman niya ang mini fan at saka lumapit sakin, itinutok niya ito sa amin, at saka pumikit sa kinau-upuan niya.

"Halatang pagod tayo ha?" Biro ko sakanya.

"Hmmm" sabi niya at hinyaan ko na siyang mag pahinga.

Nagulat nalang ako dahil pag tapos ng ilang segundo ay napasandal na ang ulo niya sa balikat ko.

Napagod nga, ang bilis makatulog.

"Kweennnnnn, where are you??? Yoohoooo..." pag hahanap ni mommy Jessica sa akin.

"Shhhhh" sabi ko ng makapasok siya sa tent.

"Ay! Iba!" Tuwang tuwa niyang sabi.

"Tumawag ang daddy mo, uuwi daw muna sila sa province. May aasikasuhin lang daw sa negosyo niyo. Babalik lang din daw sila next week" mahinang sabi nito sa akin

"Eh bakit hindi ako ang tinawagan?" Tanong ko na pabulong

"Baka daw kasi maistorbo ka sa taping mo, wag ka daw mag alala. Maiiwan si aling Puring, para may mag asikaso sayo"

"Ah okay, sinabi mo sana na love ko sila" pabulong kong sabi.

"Ay naku, diko yan makakalimutan. Love ka din daw nila" sabi nito na natatawa

Sinabihan ko kasi si mommy Jessica na in case hindi ko sila makausap, at siya makasagot sa tawag ng parents ko. Wag niya kakalimutan na sabihing mahal ko sila, nung una...naiilang pang sabihin ni mommy Jessica sakanila yun, pero di nag tagal ay nasanay na rin.

Sabi pa nga niya mukhang masisira ngipin niya pag sakin siya nag stay dahil sa ka sweet-an ko. Mapag biro talaga si Mommy Jessica. Grabe.

"Guys, mag ready na daw ulit kayo para sa next scene" sabi ng isang staff.

"Okay po" sagot ko at saka ginising si Dexon.

"Gising, tayo na ulit"

"Hmmmm"

"Gising na diyan, aayusan ka pa" pag pupumilit ko.

"5 minutes..." sabi nito

"Wala ka sa bahay niyo no, at hindi mo ako alarm clock" pangungulit ko.

"Hhmmmm" sabi niya ulit

Hinayaan ko na muna at nag simulang mag bilang...para gisingin ulit siya after 5 minutes

"Kween, Dexon hali na kayo" sabi ng staff na pumunta kanina.

Hindi ko muna siya ginising dahil di pa tapos ang 5 minutes niya.

Sa pangatlong baling ng staff, mag sasalita na sana kaya inunahan ko na.

"Sige po papunta na po"

"Dexon, tara na, tapos na 5 minutes mo" gising ko sakany.

"Hmmm, okay" sabi nito at dahan dahang nag mulat ng mata.

"Sorry, nangawit ka ba sa bigat ng ulo ko?"

"Hindi, sakto lang naman bigat nuya hehe" pag aamin ko.

"Sorry di ka tuloy nakapag pahinga"

"Ano ka ba, okay lang. Isa pa nakapag pahinga ako no"

"Hm, thank you" sabi nitong nakangiti.

"Tara na" yaya nito sabay tayo at inilahad ang kamay.

Tinanggap ko naman ito, ngunit hindi na binitawan hanggang sa labas, at hanggang sa inaayusan kami ng make up artists.

Pag tapos ng taping namin ay kanya kanya na kaming paalam, dahil pagod ang lahat.

Bumeso ako kay Dexon at saka nag paalam na aalis na.

"Ingat Kween :)"

"Ikaw rin :)" sagot ko.

"Thank you" sabi niya.

"Welcome :)" sabi ko kahit hindi ko alam bakit nag te-thank you hehe.

Nag pahinga ako saglit pag kauwi ko at saka kumain sa inihanda ni aling Puring. Gaya ng dati, sarap na sarap ako sa luto niya!

"Kamusta ka naman hija?" Tanong ni manang Puring.

"Okay naman po, masaya po ako, dahil ang daming binigay ni Lord na blessings" sagot kong nakangiti.

"Deserve mo yan hija, nakikita kasi ng nasa taas kung gaano ka kabait na bata"

"Naku po manang, pinapakilig niyo na naman po ako hehe"

"Kamusta naman yung partner mo hija? Dexon yata name niya eh. Pinapanood ko nga kayo sa tv kapag tapos na mga gawain ko dito hehe"

"Opo, Dexon po ang name. Mabait po siya manang, gentleman po at God fearing po." Sagot ko.

"Ay maganda kung ganoon, bagay na bagay kayo. Ipinag tagpo siguro talaga kayo ano?"

"Hehe, siguro nga po"

"Dapat kayo tularan ng mga kabataan ngayon, kaya nga pinapanood ko kayo at maski ako ay kinikilig sa tambalan niyo, kasi nga kita sa screen ba kung anong klase kayong tao"

"Awww, thank you po manang!" Sabi ko at tumayo upang yakapin siya

"Hindi sa pag paplastik anak ha, pero maswerte ako dahil ikaw ang naalagaan ko. Sa pamilya niyo ako napadpad" sabi nito na mangiyak ngiyak, kaya hinahagod ko ang likod habang yakap yakap. Maski ako ay naiiyak na rin hehe.

"Kaya kahit anong mangyari magiging yolay ako sainyo,"

"Ay loyal pala...no anak?" Tanong niya sa akin.

"Hehe opo."

"Sige na, kumain ka na, mukhang gumagaling na rin akong umarte kakapanood sayo sa tv ba hehe"

Tumawa ako at itinuloy ko na ang kinakain ko. Nag papasalamat rin ako kay Lord dahil mababait ang mga taong nakapaligid sa akin.

"Sana wag kang sasaktan nung Dexon na yun, ay makikita niya! Susugurin namin siya" biro nito kaya tumawa ulit ako.

"Sa tingin ko hindi naman po, mabait siyang tao. Nakikita ko po sakanya yon"

"Sana nga hija, oh siya. Balikan ko muna yung iniwan kong trabaho doon. Kumain ka ng mabuti dahil nako! Ang sexy sexy mo na masyado, inuubos ng taping mo ang enerhiya mo" sabi nito na papalayo kaya napailing nalang ako at tatawa tawa.

End Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon