Chapter 12

4 0 0
                                    

Chapter 12

1 week later....

The night was memorable for everyone, even for me. Why? Because it made me realize that this is just not a simple crush that I'm feeling for him. I am in love with him but I'll just keep this to myself dahil utang na loob may girlfriend siya! Ayoko ng conflict.

After enjoying the one week celebration of foundation day ay back to reality na ulit kami. Lalo na ngayon na sinalubong kami ng Practical Research namin, ang saya! We need to come up with a research topic within the day though binigyan naman kami ng teacher namin ng list sa mga possible topics na pwedeng gamitin namin.

Akala ko mapapadali na kami pero pagtingin namin sa binigay puro general topics, e ang hinahanap niya ay specific kaya nandito kami ngayon sa library para maghanap ng research topic. Nasa harap ako ng computer nagssearch ng pwedeng maging topic namin kasi alam kong wala akong mahahanap sa mga materials na nasa library.

Ewan ko ba pero minsan lang ako makahanap ng mga materials na related sa amin, the rest puro mga mali kaya nandito ako ngayon sa Google Scholar naghahanap. Kung maghahanap kayo ng mga articles at reserach related, Google Scholar ang takbuhan niyo!

Si Chayce ang piniling leader namin and ngayon ay naghahanap siya sa mga libro ng pwedeng maging reference namin. Dahil transparent ang window ng computer room dito sa libray, malaya ko siyang nasisilayan na seryoso sa ginagawa niya.

Ang gwapo niya talaga kapag seryoso siya pero mas gumagwapo siya kapag nakangiti siya. He has books on his hands, mga apat siguro 'yon at puro makakapal kaya siguradong mabigat, para namang galit na galit ang mga biceps niya na gustong kumawala sa uniform dahil sa mga hawak na libro.

Who would have thought na ang dating medyong payatin ay merong nang ikakabuga, na para bang palagi siyang nasa gym sa sobrang tone ng body niya. Nagulat naman ako ng biglang lumingon sa banda ko si Chayce, agad kong ibinalik sa computer ang mata at baka isipin niyang wala akong ginagawa.

Hindi na namin naibigay ni miss ang topic namin dahil time na kaya ang sabi niya ay ipasa nalang mamayang dismissal sa faculty room. Tuwang-tuwa naman ang ibang grupo dahil wala pa rin silang makitang topic para sa research nila. Ako nga na hindi nag expect na may research pala kami first sem, akala ko pa sa second sem. Sana wala na kaming research sa second sem!

Our chosen topic is about how study habits affect the academic performance of the students. Nakakaepekto nga ba ang study habits sa academic performance ng mga estudyante? Iyan ang katanungan namin na dapat masagot ng reserach namin.

Hindi pa naman masyadong hectic ang sched namin kahit maraming binibigay ang mga teachers namin dahil nakakaya naman at madali lang rin gawin masyadong marami lang talaga every subject. Lalo na sa E-tech na sobrang daming pinapagawa tapos one week lang ang binibigay na duration, ang iba madali pero mostly sobrang napaka complicated. Mabait naman si miss pero yung mga binibigay niya nakakawala ng bait.

After a long day at school, naka-uwi na rin ng bahay at nakahiga na ngayon sa kama ko. Pagka-uwi ko ay wala ulit ang parents ko dahil may special case raw silang inaasikaso sa firm. As usual, mag-isa na naman akong kumain pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto. Wala pa akong gana gumawa ng assignments kaya binuksan ko na muna ang phone ko.

Umiingay lang ang messenger ko dahil sa mga group chats at kay Cia pero mostly talaga dahil lang sa mga GCs. Speaking of groupchat, nag chat si Chayce sa practical research na gc namin.

Chayce:

Good evening everyone. I know you might have already seen the message from Miss Ramos on our school gc regarding our research. Therefore, I will assign some tasks to each of you, for our work to be easy. Thank you.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm not HerWhere stories live. Discover now