Chapter 5

7 0 0
                                    

Chapter 5

It's already weekend and it also means na ngayon rin ako pupunta kina Chayce. Hindi lang naman bahay nila ang venue ng music video namin but for our first day, sa kanila na daw muna. Okay lang naman so that it will give us time to get to know one another, atleast close area which is yung bahay, mas magkakaroon ng interaction ang isa't-isa.


This is not my first time to be in a group project with Chayce but this is my first time going to their house. 9AM ang napag-usapan na time para pumunta doon and its currently 7:30AM now.


Na chika ko na rin kay Cia ang nangyari sa'kin the other day, ang pag-add sa akin sa GC at ang pag-assume ko na private message iyon galing kay Chayce. And as expected tinawanan ako ng bruha at sinabing "malala" na daw ako.


Nakaligo na ako at kumain, 'di halatang excited noh? Pero sa totoo lang kinakabahan talaga ako. Hindi na ako mapalagay dito sa kwarto ko. Hindi ko alam anong susuotin ko. Should I call Cia? Pero baka tuksuin lang ako nun.


In the end, I just decided to wear my pullover sweater paired with mint green jogger pants. I paired my outfit with a white Adidas sneaker. My bag is just a gym bag para nandoon na lahat. I just tied my hair in a messy bun and I'm all set. I already prepared what I need last night pa.


Bumaba na ako at tinawag na ang driver namin para magpahatid. Nakapag paalam na rin ako kina mama at papa na pupunta sa bahay ng classmate ko. Wala man akong curfew kailangan ko pa rin umuwi ng maaga para hindi sila mag-aalala. Malapit lang din naman ang bahay nila Chayce dito, nasa kabilang village lang.


Saktong-sakto sa call time namin nakarating na ako sa bahay nila. All houses in this village are all enormous but Chayce house is the most enormous one. Lumabas na ako ng sasakyan at buti nalang may kakarating lang din kaya sumabay na ako sa kanya papasok.


Pagpasok namin ay manghang-mangha 'tong kasama ko habang ako naman ay normal lang sa akin dahil marami na din akong napuntahan na katulad sa kanila. Napa wow lang talaga ako sa labas kasi maliban sa malaki, the design outside is very unique and really well designed.


I wonder who's the architect of their house?


Nakita namin ang ibang kasamahan namin at wala sila Chayce at Aspen doon. Saan na 'yung dalawa? Habang nag-iisip kung nasaan sila, bigla nalang nag bulungan ang mga groupmates ko. I traced where they were looking and found Chayce and Aspen going down together in the staircase.


Saan kaya sila galing? Sa kwarto ni Chayce? No. What am I thinking? Really Aster? Dito talaga sa bahay ni Chayce iyan 'yang pumapasok sa isip mo. Aspen is the kind of girl that is pure and kind, may it be outside or inside.


"Hello everyone! Welcome to our first day of making our project. May we communicate well. Let's do our best!!"


Agd naman kaming tumayo at nginitian siya at sinabing siguradong magtutulungan kami. After all of us settle down, nagsalita na ulit sa Aspen.


"By the way guys, is it okay sa inyo na, we will not do the singing live, like parang e-rerecord na muna namin siya sa studio then just edit it on the video?"


Wow, pupunta pa talaga sila ng recording studio? I mean there's no problem kasi hindi naman strict ang instructions ni miss, as long as makapag pasa kami. Para namang natameme ang mga kasama ko kaya ako nalang ang sumagot.


"Yeah, it's okay Aspen."


"Okay, its all good. Magsimula na tayo para maging productive naman ang first day natin."


Biglang salita ni Chayce kaya nagulat kami. Ewan ko ba sa kanya parang counted na dapat ang mga sasabihin niya. Sa school din, nagsasalita lang siya kapag may recitation,tinatanong siya o kausap ang mga kaibigan nilang dalawa. After a few minutes nagsimula na kami.


And what amazes me, parang iba ang aura ni Chayce ngayon. Every minute may ngiting lumalabas sa labi niya at dahil doon lumalabas rin ang dimples niya. Ang gwapo niya talaga, kung sana ay palagi siyang nakangiti.


He's like a ray of sunshine. Habang pinagmamasdan siya ay nahuli niya ako, akala ko magagalit siya at mag-iiba ang aura niya but to my surprise he just smiled at me. He's smile grew wider actually.


Bago mag tanghalian, nakatapos rin kami ng mga apat na scenes. Chayce is the camera man and also acted as the director. Si Aspen naman, siya ang nag-gguide sa amin kung ano ang dapat namin gawin kaya medyo napadali rin kami. After shooting that last shot at tinawag na kami ng parang mayordoma nila Chayce para kumain.


Medyo awkward pa kami noong una and before we started eating, Aspen lead the prayer before meal. After that we started eating, Buttered chicken, pancit, menudo and fried rice ang nakahanda.


Tahimik lang kaming kumakain nang biglang nagsalita na naman si Aspen. Buti pa siya nagsasalita, 'yong katabi niya parang bumalik na naman sa dati at hindi umiimik. Silent treatment yarn.


"Okay ba ang food guys? Kung kulang pa, magsabi lang kayo."


Grabe mas feel ko pa na siya ang may-ari kaysa totoong may-ari. Tumango lang ang mga kasama ko at uminom na lang din ako ng juice. Busog na 'ko. Pero may pagkain pa sa plato ko.


Dinamihan ko kasi kanina takam na takam ako pero no choice ako dapat ubusin ko ang pagkain ko. Sabi pa naman ni papa na kapag nasa ibang bahay kakain dapat hindi magbilin ng pagkain sa plato. Habang pinipilit tapusin ang pagkain ay tinawag naman ako ni Aspen.


"Uh Aster, correct me if I'm wrong," panimulang sabi niya at parang nag-iisip pa. "Your parents are both lawyers right?" Tumango ako at para siyang bata na manghang-mangha sa sinagot ko. "Right, Aspen parents are one of the prestigious and veteran lawyers in the industry." One of my classmates and groupmates said, Miko.


Aspen is very happy knowing that my parents are both lawyers. "Me and Chayce also planned to take up Law on college," she honestly said. Chayce just smiled and continue eating. Well, bagay naman sa kanila kung kukunin nila ang Law. they are both smart.


"How about you Aster, are you also planning to take up Law?" I thought it was Aspen who asked me but no, it was Chayce.


"Well, I'm not still sure of what I will be taking but I'm considering Law as of the moment." sagot ko naman. Tumango naman siya na parang expected niya na ang sagot ko. After lunch ay nagpahinga na muna kami bago magsimula ulit.


Iyon ang sinabi ko kanina dahil hindi talaga ako sigurado kung anong kukunin ko. I am considering law but I want another field to explore. Mabuti na lang talaga supportive ang mga parent ko at hindi nila ako pinipilit ng maging lawyer din. Kung ano daw ang gusto ko, susuportahan nila ako.


Mga bandang 5 na rin ako naka uwi at wala ang mga parents ko dahil may mga meetings silang dalawa baka panibagong kaso naman. The scenes that we shot earlier was unexpectedly good. Sobrang ganda ng pagkakuha ni Chayce, na parang kuha ng professional videographer. It's so cinematic. Partida wala pang edit 'yon.


Hindi na ako kumain ng dinner dahil busog pa rin ako sa luch na kinain ko at dumeretso na lang sa kwarto. Agad akong nahiga sa malambot kong kama, sobra ang pagod ko ngayong araw. May gagawin pa akong assignment pero matutulog na muna ako at nagpa alarm na lang.


Nagising ako ng bandang alas diyez imbes na alas otso ang alarm ko. Grabe talaga ang pagod ko. Naghilamos na muna ako bago pumunta sa study desk ko. Agad ko naman binuksan ang laptop para magsimulang isulat ang mga essays sa iba't-ibang subjects.


Bukas ko na sasagutan ang Math na assignment namin kasi kailangan ko pa ulit 'yon pag-aralan. Habang naghahanap ng mga resources para sa essay ay bigla naman nag notif ang phone ko.



It was an ig story of my classmate and ang laman ng story nila ay video and pictures na gumagawa rin ng music video project namin. What caught my eye is a picture of Ciarra and Luke sitting together and naka smile pa ha. Is this part of a scene in their music video?


Parang kailang lang, galit na galit siya dito sa lalaki na kulang nalang ipasumpa niya pero ngayon kung makangiti wagas...Meron na namang napana si Mr. Kupido, walang iba kundi ang kaibigan ko.

I'm not HerWhere stories live. Discover now