Chapter 9
Ngayon na ang simula ng isang linggong preparation para sa next week na foundation day. Mabuti na lang at nabudol ko si Cia na tulungan ako kapalit nang dalawang VIP ticket sa gusto niyang banda na mag co-concert sa Pilipinas next month.
Ang na assign sa akin ay ang performing arts club kaya sa stage ako mamalagi sa mga susunod na mga araw. Okay lang na hindi maaga pumunta sa school lalo na mga yung walang gagawin. Kailangan pa rin kasi talaga pumunta para sa attendance pero sa foundation day wala nang attendance.
Pero ako na may gagawin kailangan kong maging maaga. Sabay kami ni Cia pupunta sa school kasi wala daw maghahatid sa kanya. Wala lang naman iyon sa akin kasi palagi naman siyang sumasabay sa akin o kaya ako ang sumasabay sa kanya.
Marami-rami na ang mga estudyante pagpasok namin. Nakakapanibago dahil hindi naman ito ganito noong mga nagdaang school year. Pumunta na muna kami sa SC office para kunin ang mga gamit para decorations sa stage. Akala ko ay lock pero noong pinihit ko ang pintuan ay nagulat ako na may tao pala.
"Papasok ka ba Aster o stuck ka nalang diyan forever?" si Cia
Ewan ko pero agad kong sinira ulit ang pintuan. Kasi naman sino namang nagsabi na doon sila tumambay at ganoon pa talaga ang posisyon nila? Nakasandal sa dibdib ni Chayce si Aspen na ngingiting tinitingnan ang Ipad na hawak ni Chayce.
Nagulat naman si Ciarra sa inasta ko at siya na ang pumasok sa office. Bigla naman akong nakarinig ng tawa kaya agad akong napatingin sa loob. Tumatawa si Ciarra habang kinukuha ang mga gamit at sinabihan ang dalawang tao doon na wag akong pansinin.
Pumasok ako kaunti at ngumiti kay Aspen na nakangiti din sa akin. "Sorry 'bout that Aster. Si Chayce kasi.." Kinikilig na sabi niya. Tumango tango nalang ako at nahihiyang ngumiti. Umalis na kami kaagad ni Ciarra at binigyan niya naman ako ng mapang asar na tingin.
Bakit ba ako nahihiya o nagugulat, normal naman siguro 'yon sa kanila dahil mag jowa naman sila. Iniwaksi ko nalang ang nangyari kanina at pumunta na sa stage. Tatlo kaming na assign dito para mag decor pero baka mamaya pa sila kasi may iba ring naka assign sa kanila. Hindi kagaya ko na ito lang talaga ang naka assign.
Napadali ang pag dedecorate sa kabilang side ng stage dahil tumulong rin si Luke. Habang tumutulong si Luke ay tinutulungan rin siya ng mga lower grades, mga assitance kuno niya. Tinitingnan ko naman si Cia kung may reaction ba siya pero patay malisya lang ang babae.
Malapit na mag lunch ng napag deesisyunan naming magpahinga. Dumating na rin iyong mga kasama ko na sa stage din naka assign. Mamayang hapon ay mag re-rehearsal o magkakaroon ng blocking ang dance club sa stage kaya baka makapag libot-libot kami mamaya. Tiningnan ko itong katabi ko at ganoon pa rin ang mukha nakasalubong pa rin ang dalawang kilay.
"Pagod yarn?" tukso ko kay Ciarra.
"Super, sobrang haggard ko na! Paano kung makita ako ng crush ko, edi na turn off na'yon?"
"May crush ka na?! Sino?!" agad na usisa ko naman sa kanya.
"Ikaw Aster, imbento ka. Sabi ko, baka makita ako ng mga nagkaka-crush sa akin." in denial na sabi niya.
Hinayaan ko nalang siya at umaktong naniniwala sa kanya because partly totoo naman sinasabi niya. Meron naman talagang nagkaka-crush sa kanya. Anyways, I'm convinced na, may crush nga siya. Kung sino man iyon, sure akong pasok siya sa standards ni Cia.
Pero bakit tinatago niya? Hmm...
Nasaan na ba si Luke? Bigla nalang nawala kanina eh. Agad ko rin namang nakita na paparating na may dalang mga tubig sa kamay niya. Tatlo iyon, so baka sa aming tatlo? Umalis na rin kasi ang mga fan girls niya at nagpaaalam na kakain na muna.
YOU ARE READING
I'm not Her
RomantizmShe always treats him as out of her league. Who would have thought that the man of her dreams will be hers? Aster found herself happily together with her one and only. Almost everything is perfect, not until she realized something. Di pa rin pala si...