Chapter 11

4 0 0
                                    


Chapter 11 


"Akala ko ba ayaw mo kay Chayce, bakit ang dami mong alam ha!" sabi ko kay Cia. Hindi niya daw gusto para sa akin pero ang dami namang nalalaman.



"Eh kasi, medyo naging crush ko yan. Shet! Hindi ko ba nakwento sayo?"sabi niya naman.



Habang papunta sa kinaroroonan ng kuya daw ni Chayce, kinuwento niya kung paano niya nalaman na kuya ni Chayce yon.



"So, remember I attended a summer camp last year? Doon ko siya nakilala, actually last day na ng camp ng malaman ko ang name niya and I was shock also na kapatid niya pala si Chayce,"



"Bakit mo namang inakalang kapatid niya si Chayce? Dahil same sila ng family name?



"I'm not dumb miss maam, I did some background check and na confirm ko po na magkapatid sila,"



"So, what is his name then?"



"Vaughn Lucas Peterson."



Oh. So he has an older brother? I thought he was an only child. Hindi rin naman kami close ni Chayce para mag tanungan kami ng tungkol sa pamilya.



Nang malapit na kami sa kinaroroonan ng kuya niya ay doon ko lang na confirm ang sinabi ni Cia. No wonder he's Chayce's brother, they have similar features. Nakita ko once ang mga magulang ni Chayce and they really have both good genes. Maganda nga ang lahi.



"Akala ko rin na crush mo si Chayce bakit di mo alam family members niya ha? Tss, Aster you need to practice more." bulong naman ni Cia.



"Eh kasi po maam sapat na po sa akin na kilala ko ang mga magulang niya. Malay ko ba na may kapatid pala siya."



"Nakapunta ka pa sa bahay nila, hindi mo ba nakita doon?"



"Hindi."



Umiling-iling na lang si Cia. You can see on her face the disappointment she has for me.



Maraming mga babae ang nakapalibot sa kanya sa isang booth. Parang laro ang booth na 'yon. Hindi naman kami masyado malapit sa kanila, sakto lang para makita siya at ang mga taong nakapaligid sa kanya.



Lumipas ang ilang oras mas dumami pa ang mga tao na lumapit kay Vaughn. He look helpless, kulang na lang mahimatay siya sa dami ng tao. Lumilingon-lingon siya, siguro naghahanap ng tulong? Lumingon-lingon din ako kasi baka makita ko si Chayce, nang mapadpad ang mga mata ko kay Vaughn. Nakatingin na pala sa akin. Bago siya nag-iwas ng tingin ay ngumiti munta ito sa akin.

I'm not HerWhere stories live. Discover now