Chapter 10

8 0 0
                                    


Chapter 10



"Childhood friends?! Really?" agad na reaction ni Cia noong kinuwento ko na sa kanya ang nangyari kagabi. Just like her reaction, nagulat rin ako. I mean, ang tagal na naming schoolmates tapos magkakilala pala kami.



"Bakit hindi ka niya pinapansin kung ganoon? Hindi ka niya na nakilala?"



"Yup, sobrang chubby ko raw noong bata, sinong mag-aakala ganito na ako ka-ganda ngayon." pang-aasar ko naman.



Sinabihan ko rin siya tungkol sa sinabi sa akin ni Kale na"snob" raw ako at nag-agree naman siya. Ang resting face ko talaga ay pang snob daw kaya agree siya sa sinabi ni Kale. Snob rin ba ang tingin sa akin ni Chayce?



Omg! Baka hindi ako napapansin ni Chayce dahil sa aura ko. Should I be like a friendly vibe kind of girl? A social butterfly? I know a lot of people but I'm not really that loud unlike Cia na parang tatakbo sa pagka-mayor sa daming binabati habang naglalakad kami.



Patuloy pa rin naman kami sa mga gawain namin. Actually, konti na lang talaga at matatapos na kami sa pagde-decorate ng stage. After designing the stage, pwede na kami mag ikot-ikot sa school para tingnan din ang mga ginagawa ng iba. Iba na rin kasi ang naka assign sa sound systems kaya okay lang.



The school looks expensive, tuition pa lang expensive talaga. But what I mean is the set up for the upcoming foundation day. The students this year really put all their efforts to make the school's foundation day the best and the most memorable one. Not that the past foundation day was ugly and bad but you know it really gives you a different vibe from the past events.



Natapos rin ang stage. Akala ko aabutin ako ng tatlong araw sa stage pero heto ako ngayon naglalakad na sa school grounds. Ang school dito sa amin ang pinakamalaki. I'm not exaggerating, literal na malaki talaga. Ito kasi ang unang school na naitayo dito sa amin . Nadaanan namin ngayon ang iba't-ibang booths.



Syempre hindi mawawala ang mga common na mga booths tuwing foundation o kahit anong school event. Na kahit common ay hindi pa rin nagsasawa ang mga tao. Ang hindi pwedeng mawala na booths ay marriage booth at jail booth. Marami na namang maikakasal at makukulong.



"Uy Aster at Cia punta kayo dito sa booth namin ha. Pakasalan niyo na ang crush niyo." sabi ng in-charge sa marriage booth na si Anton. Batchmate namin at isa sa mga varsity ng basketball team namin.



"Ano ka ba, si Cia lang ayain mo. Hindi mo ba alam na walang crush 'yang si Aster." rinig kong sabi ng kaibigan niyang si Timothy.



"Ang bobo mo din e noh. Makakapunta pa rin si Aster dito, sira! Kahit na wala siyang crush marami naman ang nagkakagusto sa kanya at gustong magpakasal." si Anton.

I'm not HerWhere stories live. Discover now