Chapter 5

25 0 0
                                    

"So... ayun nga, inaway ako." Pagkukwento ko habang nakasandal sa kotse ko.

"Grabe, natiis mong hindi saksakin?" Tanong niya.

"Anong akala mo sa akin?! Syempre 'no! Pagalitan pa ako ni sir Brone!" Sagot ko. "Pero seryoso... muntik na talaga kanina." Dagdag ko.

"Dapat pinatay mo na." Tsk.

"Bad influence ka talaga Zane." Sabi ko.

"By the way, hindi ka pa ba pabalik dito sa hideout? Our teammates need you to sign their mission permits." Tanong niya sa akin.

"Papirma mo kay Drake." I answered.

"Huh?! Nababaliw ka na ba?!" Gulat na tanong niya.

"I gave him permission to sign." Sagot ko.

"Okay okay, sabihin mo na lang sa kanya papapirmahan ko ah." Sabi niya.

"Okay, text ko na lang." Sabi ko at pinatay ang tawag.

Tinext ko si Drake na magpapapirma si Zane sa kanya. Medyo magkagalit sila ngayon, bahala sila.

Mamaya na lang ako babalik sa hideout, maghahagilap pa ako ng informations.

"Hey..." May lumapit na lalaki sa akin.

Shit, the guy with deep voice earlier.

"'Di ba ikaw 'yung napag-trip-an ni Zyla kanina?" Huh?

"Who's Zyla?" Tanong ko.

"'Yung nabunggo mo kanina tapos natapunan nung juice." Oh.

"Ah, so her name is Zyla..." Sabi ko.

"Yes," he said. "By the way I am Klint Devibar and ako 'yung kasama nung pinagtanungan mo kanina, I'm a biology student here."

"Rose Davis." Sabi ko. "What do you need pala?" I asked.

"Nothing, gusto lang kitang tignan baka kase ano nang ginawa ni Zyla sa 'yo, she's absolute demonic."

Lol, what?

"Wala naman siyang ginagawa sa akin." Sabi ko.

"So far," he said.

"What do you mean?" Tanong ko.

"Gaganti 'yun sa 'yo." Tsk.

"Ang babaw naman niya." Sabi ko.

"True," natawa siya nang kaunti.

"Ano mo 'yun?" I asked.

"Kaibigan ko dati, pero nagkaroon ng problema eh..." Sagot niya.

"Grabe... ba't ganun ugali nun?" Tanong ko na medyo pabulong.

He chuckled. "Hindi naman ganun ugali nun dati."

"What do you mean?" Tanong ko.

"Mabait 'yun dati, like, as in." What. "Have you heard of the guy who was killed here last year?"

"Hmm, yes." Sagot ko.

"Girlfriend niya 'yun. Tapos nung namatay, nasaktan nang sobra, she changed." Damn? What? Girlfriend ni kuya? Wala siyang sinasabi sa amin ah! What the hell?!

"Do you know what happened to the guy who was killed? Nakaka-curious kase." Sabi ko.

"Siguro... 11PM na noon 'yun... nakatambay pa ako sa convenience store sa tapat ng school. Nakita ko siya nagmamakaawa sa guard may naiwan daw siya sa loob. Tapos nung nakita ko siya lalapitan ko pa sana siya kaso lang paglabas ko sa convenience store, pinapasok na siya. Tapos halos dalawang oras na siyang nasa loob hindi pa rin lumalabas, kaya ayun, sinundan na nung guard tapos pagdating niya doon... patay na nga siya. Naging suspect pa nga 'yung guard kase siya 'yung nakakita eh." So detailed huh? Kinda suspicious.

"Kaibigan mo ba 'yun?" Tanong ko.

"Oo, barkada ko 'yun, kaya nga nagulat ako nung sinabing... patay na siya." Hmm.

Buti na lang magaling ako kaya na-record ko 'yun, duh.

Nagkunwari akong may nag-text sa akin para makaalis na ako.

"Uhm... Klint, Klint right? I need to go na kase, may ganap sa bahay." Sabi ko.

"Okay, nice meeting you." He smiled.

"Nice meeting you too." Sabi ko at pumasok na sa kotse ko.

Kinuha ko 'yung tablet ko at binuksan 'yung notes, nilista ko 'yung mga nakuha kong informations.

Klint Devibar as suspect, kase bakit marami siyang alam?

Bahala na.

Pinaandar ko ang kotse ko at nagdrive papunta sa hideout.

Pumunta muna ako sa office ko at nagbihis dahil napakainit ng uniform. Pagkatapos ko pumunta ako sa office ni sir Brone dala-dala 'yung phone at tablet ko.

Pagdating ko doon nakatambay na naman sila, maliban kay Elon kase may mission siya.

"Hoy." Lumapit ako kay kuya Alwin.

"Ano na naman?" Tanong niya sa akin.

"May girlfriend ba si kuya Chase dati?" Tanong ko.

"Bakit? Anong nalaman mo?" Tanong ni sir Brone sa akin.

"Kanina kase may tanga-tangang babae sa canteen, tapos ako naman hindi nakatingin kaya nabunggo ko siya, tapos sabi nung lalaking nakilala ko girlfriend daw ni kuya 'yun." Sabi ko.

"Oo, meron, hindi niya sinabi sa 'yo?" Tanong ni kuya Alwin.

"Hindi..." Sagot ko. "Anong pangalan?"

"Hindi ko alam eh. Nakikita ko lang silang laging magkasama dati." Sabi niya.

"It's Zyla." Trent said.

"What? You know her?" I asked.

"She's Zera's sister."

What?!

"Really?! Zyla is your girlfriend's sister?! No way! Zera's so kind and Zyla is absolute demonic." I said.

"I know." He sighed. "Yeah she was Chase's girlfriend. She's actually kind too, but ever since Chase died she changed.

So Klint was not lying...

"May suspect ka na ba?" Sir Brone asked.

"Klint Devibar..." Sabi ko at tinignan 'yung tablet ko. "Nag-kwento siya sa akin about noong gabing pinatay si kuya, pati 'yung mga informations na ginawang private, alam niya, so kinda suspicious." Dagdag ko.

"Klint Devibar...? Parang familiar 'yung name... Parang narinig ko na dati..." Sabi ni Drake habang kumakain ng chips. "Nevermind, baka narinig ko lang name sa isa sa mga missions ko."

Kumakain na naman siya, lamon nang lamon.

"Isipin mo, baka importante pala." Sabi ko at kumuha doon sa kinakain siya.

"Wala talaga, hindi ko maalala." Sabi niya. "By the way, pinirmahan ko permit ng mga members mo, bayaran mo ako mamaya." Dagdag niya.

"Ayy wow, sino kaya 'yung may utang na 10k sa akin? Kilala niyo ba?"

"Joke lang, sige gusto mo pirmahan ko na rin 'yung sa 'yo eh." Sabi niya.

"Bawal 'yun tanga." Sabi ni sir Brone.

"By the way, sabi ni Sean, may nakaaway daw si kuya Chase dati his name is Matt Castillo. Do you know what happened?" I asked kuya Alwin.

"Hindi, malay ko." Ayy wow.

"Tapos sabi rin nung Klint, dati silang magkaibigan ni Zyla. Ewan ko baka something happened between them." Sabi ko.

"Suspect mo rin ba 'yung Matt?" Tanong ni sir Brone.

"Hindi ko pa siya nakikilala eh." Sagot ko.

Umupo ako sa isang upuan sa gilid.

"But I don't think he is the one who did it."

~•~•~•~•~•~

Aeistelle

Guns and Roses | Bullet Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon