Chapter 4

499 22 0
                                    

DEKDEK: Hi Kween, goodmorning :). Nag open ka na ng Twitter mo?

To DEKDEK: Not yet, why?

DEKDEK: Mag open ka dali.

Agad ko naman binuksan ko ang twitter ko.

Hala!

Kweendex is trendin worldwide with 5 million tweets

To DEKDEK: OMG! Real to?

DEKDEK: oo haha, alangan naman ako lang nag tweet diyan?

To DEKDEK: Grabe! Ang dami!

DEKDEK: panigurado pag uusapan na naman mamaya yan pag nag kita tayo.

Hindi ko na nireplyan dahil binasa ko mga tweets ng fans. May mga videos and pictures rin

Ang pinaka nag trending na videos namin ay yung ino-offeran ako ni Dexon ng mga food noong nag lunch kami at yung nag bubulungan kami after ng press conference

Nakita ko rin na ni retweet ni Dexon yung binibigyan ako ng pag kain with caption na "ang payat kasi e hehe"

At inulanan ng mga comments

"Ang sweet naman ni Dexon"

"Sana all nalang"

"Yiiee"

"Baka tumaba niyan si Kween, mapapatunayan na nasa tamang tao na siya"

"May Kween na si Dexon :( huhuhu"

"Support support support!!!!"

Yan ang mga ilang nabasa ko sa mga comments. Natutuwa naman ako dahil aprubado ako ng fans niya at aprubado siya ng fans ko.

*Cringggggg ringggggg*

"Hello po? Monmy trending kami!!!!" Sagot ko sa tawag ng manager ko

"Oo nga Kween, pinag meeting rin kami agad dito sa company. Pati company niyayanig ng loveteam niyo hahaha"

"Naku si monmy talaga! Napatawag po kayo?"

"Ayun nga, nag emergency meeting kami dahil sa trending kayo! Di biro ang 5 million na tweets anak! Kaya ang daming projects na nag silputan"

"Po???" Hindi ko kasi magets.

"In short, nag uunahan ang mga writers at direktor sainyo...gusto nila na kayo ang gaganap sa ginawa nila at kayo ang makakasama nila sa projects nila"

"Hala totoo po mommy? Nakaka flattered naman po!" Tumatalon kong sabi sakanya

"Kaya ayon, nag kagulo gulo na dahil nag uunahan sila. Di naman pwede na tanggapin niyo lahat ng offer kasi obviously, iisa lang katawan ninyo"

"Ah basta papunta na ako diyan, susunduin ka namin at mag usap nalang sa personal okay?"

"Okay po mommy. Excited na po ako! Kinikilig po ako!"

"Haha oo na, oh siya, babye"

Napaka bait talaga ni Lord! Grabeng blessings sa amin to!

Naligo na ako, saka nag bihis. Skort at sleeveless crop top ang ginamit ko saka nag suot ng whites shoes. Muli ako tumingin sa salamin at saka ngumiti.

Kinuha ko ang shades ko at saka isinuot.

"Tamang tama, andiyan na sila. Kakarating lang" sabi ni mommy.

Sinamahan ako nina mommy at daddy sa labas upang ihatid.

"Alis na po ako my, dy" sabi ko at saka yumakap sakanila at hinalikan

"Sige anak, mag iingat ka ha. Jessica, ikaw na bahala sa anak ko" sabi ni mommy

"Opo tita, yakang yaka ko yan haha" sabi naman ni mommy Jessica.

Si mommy Jessica pala ay lalake pero may pusong babae. Mas mabait pa siya sa mabait hehe, nasa early 30's siya at sina mommy naman nasa 50's

Sumakay na ako at isinarado ni manong ang pintuan.

Hindi ko naman mapigilan kiligin ulit dahil sa mga pangyayari ngayong araw kaya niyakap ko si mommy Jessica at nag pasalamat.

"Hala tong batang to! Bakit ka nag papasalamat sa akin? Ikaw nga tong nag trending!"

"Eh kasi po mommy ang galing niyong manager" sabi ko saka yumakap ulit

"Naku! Para lang yun? Anong connect sa pag trending mo?" Tanong ulit niya

"Hay nako Jessica, di ka pa nasanay kay Ma'am Kween" sabi naman ni manong

"Hay nako manong! Di ka parin nasanay! Sabi ko po na Kween nalang po itawag niyo sa akin hehe"

Napakamot siya at napailing iling.

"Oh andito na pala tayo, dumating na rin pala sila" sabi ni mommy Jessica. Lumingon ako sa labas ng sasakyan kung saan naka daretyo ang tingin ni mommy Jessica

Sina Dexon at Manager niya

Excited akong bumaba, at napansin niya rin na meron na ako at sinalubong.

"OMG Dex!!!!" Sabi ko at patakbong yumakap sakanya

Masaya rin siyang yumakap sa akin. Para sa akin walang malisya yon dahil masaya lang kaming dalawa.

Nagulat nalang kami at may mga nag sulputang reporters sa harap namin

"Mr. Peterson at Ms. Davis ano masasabi niyo sa pag tretrending niyo ngayon?"

Nag katinginan muna kami at nag aantay kung sino unang mag sasalita.

Sumenyas ako na siya na muna

"Of course sobrang thankful kami sa mga fans namin! Kung wala sila, di namin mararanasan to ngayon. Kaya sobrang mahal namin kayo" sabi ni Dexon

"Yes, sobranggg salamat sainyo! Dahil taos puso niyong tinanggap ang loveteam namin! At syempre, bilang pasasalamat...ipapakita namin ang best namin para naman hindi masayang ang effort niyong suportahan kami" nakangiti kong pag papatuloy sa sinabi ni Dexon

"Sobrang overwhelming, kasi diba bago palang kami? Tapos boom, nakakagulat talaga! Kaya thank you sa mga nag tangkilik sa amin"
Sabi ni Dexon.

"And of course, wag niyong kakalimutan panoorin ang movie namin, bukas na ipapalabas" masaya kong sabi at nag pa alam na kami dahil sinesenyasan na kami ng nga manager namin.

End Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon