&.& 009

0 0 0
                                    

“Sampong Libo”

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng bahay ng totoo kong magulang.

Nung nakaraang linggo ko pa nalaman na isa akong ampon. Ampon ng isang mayamang pamilya. Ewan kung ampon ba talaga ang matatawag sakin dahil binili lang ako sa halagang sampung libo. Masakit isipin na kaya akong ipagbili ng mga tunay kong magulang sa napakaliit na halagang sampung libo.

Kinakabahan man ay kumatok ako sa pintuan ng bahay na nasa harapan ko.

"Sino yan?" sigaw ng isang babae mula sa loob ng bahay

Hindi muna ako sumagot at hinintay na pagbuksan nya ako ng pinto

"Sino po sila?" tanong nya sakin

"I'm Camille. Camille Ko. Uhm dito ba ang bahay ni Xentice Fabela" pagtatanong ko sakanya na sya namang tinugunan nya ng tango

"Dito nga po. Ano pong kailangan nila?" muli nyang pagtatanong

"May gusto sana akong sabihin sakanya"

"Ah sige po, pasok po kayo. Tatawagin ko lang po si Inay" ani nito at niluwangan ang bukana ng pinto. Pumasok ako at umupo sa silyang naroon.

"Inayyyyy! May naghahanap po sainyooooo!" rinig kong pagtawag nya at pagpunta sa ibang bahagi ng maliit na bahay na ito

"Sino ba yan ha?" rinig ko sa isang boses, boses ng isang ginang

"Cammile Ko daw po eh, gusto daw po kayong kausapin" rinig kong usal ng nakausap kong babae kanina

"Oh sya! Tignan mo muna yung niluluto ko dun"

Nakarinig ako ng yabag ng paa papunta sa kinaroroonan ko. Nakita ko ang isang pares na paa na nasa harapan ko at sya namang pagkabog ng dibdib ko. Inangat ko ang paningin ko at dun ko nakita ang isang ginang na naka daster, may magulong buhok at nakakunot ang noo.

"Sino sila?" ani nya.

"Camille, Camille Ko. Kayo po ba si Xentice Fabela?" tumango ito bilang sagot kaya naman agad ko syang niyakap ng mahigpit.

Nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Sa unang pagkakataon, naramdaman ko ang sinasabi nilang lukso ng dugo. Muli ay hinigpitan ko ang yakap sakanya ngunit kinalas nito ang nga braso kong nakabaluktot sakanya.

"Sino ka ba ha!?" singhal nito sakin

"N-nay a-ako to yung anak nyo"

"Di kita anak! Ano bang sinasabi mo!?" muli nitong singhal

"N-nay ako po yung p-pinagbili nyo sa halagang sampong libo" balak ko sanang muli syang yakapin pero natigil ako ng magsalita ito

"Di na kita anak dahil ipinagbili na kita!"

"N-nay" nginig na sambit ko sakanya

"Tama ka, ipinagbili kita sa halagang sampong libo"

"B-bakit?"

"Dahil mahirap lang ako nun! May isang babae na lumapit sakin at kailangan nya ng anak. Lumapit sya sakin at inaya ako na bibilhin ka nya sa halagang sampong libo. Dahil sa hirap nagawa kong pumayag! Nagawa kong pumayag dahil kung hindi mamatay ang mga kapatid mo sa gutom!" dun ko nakita ang mga luha nya, ang luha ng isang ina. Masakit makita na umiiyak ang isang ina. Ang sarili mong ina.

" I-inay" pagtawag ka sakanya

"Ipinagbili kita dahil gusto ko na kahit isa man lang sa mga anak ko mabuhay ng marangya, makapagtapos ng pag aaral at makahanap ng magandang trabaho. Ipinagbili kita dahil gusto ko, kahit na ganito ang naging buhay ko may naiangat ako na isa sa mga anak ko. Ipinagbili kita kasi alam kong di ko magagawa lahat ng yun kapag nanatili ka sakin! Ipinagbili kita dahil yung babaeng yun lang ang makakapagbigay sayo ng magandang buhay na pinapangarap ko sayo"

"N-nay"

"Umalis ka na, bumalik ka na sa umampon sayo" naglakad ito papunta sa kabilang pasilyo ng bahay habang ako ay naiwan sa sala nila.

Naglakad ako papalabas at dumiretso sa sasakyan ko ngunit bago pumasok ay nilingon ko ang bahay nila, bahay ng tunay kong pamilya.

Tama sila. A mother always wants the best for her children.

Pinunasan ko ang luha na muling pumatak bago pumasok sa sasakyan ko at pinaandar ito. Papalayo sa tunay kong tahanan, papalayo sa tunay kong pamilya.

—AK.

A/N:

Take note of this, "A mother always wants the best for her children" kahit na ikakasakit nila, gagawin nila yun para sa mga anak nila. Appreciate your mother, lahat ng ginagawa nila para satin, hindi para sakanila.

One Shot Story CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon