Chapter 6

6 0 0
                                    

Chapter 6

Dumaan ang ilang mga araw at mas naging busy pa kami. Malapit na rin namin matapos ang music video namin. Nagkaroon kami ng two hours na vacant noong nakaraan kaya ginamit namin iyon para makapag shoot.

Ang ibang grupo namomroblema pa nga dahil walang ambag ang ibang ka grupo nila. Buti nalang talaga napadpad ako sa mga masisipag. Tinanong ko na din si Ciarra kung anong ganap nila ni Luke at sinabi niyang wala silang ganap dalawa.


"Anong ganap ninyo ni Luke? Ang sweet sweet niyo sa ig story ni Kaela noong nakaraan ah" pagtutkso ko sa kanya. Para naman siyang nakarinig ng nakakadiri sa reaksyon niya. "Wala' yon trabaho lang 'yon tol." sagot niya naman. As if, ang genuine kaya ng smile niya doon, hindi pilit.


Matagal-tagal na rin siyang walang crush. Lahat ng crush niya puro mga Grade 12 e grumaduate na last year. Wala rin daw siyang matipuhan sa mga bagong batch at sa batch namin kaya li-low na muna. Mabuti sana kung may crush siya ngayon para may pagka-abalahan siya at hindi niya na 'ko kinukulit sa mga nirereto niya.


Halos araw-araw kaming may meeting sa Spiral Spectrum, ang official school publication ng Sanciangko High para sa brainstorming namin dahil dapat na kaming mag plano para sa 1st issue namin sa school magazine.


Ganoon din ang ganap sa student council. Next year hindi na talaga ako tatakbo, nakakapagod. Palaging alas sais na ang uwi ko minsan nandiyan ang mga magulang ko minsan wala rin nasanay na 'ko. Para naman din sa akin ang ginagawa nila kaya naiintindihan ko.


Paulit-ulit lang ang cycle ko. Pupunta ng school para makinig ng lectures at mag pasa ng assignment tapos after class mga meetings na naman ang pupuntahan tapos ay uuwi na. Nagyaya si Ciarra na gumala after class pero hindi ko talaga kaya ang pagod kaya humihingi na lang ako ng pasensya minsan. Naiintindihan niya rin naman daw basta bumawi ako next time.


Ngayon ang huling sabado para sa paggawa ng project namin. Hindi ko inaasahan na matatapos namin to ng mabilis. Ngayon namin makikita ang final output ng ginawa naming music video.

Halong excitement at kaba ang nararamdaman naming lahat. At nang bumaba na nga si Chayce galing sa kwarto niya para kuhanin ang usb at ilagay sa tv para mapanood na namin.

Pinagdasal ko nalang talaga na sana maganda ang kalabasan para naman hindi sayang yung pinaghirapan namin.


After watching the music video, isa lang ang naging reaction ko. Pwede nang magsimula ng Youtube channel si Chayce sa sobrang ganda ng pag edit niya, lakas maka professional mga beh.


All of us thank one another for the hardwork and for being cooperative the whole time. Sobrang ganda rin ng boses ni Aspen tapos ang galing pa mag rap ni Miko.


Napapansin ko na rin ang pagbabago ng pakikitungo ni Chayce. Sa nakaraang mga sabado mas nagkakaroon ng progress ang pakikitungo niya. Kumbaga every saturday na pumupunta kami dito sa kanila nagiging mas maaliwalas ang mukha niya.


Nakikisabay na rin siya sa amin kumbaga, malayong-malayo sa nakasanayan ko. Nagulat nga ako pagpasok ko kanina dahil siya ang nagbukas ng pinto at naka ngiti pa ha. Ano kayang nakain nito? Expired? Joke.

His deep-set and cold blue eyes are now more evident that he is smiling. Noon hindi ko ma distinguish kung anong kulay ng mga mata niya dahil palagi siyang nakakunot ang noo at para bang galit sa paligid. He was so distant to everyone except for his girl.


But now seeing him in front of me smiling, mas nadedepina ang kanyang kulay asul na mga mata. Nakakapang-akit ang kanyang mga mata. No wonder why girls are falling for him. Kasali na ako doon. Ano bang meron sayo? Chayce Dominic Peterson.

Maaga kaming natapos kaya naisipan kong tawagan si Ciarra at ayain mag mall. Go na go naman siya kaya nauna na lang ako sa mall at hinintay malapit sa isang fast food restaurant. Maya-maya ay dumating na rin siya pero hindi siya nag-iisa kasama niya si Luke. Grabe magmumukha naman siguro akong thirdwheel dahil sa dalawang 'to.

"Hi Aster!" bati ni Ciarra at bumeso. Habang ang kasama niya ay ngumiti lang at tumango. Agad kong kinuha si Ciarra sa gilid niya at binulungan.


"Kayo na ba? Bakit kayo magkasama?" Agad na tanong ko sa kanya.


"Grabe naman to! Nakisabay lang yung tao beh." sagot niya naman. SObrang in-denial.

"And besides may crush daw siya sa school and I'm sure 'di ako 'yon." Kawawa naman kaibigan ko. Hindi crush ng crush niya. Kasi same.

Habang nagbubulungan ay nagpaalam na rin si Luke at sinabing nakisabay lang talaga siya. Bigla naman kaming nahiya kasi feel ko sobrang tagal naming nagbulungan sa gilid.

At dahil sabi ng kaibigan ko na pagod siya at gusto niya maging masaya at kalimutan ang tambak niyang schoolworks ay nilibre ko siya sa kahit anong gusto niya. Nag arcade kami, nag archery, pumunta ng watsons at kumain.

Buti nalang at agad din nagbago ang mood ng best friend ko. I can't afford to see her sad. It's my time to make her happy naman. Pinagaan niya din kasi ang loob ko noong nalaman ko na official na sila Chayce at Aspen.

Ngayon na ang araw na ipapasa na ang mga output namin sa arts. Halos lahat ng mga gawa namin ay puro magaganda. Masayang masaya naman si Miss Ramirez sa mga nakikita at sinabing lahat ng mga gawa namin ay e-ppost niya sa offical Youtube channel ng school para ma showcase daw yung gawa namin.

Dahil nagpasahan lang naman ang ginawa namin mas maraming oras pa bago ang susunod na sub kaya naisipan niya na ipakita sa buong klase ang mga output ng iba't-ibang grupo. Umangal ang mga kaklase ko noong una pero nung sinabi na may bonus points ay agad naman din sila naghanda. Of course sino ang makaka tanggi sa plus points. Hindi ang mga kaklase ko.

Hindi na ako nag abala na mag handa dahil wala naman sa akin ang usb kaya pa chill chill lang ako dito sa upuan ko. Sila Miko at Chayce na rin ang nag set-up sa tv para maka present na ang mga grupo.

Ang unang music video na isinalang ay walang iba kundi sa amin.

Our classmates was very amaze on how our music video turn out. They even praise Chayce for the good edit, even our teacher praise him. It's indeed amazing, its very cinematic and para talagang professional ang gumawa.

They also praised the whole group for a good cooperation and sobrang ganda talaga daw ng music video namin.

"May ambag ka ba diyan? Wala no? Ang daya mo Aster!" Bilang bulong nitong katabi ko. "Hindi mo ba nakita pagmumukha ko kanina ha?! Anong akala mo sakin, sit still looking pretty doon sa bahay nila? Tinawanan ako ni Ciarra. Bigla-biglang magsalita tapos mang-aakusa pang walang ambag. Tss.

Pagkatapos nun ay sumunod na ang ibang grupo. Magaganda rin ang mga gawa nila lalo na kanila Ciarra din. I heared it was Kaela who edited their music video and no words can describe how beautiful it is. The song that they made a music video was "Lover" by Taylor Swift.

And the main leads was none other than Ciarra and Luke. Si Ciarra rin ang kumanta. Miss Ramirez praise Cia's singing skills. Maganda talaga ang boses niya hindi lang niya pinapahalata.

Its already dismissal and I thught there's another meeting pero wala pala but Chayce approach me bago paman kami makalabas ni Cia.

"Hi Aster! Aspen is inviting the whole group to have dinner to celebrate the good feedback we got from our teacher, a while ago." Tumingin na muna ako kay Cia if okay lang ba na sumama ako. I mean wala naman kaming plano pero sabay sana kaming uuwi.

She just send me a go signal and mouthed "Deserve mo 'yan." I'm really lucky to have her.

We had our dinner in the most classy restaurant here in Cebu. Nakapag pa-reserve na daw si Aspen dito kahapon pa. We enjoyed the dinner and talked with one another. I would say we really got close with my group members during the making of our music video even Aspen, nag-chichikahan na rin kami minsan.

I also notice how Chayce changed this school year. Mas nagiging madaldal na siya, hindi kumikibo pa minsa-minsan but it would not last that long. May naka plaster na na ngiti sa mga labi niya.

Grabe talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa tao.

I'm not HerWhere stories live. Discover now