&.& 038

0 0 0
                                    

“Options”

I always have options, but i keep on choosing you.

My friends once said, "Bat di si ganto pinili mo?, Bat di ka pa kumalas? Bat di ka pa bumitaw kahit alam mong may kahati ka?" but i didn't listened to them.

Oo, pwede namang si ganto, pwede naman si ano, pwede naman siya. Pero ayoko. Ikaw lang kasi yung gusto ko. Ikaw lang yung nagbibigay saya sakin ng gantong pakiramdam.

Ako lang yung taong kaya kang mahalin ka ng ganto kahit paulit ulit mong ginagago.

"Love" ani ng isang lalaki na syang nagpatigil sa pag iisip ko.

"Kevin, sino sya?" tanong ko

"Church mate" ani nito at ni hindi man lang nito napansin na hindi ko sya tinawag sa tawagan namin.

"kanina ka pa?" tanong nito

"Hindi naman, kararating lang namin ni Cain" ani ko na sya namang pag iiba ng mood nya.

Matagal ko ng kaibigan si Cain bago palang maging kami ni Kevin ay meron ng Cain na laging nasa tabi ko. May girlfriend si Cain kaya malabong may maganap sa pagitan namin.

"sya na naman tss" mahinang sabi nito pero sapat na para marinig ko

"Kevin alam ko." paninimula ko

"alam ang alin?" tanong nito sabay harap sakin na nakakunot ang noo.

"Na may namamagitan sainyo nung babaeng yun. Na may kasama kang ibang babae kahapon. Alam ko lahat." Tinitigan ko sya para makita ang reaksyon nya, ngunit ngumiti lamang ito sakin.

"alam mo naman pala eh, bat di ka kumalas? Sampalin mo ko, kahit anong gawin mo sakin tatanggapin ko pero pagtapos nun umalis ka na. Wag kang magdrama sa harap ko" ani nito na syang ikinagulat ko, hindi ito ang inaasahan kong sagot nya.

"Alam mo na pala lahat ng ginagawa ko bat nag stay ka pa rin? You have an option Selene." dugtong pa nito.

Nagtuloy tuloy sa pagpatak ang mga luha na galing sa mata ko. Pinipigilan ko ang sarili kong magsalita pero di ko na kaya. Para akong bulkan na sasabog.

I'm sorry Kevin. I'm sorry.

"Oo tama ka!! Una pa lang may pagpipilian na ako! Mag pagpipilian ako, pero Kevin di ka ba nagtataka kung bat ikaw yung pinili ko? Ha!? Hindi man lang ba pumasok sa isip mo na sa dami ng naging kaagaw mo sakin noon, sa dami ng nagbalak manligaw sakin. Ikaw pa rin yung pinili ko!! Ikaw pa rin. Di ka ba nagtataka? Na sa tuwing di ka nagpaparamdam ng isang araw, isang linggo, inabot pa nga ng buwan eh. Naghihintay ako! Naghihintay ako na babalikan mo ko, yun yung sabi mo. Naghintay ako kasi umaasa akong babalikan mo ko, naghintay ako kasi nagtiwala ako sayo. Naghintay ako kasi mahal kita. Kevin minahal kita! Oo, bumalik ka nga pero di na ikaw yung Kevin na minahal ko. Para kang mangingisda na namamangka sa dalawang ilog. Pero Kevin tinanggap ko yun! Tanggap ko na nung bumalik ka, di na ako yung nauuna. Options mo na lang ako. Tinanggap ko kasi mahal kita. Ang tahimik ng mundo ko dati, pero ginulo mo. Minahal kita pabalik gaya ng gusto mong mangyari dati. Nagtiwala ako sayo! Pero anong ginawa mo! Kevin sinira mo ko! Winasak mo ko! Ginulo mo yung tahimik na ako! Naging miserable ako dahil sayo." tuluyan akong napahagulgol pagtapos kong bitawan ang nga katagang yan.

"Tapos ka na ba?" ani nito na tila walang narinig

"No. Kevin maybe you're right, i have an options. At the very first place may pagpipilian ako hanggang sa matapos yung salitang 'tayo'. I made you first in my options and that was a mistake. Because you only take me as your last options. And it won't happen again because you'll never be in my options again. Never." sa eksaktong pagkarating ni Cain mula sa pagkakapark ng kanyang sasakyan ay hinila ko sya.

Alam kong nakita nya akong umiiyak, kaya di na sya nag abalang magtanong pa.

—AK.

One Shot Story CompilationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon