Chapter 4
Never akong naging vocal sa pagkakaroon ng crush kay Chayce. Kaya for sure, walang ibang nakaka-alam na may gusto ako sa kanya. Hindi naman din ako masyadong nagpapansin lalo na nasa high school na kami. Pero noong elementary may binigay ako sa kanya- hindi sa personal.
Binigyan ko siya ng isang tula, yes tula. Ewan din kung bakit ko siya binigyan noon. Kasi yun lang ang alam kong gawin noon. At para na din maiba kasi ang mga binibigay ng nagkakagusto sa kanya ay mga chocolates, bulaklak at mga love letter.
Poem can be a love letter too. Feeling ko kasi noon walang nakakagawa ng ganoon kasi mahirap gumawa ng tula. Hindi ko na alam kung nakita niya ba 'yon o nahawakan man lang. That's the last time I did something for him.
Monday ngayon at wala akong gana pumasok. Malapit pa nga ako ma late e kasi hindi ako nagpa- alarm, buti nalang sinundo ako ng best friend ko. Para akong zombie na naglalakad papunta sa classroom namin. Nagulat pa ako ng biglang umingay, doon lang ako nabuhayan. Napapaligiran silang dalawa ng mga classmates namin. Hindi na ako nag abalang maki chismis at walang ganang umupo.
"Para ka namang napatayan sa itsura mo girl," Natatawang sabi ni Ciarra. Sinamaan ko nalang siya ng tingin at hindi pinansin. "Ang oa mo! Marami pa namang iba diyan at bata pa naman din tayo." Bigla akong nabuhayan sa sinabi niya.
"Exactly! Bata pa tayo, pero bakit sila na? Hindi sila makapag hintay?" May bahid ng galit na pagkasabi ko sa kanya. Nagulat naman si Ciarra nang bigla akong magsalita.
Hindi ko nalang pinansin ang mga tao sa paligid ko na sila ang topic. Malaking sana all daw. Bagay naman talaga sila. I'm not gonna lie. They look perfectly matched- made in heaven. Ano ka ba Aster, maka emote ka para namang naging kayo. Simpleng confession nga hindi mo magawa.
Nagtagal din ng mga ilang araw na sila ang usap-usapan sa buong school, kahit mga teachers ay usap-usapan sila. Kahit pagod na akong makarinig tungkol sa kanila binabalewala ko nalang kasi wala naman din akong magagawa.
Feel ko na talaga ang school ngayon kasi nagbibigay na ang mga teachers ng mga samu't-saring mga assignments at projects. May meetings pa sa student council at school paper para sa monthly na mga gawain. Ito din siguro ang rason kung bakit nawala na din sa isipan ko ang tungkol kina Chayce at Aspen. Noong una medyo ilang ako sa kanila lalo na sa mga meetings but I acted like I don't care. Dapat walang feelings involved.
"As early as now, we must start brainstorming ideas for our upcoming foundation day." sabi ng President namin na si Kale. Ang VP ay si Chayce pero dahil nga mailap siya sa mga tao ay mostly si Kale ang nagsasalita. Nag no-notes lang si Chayce sa mga sinasabi ng President.
Malapit na din pala ang foundation day. One week walang klase dahil sa mga events na gagawin. In two months foundation day na ng Sanciangko High at sobrang magiging busy ako nito. Yayayain ko si Ciarra na tumulong kasi wala naman din yun gagawin kasi Sports ang club niya. Palagi ko naman din siya niyaya kasi napapansin ko na kapag andyan siya mas dumadami ang tumutulong sa amin.
Maganda naman din kasi ang babaeng 'yon. Speaking of maganda, ilang weeks niya na rin akong binubweset sa mga lalaking nirereto niya. Para daw makalimutan ko na si Chayce at makakilala naman ako ng ibang lalaki. Hindi ko alam kung saan niya nakukuha ang mga lalaking pinapakilala niya at halos araw-araw ay may baon.
"Sige na Aster siputin mo lang ng isang beses. 'Di natin alam baka magustuhan mo rin siya. Oh diba may crush ka na." Ilang beses ko na rin narinig 'yan. Nakakamatay ba kapag iisa lang ang crush? Dapat ba marami na halos isang listahan na?
"You know my answer there, Ciarra. No. Never. Baka kung saan mo pa 'yan nakuha."
"Alam mo, ang judgemental mo. Alam ko kung saan ko to kinuha noh. And they have the same background as us. So these boys are all safe and good I think?"
Hindi pa sure sa mga lalaking ipapakita niya sa 'kin. Hindi ako comfortable makipag meet-up lalo na hindi ko kilala at isa pa, busy ako. Siya itong sabi ng sabi na bata pa kami pero parang binubugaw niya naman ako. Hays.
At kapag minamalas ka nga naman. Group mates ko silang dalawa. Group mates ko sila sa Contemporary Arts na subject namin at ngayon ay nag-uusap kami sa gagawin naming music video. HUMSS ba talaga kinuha ko?
Bakit panay video activities pinapagawa ng mga teachers namin at hindi puro essay? Nakikinig lang ako sa kanila habang nag-uusap sila, wala naman din akong mai-ambag sa brainstorming nila.
"Is it okay with you Aster? We will make a music video of the song "Upuan by Gloc 9 ft. Jeziel Grutas." nakangiting sabi sakin ni Aspen. Bigla naman akong nagulat kasi nakatingin na silang lahat sa akin, naghihintay sa isasagot ko.
Tumango na lamang ako kasi parang umurong ang dila ko. Nakita kong tumingin si Chayce sa akin bored na bored at nang makitang tumango lang pagkatapos ng ilang oras ng paghihintay ay inisnoban ako. O baka guni guni ko lang 'yon.
Pag-uwi ko ng bahay ay doon ko lang na-realize ang mga roles namin sa video, so bale si Aspen at yung isang member na lalaki namin ang kakanta tapos si Chayce yung editor namin while the rest ay aarte nalang. Madali lang naman pala e, madali lang talaga kasi hindi naman ako yung editor.
Mas mahirap kaya ito sa part ng editor. Hindi ko alam kung marunong ba si Chayce sa larangan ng pag-eedit dahil hindi naman niya pinapakita mga gawa niya and besides siya na rin ang nag volunteer so I think we just need to have faith in him.
This coming weekend daw kami magsisimula sa paggawa. Buti nalang at halos one month rin ang binigay ng teacher namin para sa project na ito. Sa bahay daw nila Chayce kami gagawa. Actually si Aspen ang tumayong leader kasi siya lang naman ang nagsasalita noong brainstorming namin.
Wala rin akong problema kasi magaling naman din na leader si Aspen. Mga nagiging groupmates niya daw ay sobrang swerte kasi hindi daw siya pala utos at sobrang gaan katrabaho. Well, aura niya palang alam mo na magaan talaga siyang ka trabaho.
I just prepared some clothes for our costumes and prepared some make-ups also para naman maging presentable akong tingnan during the shoot and para na rin kay Chayce.
Feel mo talagang may pake si Chayce sa mukha mo Aster? Kahit maging kamukha mo pa si Gigi Hadid hindi ka titingnan non katulad ng pagtingin niya sa girlfriend niya.
It's another night na hindi umuwi ang mga magulang ko. I'm used to it naman and I would just send some messages to them and food kasi sobrang workaholic ng mga parents ko the point na nakakalimutan na nilang kumain.
"Thanks for the food, sweetie." biglang pagtawag sa'kin ni mama sa phone para magpasalamat.
While studying and doing my homework, a notification popped that made my heart beat faster. Name ni Chayce ang nakalagay dun. Did he message me? Shit. What should I reply if he really messages me? It took me 5 minutes before opening my messenger and I just realized sobrang assumera ko pala.
Chayce Peterson added you to the group.
It's just a GC lang pala...
YOU ARE READING
I'm not Her
RomansaShe always treats him as out of her league. Who would have thought that the man of her dreams will be hers? Aster found herself happily together with her one and only. Almost everything is perfect, not until she realized something. Di pa rin pala si...