&.& 003

3 1 0
                                    

“11:11”

"Good Morning" bati ko sa nobyo ko, his name is Hamsel, in short Ham at Burger naman ang last name nya.

"Morning" balik na pagbati nito saakin.

Di ko alam kung pano ako paulit ulit na nahuhulog sakanya. Isa sya sa lalaking tila walang kapintasan, mabait, maalalahanin at kung ano pang magagandang pwede mong ipuri sakanya.

Isa syang mananayaw sa aming iskwelahan kung kaya't maraming babae ang nagkakagusto sakanya. At mapalad ako dahil ako ang babaeng pinili nya.

"Kumain ka na? Kung hindi pa kain na" pagtatanong ko.

"Tapos na," ani nito.

Nung isang taon naging kami, di gaya ng iba na mabilis lang makuha ako ay kanyang niligawan na higit sa limang buwan.

"Mahal nasan ka ngayon?" muli kong pag tatanong ngunit sinagot lamang ako nito ng isang tipid na sagot.

"House."

Sa susunod na buwan na ang aming anibersaryo. Ngunit nitong mga nakaraang araw pansin ko ang panlalamig at pag iwas nya sakin.

"Ah o-osige" reply ko at pinatay ang phone ko.

Ramdam ko ang pahiwatig nya ang mensahe sa bawat galaw at salita nya. Ngunit di ko iyon pinapansin. Ayokong mawala sya.

Tumayo ako mula sa aking kama at ginawa ang mga gawaing bahay. Di kami ganun kayaman kung kaya't kami ang gumagawa ng gawaing bahay.

Natapos ako ng bandang alas kuwatro ng hapon at ako'y maliligo na upang maging maaliwalas ang aking pakiramdam. Halos buong araw akong naglinis at gumawa ng mga gawaing bahay.

Inayos ko ang aking susuotin na damit at ang tuwalya na aking gagamitin ay isinukbat ko sa aking braso, bago pumasok sa banyo ay agad kong tinignan ang aking 'cellphone' ngunit walang kahit ni-ising reply o tawag mula sakanya. Napabuntong hininga nalang ako.

'Ano kayang gagawin ko' tanong ko sa aking sarili

Gusto ko syang puntahan pero ayokong makaistorbo sakanya, itutulog ko na lamang. Pagtapos kong maligo ay agad akong nagbihis at humiga sa kama. Masama ang pakiramdam ko, parang may hindi magandang mangyayari.

Nagising ako sa isang marahang katok mula sa aking pintuan. Tinignan ko ang cellphone ko, still no signs of him. 10PM na pala. Napahaba yata tulog ko pft.

Tumayo ako mula sa aking kama at binuksan ang pinto upang tignan kung sino ang kumatok.

Sa pagbukas ko, isang nag aalalang mukha ang nakita ko. Si Mama. Nginitian ko lamang sya.

"Sabi ng kapatid mo kanina ka pa di lumalabas mula jan sa kwarto mo. Ni hindi ka nakakain nung tanghalian at ngayong hapunan. Okay ka lang ba? May problema ba?" ramdam ko ang pag aalala sa boses ni mama, ngumiti ako.

"Medyo masama lang po pakiramdam ko Ma hehehe pero ayos lang naman po ako"

"Halika na, anong oras na oh di ka pa kumakain" inakay ako ni mama papuntang kusina at pinaupo ako sa silyang naroon. Pinaghain ako ni Mama.

Mukhang bumabait si mama ah hahahaha

"Maiwan na kita dito, matutulog na ako. Okay lang yun nak?" tumango ako sa tanong ni mama kung kaya't sya ay umalis at pumunta sa kwarto nila ni papa

Pagtapos na pagtapos kong kumain ay naghugas ako ng pinggan. Pabalik na ako sa kwarto ko, tamad at tila wala sa sarili ako kung maglakad.

Nakakapanibago si Ham, hindi sya ganito dati. Dati rati, sya pa yung mauunang bumati samantalang ngayon, wala na.

Sa pagdating ko sa kwarto ay agad kong kinuha ang phone ko. Tinignan ko ang messages at calls pero wala ni isang mensahe o tawag mula sakanya. Nag online ako at agad na chineck ang convo namin pero wala. Napangiti na lamang ako.

'Intindihin na lang self baka busy talaga sya' pangaral ko sa aking sarili.

"Good Evening Mahalllll!" I make myself hype baka sakaling mag iba ang mood nya.

"Eve." as usual, isang tipid na sagot ang nakuha ko.

"Kumain ka na? Sorry ngayon lang, kakagising ko lang tapos may ginawa hehehe"

I tried to lighten up the mood, pero parang waepek.

"ok lang"

After he chatted those, nawalan ako ng sasabihin sakanya. Tumingin ako sa orasan, 11:09 na pala.

Then i remember something. Yung 11:11, yun yung gagawin kong pang open sa new topic namin. Good idea Alexine!

Naghintay ako ng dalawang minuto bago sya replayan.

"Ham, mahal 11:11 na hehehe make a wish!"

At exact time that i chatted him, he replied "let me go"

It takes a minutes before i replied back. "What do you mean?"

Nakita kong typing sya, mabilis syang magreply, napangiti ako sa kadahilanang iyon at the same time nasasaktan ako.

"let me go, di na kita mahal. Di na ikaw Alexine. Di na ako masaya." sa bawat katagang binibitawan nya kumikirot ang dibdib ko. Para akong tinutusok ng milyong milyong karayom sa puso.

Inabot ako ng limang minuto bago magreply sa chat nya.

"Magiging masaya ka ba kapag papalayain kita?" sa pagsend ko na message na ito sakanya ay syang pagpatak ng mga luha ko. Kahit masakit palalayain kita, maging masaya ka lang.

"Oo" sa dalawang letra na to tuluyan na akong napahagulgol, wala na. Tapos na.

"You supposed to be my 11:11 but turns out to be my 12:51"

—AK.

A/N:

Wahhhhh teka naiiyak akoooo, ako yung nasasaktan:<

One Shot Story CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon