I opened the door in front of me.
Napatingin sa akin si Drake tapos nagtago sa likod niya 'yung mga members niya.
"Ano na naman?" Tanong niya.
"Pahiram ng kotse mo." Sabi ko.
"Ayoko nga! Binunggo mo nga 'yung sa 'yo 'di ba?!" Sabi niya.
"Please! Bayaran ko kapag nasira!" Tumingin siya sa akin.
"Oh! Ba't may bayad agad?! Sigurado ka bang masisira mo?!" Parang tanga naman.
"Please na!"
"Ayoko, hiramin mo 'yung kay Alwin or 'yung kay Trent! 'Wag 'yung sa akin!" Sabi niya.
"Galing na ako sa kanila! Ayaw talaga!" Sabi ko.
"Kay sir Brone?" Tanong niya.
"Huh? Siraulo ka ba?!" Tanong ko sa kanya. "Pahiram na kase!"
"No," ugh!
"Okay fine! Bahala ka d'yan! Magco-commute na lang ako!" Inis na sabi ko at tinalikuran siya.
"Wait, Charmaine." Tawag niya sa akin bago ako makalabas.
"What?!" Humarap ulit ako sa kanya.
"Oh," may hinagis siya sa akin, sinalo ko 'yun.
His car keys.
"Nice, bait mo talaga! 'Wag ka sanang mamatay!" Sabi ko.
"Bring it back before nighttime! Aalis ako!" Sabi niya.
"Okay!" Sabi ko at umalis na doon.
He changed his mind nung sabi kong magco-commute ako. Well he's worried about me that's why.
During my first mission he was following me the whole time and he didn't even try to hide from me.
We see each other as siblings after all. Parang mas magkapatid pa kami kumpara sa mga kapatid talaga namin. May kuya siya pero hindi ko alam kung nasaan na 'yung hayop na 'yun ngayon.
Also he lost his little sister when he was a teenager because she was kidnapped and murdered. And he couldn't do anything that time. Kaya he became protective with me. And seriously, mas naging kuya pa siya sa akin kaysa kay kuya Alwin and kuya Chase. 'Yung mga kuya ko talaga walang ibang ginawa kundi asarin at awayin ako.
Palagi nga lang umuutang sa akin tapos hindi binabayaran.
Naglakad na lang ako papunta sa parking lot tapos dumiretso sa kotse niya.
Binuksan ko 'yun tapos pinaandar na. Nag-drive ako papunta sa lugar kung saan 'yung mission ni Zane.
So it's like... kinausap siya nung vice mayor para patayin 'yung mayor, ang alam ko kase napagbintangan sa isang crime 'yung anak ng vice mayor, and he is innocent, tapos may balak 'yung mayor na ipapatay 'yung witness, so uunahan na nila siya.
Hindi siya mahilig sa mga mission na malayo ang target, sabi ko nga ako na lang kukuha nung mission, nung una sige daw ako na lang pero nung nalaman niya na two million pesos ang offer kinuha ng hayop.
He was like, itabi mo, ako na.
He sucks at missions like this, that's why papunta ako doon, kapag nag-fail I'll back him up.
Nakarating ako doon at pinark 'yung kotse sa likod ng building kung nasaan si Zane para easy escape.
Binaba ko 'yung hood ng jacket ko tapos sinuot 'yung face mask. Hindi 'yung disguise mask kase masyado naman akong halata nun, sakop kase buong mukha. Pero dala ko pa rin 'yung disguise mask just in case.
Naglakad ako papunta sa event, pwede naman daw manood kahit sino kaya bahala sila d'yan.
Ang daming guards nung mayor, tapos maraming pulis sa paligid.
Pagdating ko doon tinawag na 'yung mayor, sakto ako ah.
Tumingin ako sa building kung nasaan si Zane, I know he can see me now.
After ilang minutes, I saw that he fired, headshot.
Patay na 'yan.
Nagsigawan at nagtakbuhan ang mga tao, nagtago muna ako sa gilid.
Sinuot ko 'yung disguise mask na dala ko tapos tinaas 'yung hood ng jacket ko. Nagsuot din ako ng gloves, para walang fingerprints of course.
May mga papunta na sa taas ng building dahil sinundan nila 'yung direction ng bala kanina, they found out na nandoon sa taas.
Agad akong tumakbo papunta doon pero hindi kasabay 'yung mga guards ng mayor, syempre 'no.
Pagdating ko sa rooftop may kalaban siyang tatlo, good thing he is wearing a disguise mask too.
Sinipa ko 'yung baril nung lalaking paputukan sana siya. Sinuntok ko siya kaya natumba, oops napasobra. Pinulot ko 'yung baril niya.
"What the hell are you doing here?" Tanong ni Zane sa akin.
"A simple thank you will do dumbass, jeez." Sabi ko.
Binaril ko ang kamay nung lalaking hahampasin sana si Zane.
"Who are you guys?" Tanong nung isa pa.
"Hmm, secret."
"You are dangerous huh?" Sabi nung lalaking sinapak ko kanina tapos inatake ako, pero naiwasan ko.
"Of course," sabi ko at sinipa siya kaya natumba ulit. "By the way, I am the Wild Rose. I'm sure you've already heard of me." That's my code name.
"Anong k-kailangan niyo?" Tanong nung binaril ko.
"I won't tell," sabi ni Zane, he pressed something on the guy's neck and he lost consciousness.
He did the same thing to the other guy.
"Now, you're alone." Sabi ni Zane doon sa natira. Sinuntok niya 'yung lalaki.
Kinalaban niya 'yun pero natumba siya kaya nakuha siya nung lalaki.
Oh shit.
"Don't try to do anything! I'll kill him!" Pagbabanta niya.
"You can't,"
"Huh?!" He asked, confused.
I smiled when I saw what Zane is doing.
I see, that's his plan.
I'm so proud.
"You can't kill him..." Kinuha ko 'yung baril ko. Tinutok ko sa kanya 'yung baril.
May hawak na kutsilyo si Zane at hindi napansin nung lalake.
Nung na-distract 'yung lalaki sa baril na hawak ko sinaksak siya sa tagiliran ni Zane kaya nabitawan siya.
"Idol mo talaga ako 'no?" Sabi ko paglapit niya sa akin.
"I just remembered, that's the same situation you were in back then." Sagot niya. "And that's what you did."
Tumingin ako doon sa lalaki, lumapit ako sa kanya.
Tinutok ko ulit sa kanya 'yung baril.
"N-no! D-don't kill me!" Sabi niya.
"Don't worry, I won't..." Sabi ko.
Tumingin ako kay Zane.
He will, though.
~•~•~•~•~•~
Aeistelle
BINABASA MO ANG
Guns and Roses | Bullet Series #1
Romance"I love you, Charmaine..." ~ Charmaine Haide, the only girl from a group of assassins named Bullet, is tasked to investigate her brother's death, and kill whoever killed him. But what if... the one who killed her brother... is someone important to h...