"What's that?" Tanong ko kay Carienn at tinuro 'yung papel na hawak niya.
"Ah kay Hazia 'to, dumaan kase siya sa bahay namin kahapon, tapos naiwan niya ito." Sagot niya.
"Ahh," sabi ko at tumango-tango pa.
"By the way, baka um-absent na ako sa next classes natin, may pupuntahan pa kase ako ngayon, important lang." Sagot ko.
"Oh, okay." Sabi niya.
"Ipirma mo na lang ako ng attendance." I said.
"Ayoko siraulo ka papagalitan pa ako ng prof!" She said.
"Wala naman silang pake kung sinong present o absent sa mga studyante nila!" I argued.
"Ugh, alright fine!"
"Okay! Bye," sabi ko sa kanya.
"Bye."
Naglakad ako papunta sa parking lot, papasok na sana ako sa kotse ko pero may nakita akong lalaking nakatayo sa gilid.
Tumingin-tingin ako sa paligid tapos nung tumingin ulit ako sa lalaki tumakbo siya.
Nung tumalikod siya napansin ko 'yung nasa likod ng hoodie niya.
Death. Logo ng Death.
"Tsk." Bulong ko.
Nagsuot ako ng gloves at kinuha 'yung baril sa kotse ko, nagsuot din ako ng face mask, iniwan ko na doon 'yung bag ko tapos hinabol 'yung lalaki.
Pumasok siya sa isang eskinita, sinundan ko siya.
Cornered.
Tinutok ko sa kanya 'yung baril ko.
He chuckled. "I didn't think that a Reaper will fall for this trap."
Napaatras ako nang sabihin niya 'yun.
May tumalon na dalawang lalaki mula sa bubong papunta sa likuran ko.
"Well, you fell on your own trap." Sabi ko.
Sinugod ako nung isang lalaki na tumalon kanina. Iniwasan ko siya tapos sinipa siya kaya medyo na-out of balance siya.
Tinutok ko sa kanya 'yung baril ko.
"Okay, move or I'll kill this guy." Sabi ko.
Nakita ko na may kinakalkal 'yung isa sa bulsa niya kaya binaril ko 'yung lalaki sa paa.
Napasigaw siya at hinawakan ang paa niya.
Sinilip ko 'yung bulsa niya, may baril doon, kinuha ko 'yun.
Tinutukan ko ng baril 'yung dalawang natira.
Binaril ako nung isa kaya yumuko ako tapos binaril ko rin siya.
Nabitawan niya 'yung baril niya tapos natumba siya.
Humarap ako doon sa natira- wait, where is he?
Naramdaman ko na may nagtutok ng baril sa ulo ko.
Oh yeah, him.
"A Reaper from Bullet is this weak?" He asked.
Pasimple kong kinuha 'yung knife na nasa bulsa ko.
Nang mapansin kong hindi siya nakatingin sinaksak ko ang tagiliran niya, napaatras siya tapos inagaw ko 'yung baril sa kanya.
"Tinatamad lang akong lumaban ngayon so I looked weak." Sabi ko at tinutok 'yung baril sa kanya.
Tumingin ako sa relo ko at napansin na time na.
"Tsk." Bulong ko.
Naglakad ako papunta sa kotse ko, sumakay ako doon at pinaandar tapos binalikan 'yung tatlong lalaki sa eskinita.
Pinasok ko silang tatlo sa kotse ko tapos tinutukan ng baril 'yung isa, 'yung medyo maayos pa ang kundisyon.
"So, what's your rank?" Tanong ko habang nagdadrive.
Hindi siya nagsalita kaya inilapit ko pa sa ulo niya 'yung baril ko.
"Assassin," bulong niya.
"Them?" Tanong ko.
"Assassin r-rin..." Sagot niya.
"Ganun ba talaga ang ranking system sa Death? Mataas rank ng mga mahihina? The weakest guy in Bullet is actually stronger than you guys." Sabi ko.
Hindi niya pinansin 'yun kaya nagdrive na lang ako papunta sa hideout.
Pagdating ko doon ni-lock ko 'yung pinto ng kotse tapos pumunta sa room ng team ko.
"Puntahan niyo 'yung kotse ko, may nakuha akong member ng Death." Sabi ko kay Rille tapos binigay 'yung susi ng kotse ko sa kanya.
Napatingin sa akin si Zane na nakaupo sa gilid.
"Bakit may dugo sa sleeves ng uniform mo?" Tanong niya.
"Death." Sabi ko. "Inatake ako kanina, mga tanga ba naman tatlo lang sila." Dagdag ko.
Kumuha ako ng plastic sa table, tinanggal ko 'yung gloves na suot ko tapos nilagay doon. Tinapon ko 'yun sa basurahan sa gilid.
"Babalik ako ah, stay here." Sabi ko sa kanila tapos umalis doon para pumunta sa office ko.
Nagbihis ako sa CR tapos naglakad pabalik sa room ng team ko.
Nung pumasok ako hindi pa nila ako napansin kase nagdadaldalan kaya sinara ko nang pabalibag ang pinto.
Natahimik silang lahat at tumingin sa akin.
"I have something to announce." Sabi ko. "Zane, come here." Lumapit siya sa akin, confused.
"What?" Tanong niya na pabulong.
"You will be a Reaper, right?" Tanong ko.
"Uhh, yes." Sagot niya.
"Okay! Zane will be promoted to Reaper." I announced.
Nung una natahimik pa sila tapos nagsimula silang sumigaw. It lasted for many seconds so I got irritated.
"Enough! Shut up! Everyone shut the hell up!" Sigaw ko.
Nanahimik silang lahat dahil doon.
"Tapos tatlo dito ang malilipat sa team niya, 'yung iba galing na sa team ni Elon at Trent." Sabi ko.
"Sino dito?" Tanong ni Zane sa akin.
"Ewan ko sa 'yo, nandyan sa 'yo 'yung list 'di ba?" Sabi ko.
"Oh yeah," sabi niya at kinuha 'yung papel sa lamesa. "Rille Hebi, Dwayle Hizaldo, tapos... Jale Haide." Pagbabasa niya.
Parang nandiri siya na ewan.
"Bakit sila? Ang hirap kaya mag-lead ng team kapag tropa mo mga members mo, like isang tawa lang nila matatawa ka rin." Reklamo niya.
"Okay lang 'yan, nung ngang nasa team pa ako ni Drake tawa lang kami nang tawa doon." Sabi ko.
Narinig ko na may kumakatok sa pinto kaya binuksan ko 'yun.
"What?" Tanong ko kay Elon.
"Pinapatawag ka, basement." Sabi niya at umalis na.
Sungit mo.
"Okay! I need to go now!" Pagpapaalam ko sa kanila tapos sinundan si Elon papunta sa basement.
Napansin ko na parang hindi siya mapakali.
"Do you want to say something?" Tanong ko sa kanya.
"The Klint Devibar guy..." Sabi niya.
"What?" Tanong ko.
"'Di ba galing ako sa Knife?" Another group of assassins.
"Yeah? So?" I asked.
"I saw him somewhere before, sa mission ko." Sagot niya.
"Tell me," sabi ko.
"I saw him with members of Death, pero ang situation, parang hindi niya alam na assassins 'yung kasama niya." Sagot niya.
He doesn't know that the guys with him are assassins, but still... He was with someone from Death.
~•~•~•~•~•~
Aeistelle
BINABASA MO ANG
Guns and Roses | Bullet Series #1
Romance"I love you, Charmaine..." ~ Charmaine Haide, the only girl from a group of assassins named Bullet, is tasked to investigate her brother's death, and kill whoever killed him. But what if... the one who killed her brother... is someone important to h...