"You shit! My team won't do that! Shut up!" Sigaw ni kuya Alwin kay Trent.
"But I saw!" Sabi ni Trent.
"Do you have any evidence na ginawa ng team niya 'yun?" Tanong ko habang nakikikain sa cookies ni Drake.
"Nakita ko, hindi pa ba pwedeng ebidensya 'yun?" Tanong niya.
"Hindi," sabi ni Drake. "We're assassins here, you can't just say I saw as an evidence."
"Shut up everyone! Vandalism na lang sa CR pag-aawayan niyo pa! Ang sabi ko pag-usapan ang plano! Hindi 'yang letcheng CR niyo na 'yan!" Natahimik silang dalawa dahil sa sinabi ni sir Brone.
"So... about what I said earlier?" Tanong ko.
"May point ka sa hindi masusundan pero paano nga kung aatakihin kapag mag-isa?" Tanong ni kuya Alwin.
"Then, no one will go on a mission alone." Sabi ko.
"Paano kung i-ambush?"
"Ang dami niyong alam na isagot para mag-disagree sa akin ah? May sama ng loob ba kayo? Ilabas niyo na." Sabi ko.
"Ako meron, bakit ka kumukuha sa cookies ko?" Tanong ni Drake.
"Stop being childish damn it! I mean oo 'yan si Charmaine bata pa! But kayo-!" Natigilan kaming lima dahil sa sigaw ni sir Brone.
"Oo nga, eto si Drake ang tanda-tanda na isip-bata pa rin." Trent said.
"Shut up, I'm not that old." Reklamo ni Drake sa kanya.
"Charmaine, may mission ka about Chase's death right?" Kuya Alwin asked me.
"Yes." Sagot ko.
"Kailan 'yun?" Tanong niya.
"Next week, since mag-e-enroll ako doon sa school- ayy si sir Brone na pala bahala sa enrollment ko kase pauso naman niya 'yung mission na 'yun." Sagot ko.
"Magiging target ka kapag nalaman ng mga kalaban, because that's a school, hindi ka makakalaban nang basta-basta." Sabi ni Drake.
"Wala namang paraan para malaman nila." Sabi ko. "Unless, someone here is their spy... or something like that. But that's impossible." Natahimik silang lima.
"By the way, here." May binigay siyang papers sa amin. List of our members.
Ang dami ko na palang members? I didn't notice kahit na kilala ko silang lahat.
"Identify kung anong type ng mission ang kaya ng members niyo. So I know kung anong ibibigay ko sa kanila." He said. "Oh, as for you Elon. Kung hindi mo pa kilala lahat ng members mo you can ask their previous leaders."
After I did it, I just checked my phone while waiting for them to finish.
"Your members are strong, right? But only Zane is high ranking." Sabi ni sir Brone sa akin.
"Yes."
"Alright, after this silent war I'll talk to you all and I'll promote them." Oh wow.
After few minutes natapos na silang lahat.
"Okay... about sa plan, tama si Charmaine, ang gagawin na lang kapag na-ambush... Run."
"What? Why?" Tanong ni Drake.
"Sige, paano kung sampu sila tapos isa ka lang?" Tanong ni sir Brone.
"Yeah yeah," he said.
"Oh, I would love to try that." I said.
"Goodness shut up, Charmaine."
In-explain pa niya kung anong gagawin namin kapag umatake sila dito tapos umalis siya, mukhang nagmamadali eh.
"May gagawin ka ba?" Tanong ni Drake sa akin.
"Wala," sagot ko. "Bakit?"
"Gusto mo bang sumama sa training room? Firing practice." Sagot niya.
"Maraming nandoon eh," sabi ko.
"So what? It's not like they use the entire training room." He said.
"Ugh, alright fine, let's go." He smiled because of what I said.
Gusto lang niya talagang ako 'yung kasama niya sa firing practice para magmukha siyang magaling, mas magaling siya sa akin eh.
Pumunta kami doon, biglang tumahimik 'yung mga nandoon nang makita kaming dalawa.
Naglakad kami papunta sa firing area tapos inabot niya 'yung isang pistol sa akin.
"Anong gagawin ko dito?" Tanong ko.
"Ipukpok mo sa ulo mo baka sakaling malaman mo kung anong gagawin d'yan." Pabalang na sagot niya.
"Gusto mong ihampas ko sa 'yo 'to?" Inis na tanong ko.
"Ano bang gagawin?! Firing 'di ba?! Gagamit ng baril! Ayan! Bobo naman nito!" Sabi niya.
Lumapit ako sa lamesa and I reloaded that dahil walang bala.
"Moving targets? Yabang mo talaga 'no?" Sabi ko.
"Bakit? Hindi mo ba kaya?" Tanong niya.
"Of course I can," sabi ko.
I wore the headphones on the table, he also did.
He aimed the gun on the target tapos he fired.
He got those.
Pinalayas ko siya tapos ako 'yung tumayo doon.
Tinapat ko 'yung baril sa target.
Seriously, mas mahirap pa ito kaysa sa totoong barilan.
I fired.
Tinamaan, nice.
Tinanggal ko 'yung headphones ko.
Napansin ko na ang daming nanonood dito, as usual.
Ganito lagi ang eksena kapag may Reaper na nasa training room.
Napatingin ako sa gilid, may nagbubulungan doon, pinagbubulungan ako, mga members ni Trent ito ah, sarap barilin.
Natahimik sila nung humarap ako doon.
This is so annoying.
But it's fine, I'm used to it anyway.
~•~•~•~•~•~
Aeistelle
BINABASA MO ANG
Guns and Roses | Bullet Series #1
Romance"I love you, Charmaine..." ~ Charmaine Haide, the only girl from a group of assassins named Bullet, is tasked to investigate her brother's death, and kill whoever killed him. But what if... the one who killed her brother... is someone important to h...