DISCLAIMER:This is a work of fiction. Names, characters, business, events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
***
'Ang aga natin ngayon madam ah' kantyaw ng mga ka trabaho ko.
Maaga akong nagligpit ng gamit at hindi iyon inaasahan ng mga ka trabaho ko dahil kung normal lang na araw ngayon ay malamang sa malamang overtime ako. Pero iba ang araw na ito, ito ang araw na espesyal sa aming dalawa ng boyfriend ko. Anniversary namin ngayon.
Bago umuwi ay dumaan muna ako ng bakeshop para bilhin ang favorite cake namin at mga balloons na rin. Sasabihin niyo na ang simple ko naman mag celebrate e anniversary namin, dapat bongga. Pero weekdays kasi ngayon at may mga trabaho pa kami kinabukasan, may hinanda naman akong surprise sa kanya this weekend.
And meron pa akong isang surpirise sa kanya na di ko na kaya ilihim pa which is nalaman ko lang din last week. In short double celebration talaga ito para sa'min. I can't wait to see his reaction.
Matagal na kami ni Chayce, years have passed at masaya ako dahil ang healthy ng relationship naming dalawa. Hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan namin sa mga nag daang taon but we remain strong throughout our relationship.
Noon, parang pinapangarap ko lang siya hindi aakalaing magiging partner ko siya one day. Napaibig ko rin. Our relationship may be healthy but it's not perfect. But despite the misunderstadnings in our relationship, I'm beyond happy for our relationship.
Dahan-dahan kong binubuksan ang pintuan at nakapatay ang mga ilaw, wala pa yata siya, mabuti. Binuksan ko na ang mga ilaw at nilagay muna sa ref ang cake at ise set up ko na sana ang dining table ng may narinig akong ingay galing sa kwarto namin.
Kaba ang nangibabaw sa akin, dahil baka may mga magnanakaw. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kwarto namin.
Nagdadasal ako na sana hindi magnanakaw ang nasa loob, sumilip ako sa loob dahil nakabukas ng kaunti ang pinto. Doon ko nakita nakaupo sa carpet si Chayce habang umiinom ng alak. Bakit siya umiinom? May problema ba? Nakalimutan niya ba ang anniversary namin? Bakit?
Hindi agad ako kumibo at pinanood lang siyang mag laklak ng alak. Hanggang sa biglang may nagsalita, isang pamilyar na boses-boses na kilalang kilala naming dalawa.
'I miss you my baby'
"Miss na rin kita" rinig kong sagot ni Chayce habang umiiyak
'Babe ibaba ko na, matulog na tayo'
'Napaka clingy naman ng babe ko;
'I love you always babe mwah'
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Masakit sobrang sakit. Akala ko nakalimutan niya na.. Pumasok na ako, gulat na gulat siyang tumayo at natutumba pa dahil sa sobrang lasing habang naka play ang mga recordings ng tawag nilang dalawa.
I don't know what to say, kahit ang dami kong gustong sabihin pero para lang akong estatwang nakatayo sa harapan niya.
After years of being together, he still loves her. Of course, she was his first love. How can you ever forget your first love right? It's still her. It will always be her.
Sorry.
Iyan lang ang nasabi niya.
Iyan ang huling sinabi niya bago mawala sa paningin ko.
Ang masaya sana naming celebration sa anniversary namin ay nauwi sa wala.
And the other surprise that I was about to tell him was that...
I'm two weeks pregnant with his child.
YOU ARE READING
I'm not Her
Roman d'amourShe always treats him as out of her league. Who would have thought that the man of her dreams will be hers? Aster found herself happily together with her one and only. Almost everything is perfect, not until she realized something. Di pa rin pala si...