"Hatid mo nga ako, hiniram ni Trent kotse ko kagabi, hindi pa rin binabalik hanggang ngayon." Sabi ko kay Drake.
"Please master muna." Napakaisip-bata talaga.
"Please." I said. "Just please."
"Oo na, tara na ang bagal mo, iiwan kita." Tumayo siya tapos naglakad paalis.
Sumunod lang ako sa kanya papunta sa parking lot.
Agad akong sumakay sa car niya tapos nag-drive lang siya.
Nadaanan namin 'yung cemetery kung saan nakalibing si kuya. He won't stop looking at me, he thinks I'd cry or something.
"I miss kuya Chase..." Bulong ko.
"That's why you accepted the mission, right?"
"No, I just want to avenge his death." Sabi ko.
"Really huh? You really won't show your soft side, you can fool anyone— even Chase and Alwin, but not me." Sabi niya.
"Kase naman... ugh ewan ko. Siguro masyado lang akong close sa kanya kaya ganun..." I bit my lip.
"You really love your brother, you can't deny that." He smiled.
"Kaya ikaw 'wag kang mamamatay, sasakalin kita." Natawa siya nang kaunti.
"Syempre 'no," sabi niya. "By the way, saan na ba tayo? Naliligaw na ata tayo."
"Nakita mo na ba 'yung ospital?" Tanong ko.
"Oo doon." Sabi niya at medyo sumilip sa likod.
"Bobo! Pagdating mo doon liliko sa kanan!" Sabi ko.
"Ayy ganun ba." Sabi niya at nagdrive pabalik.
Talino nito tapos medyo tanga.
Nakarating kami doon tapos bumaba na ako sa kotse niya. Papasok na sana ako kaso lang hinabol niya ako.
"What?" Tanong ko.
"Tumawag sa akin si Alwin." Sabi niya.
"Ano raw?" I asked.
"Nakalimutan mo raw wallet mo." Huh?
Tinignan ko 'yung bag ko.
"Oo nga 'no...?" Bulong ko.
"Oh," sabi niya at inabutan ako ng 3k.
Nice naman.
"Bait mo talaga, baka lagpas ka na sa langit niyan." Sabi ko.
"Gago," sabi niya. "Ibawas mo na 'yan sa utang ko." Ayy akala ko bigay.
Pumasok siya sa kotse niya tapos umalis na.
"Rose." Tumingin ako doon sa babae, oh Carienn, she's with Hazia— her friend.
"Hey," I smiled.
"Ano mo 'yun?" Tanong niya.
"Friend ko, ba't?" I asked.
"Ilang taon na?" Sabi na eh, yari ka Drake.
"Twenty-six." Sagot ko.
"Oh ano? Walong taon age gap niyo." Sabi ni Hazia sa kanya.
"Duh! Age doesn't matter! Single ba 'yun? Pwedeng gawing crush?" Natawa ako nang kaunti.
"Oo single," sagot ko.
"Okay lang 'yan, kung bawal ipilit. Kung masyadong matanda para sa akin sugar daddy na lang." Ayy hindi pwede, kuripot 'yun.
Meron ba naman siyang one million pesos galing sa mission tapos hindi mabayad-bayaran utang niya sa akin na sampung libo.
Nagpaalam sila na pupunta daw ng library at umalis na sila doon. Maaga pa naman kaya gagawin ko na muna ang kailangan kong gawin.
Today's plan, kukunin ko 'yung CCTV footage nung gabing pinatay si kuya.
Nagsuot ako ng face mask at gloves tapos naglakad papunta sa security room. Sumilip ako sa bintana.
Nice, walang tao.
Sumilip-silip muna ako kase baka may CCTV doon.
Meron nga.
Naghagis ako ng smoke bomb tapos pumasok sa loob nung sumabog 'yun, pinatay ko 'yung camera.
Okay, I'm free.
Pumunta ako sa tapat ng computer at hinanap 'yung footages nung gabing pinatay si kuya Chase.
Last year pa 'yun kaya medyo matagal-tagal din akong naghanap.
Hanggang sa nakita ko 'yung folder named nung date na pinatay siya.
I bit my lower lip to stop myself from crying.
Kinuha ko 'yung flashdrive ko, I inserted that and copied the folders na kailangan ko tapos inalis lahat ng evidences na galing ako dito. Kinuha ko 'yung flashdrive ko tapos naglakad palabas sa room. Tinanggal ko 'yung gloves ko dahil mahahalata ako kapag may nakasalubong ako.
Tumingin-tingin ako sa paligid ko bago ako lumabas.
Agad akong tumakbo papunta sa locker room na nasa kabila lang ng room na ito.
Naglakad ako papunta sa tapat ng locker ko.
Kinuha ko 'yung maliit na camera na nandoon.
Hindi ko pa alam kung paano ko gagamitin ito.
Tinignan ko 'yung relo ko, medyo mahaba pa naman time.
Habang naglalakad ako may nabunggo ako.
Deja Vu.
Nalaglag 'yung mga hawak niyang papel kaya tinulungan ko siyang magpulot.
Wait, siya 'yung lalaking pinagtanungan ko kahapon, siya 'yung kasama ni Klint sa parking lot..
"Hey, sorry..." Sabi ko.
"No, it's fine..." He said. "Sorry too."
Napatingin ako sa papel na hawak niya, student information, that's— wait— kuya Chase...?
"Is that... the guy who was killed a year ago...?" I asked.
Nag-panic siya dahil nakita ko tapos medyo itinago pa.
"Y-you mean Chase Haide? Yes... uhm..." Parang anytime hihimatayin na siya dito.
"Hmm, I see." Sabi ko. "What's your name pala?"
"Matt... Matt Castillo..."
I found you.
Pero ang weird if someone like him killed kuya.
"I'm Rose Davis..." Sabi ko.
"Oh..." He smiled a bit. "I need to go... nagmamadali pa ako eh..." Sabi niya.
"Okay, bye." Sabi ko tapos umalis na siya.
Kinuha ko 'yung phone ko at umupo sa gilid, may fifteen minutes pa naman.
Tinawagan ko si Zane, agad naman niyang sinagot.
"Yo. What?" Tanong niya.
Tumingin-tingin ako sa paligid bago ako magsalita.
"I found Matt Castillo." Halos pabulong kong sabi.
"Anong ugali? Ka-ugali ba ni Satanas?" He asked.
"Total opposite Zane. He is like... timid." Sagot ko.
"Hmm, don't let him fool you. Remember, even the Wild Rose has her soft side." He is right.
"Do you really need to say that? That's embarrassing." Sabi ko.
"I mean, baka hindi talaga ganun ang ugali niyan. Kase 'di ba sabi ni Sean nakaaway niya kuya mo dati?" Well, yes.
"Yes..." I sighed.
Medyo matagal kaming hindi nagsalita.
"Bye na, papasok na ako." Pagpapaalam ko.
"Okay, ingat." He said.
Yeah, I think I need to be careful...
~•~•~•~•~•~
Aeistelle
BINABASA MO ANG
Guns and Roses | Bullet Series #1
Romance"I love you, Charmaine..." ~ Charmaine Haide, the only girl from a group of assassins named Bullet, is tasked to investigate her brother's death, and kill whoever killed him. But what if... the one who killed her brother... is someone important to h...