&.& 014

0 0 0
                                    

"Pinta"

"Now, i'm done" masayang bati ko pagkatapos kong iayos ang mga gamit ko sa pagpipinta.

Nandito ako ngayon sa may ilog, sa may ibaba ng bundok. Ito kasi ang paboritong lugar ko kapag gusto kong magpinta, maaliwalas, presko, at tahimik.

Makakapag isip ka ng maayos, nakakarelax din yung mga view dito.

Ipinikit ko ang aking mga mata at nilasap ang preskong hangin na galing sa mga puno dito sa bundok. Ngunit napamulat ako ng maramdaman kong may kumalabit sakin.

Isang babae, batang babae. May blonde itong buhok at suot nito ay ang bughaw ba bistida. Maputi rin ito, halata ang pag aalaga sakanya ng mga magulang nya.

Ngumiti ito sakin sakin sabay sabing "maari mo ba akong ipinta?"

Napangiti ako at tumango, inayos ko ang mga gagamitin ko sa pagpinta sakanya. Habang sya ay nakaupo sa isang bato sa may ilog, 'handa na sya' sabi ko sa aking isip at mahinang umiling.

Pagkaayos ng mga gagamitin ko ay agad ko syang ipininta.

Patapos na ako ng mapansin ko ang isang lalaki sa may tulay. Tulay na syang nagsisilbing daan papunta rito sa may ibaba ng bundok at sa may highway. Ang lalaki ang nakatingin sa malayo, at tila may iniisip na kung ano. Di ko na lamang sya pinansin at pinagpatuloy ang pagpinta ko.

Ilang mga detalye na lang at matatapos na ako. Ngunit ng tumingin ako sa batang babae ay naglalakad na ito papalapit sakin.

Ngumiti ito sakin, "maari bang ibigay mo ito sakanya? At pakisabi na kalimutan na ako, dahil masaya na ako kung nasan man ako ngayon" ani nya

Nilingon ko kung sino ang tinutukoy nya, dun ko napansin ang lalaki sa tulay na nasa likuran ko at tinitignan ang ipinipinta ko.

Kinuha ko ang aking ipininta, at ibinigay sakanya. Agad namang humagulgol ang lalaki pagkakita nito sa malapitan. Sabay sabing "Anak ko"

"Gusto nyang ibigay ko sainyo yan, pinapasabi nya rin na kalimutan nyo na sya dahil masaya na sya kung nasan man sya ngayon. Pakawalan nyo na sya" ani ko at ngumiti ng alanganin

Nahihiya man ay niyakap ko ang lalaki.

Napag-alaman ko na ang batang babae ay nalunod rito dalawang taon na ang nakakalipas at di pa rin sya makalimutan ng ama nya.

Ang pintang ipininta ko, isang kaluluwa. Isang kaluluwa ng batang babae na gustong tulungan ang ama na makalimutan sya. Napangiti na lamang ako bago ako sumakay sa sasakyan ko at pinaandar ito, nakita ko rin ang batang babae na nakangiti sakin at nagpapasalamat. Samantalang ang ama nya ay kanina pa umalis.

'Love always win til the end' sabi ko sa utak ko bago ko nilisan ang lugar na yun.

-AK

One Shot Story CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon