Two Years Later
"May mission ka?" Tanong ni Zane sa akin.
"Wala pa, mamaya ata meron eh." Sagot ko.
"Oh, sino 'to?" Pang-aasar ni Drake sa akin pagpasok niya sa office ni sir Brone.
"Gusto mo sapak? Psh, one month lang naman akong umalis." Sabi ko. "Pero babalik ako doon next month, doon na ako titira. I'll quit being an assassin."
Natahimik ang buong office ni sir Brone nung sabihin ko 'yun.
"Sabi pala ng kuya mo sapakin kita para sa kanya." Sabi ko kay Drake.
"Nagkikita kayo sa Spain?" He asked.
"Oo, 'yung condo ko tsaka bahay niya walking distance lang." Bakit ba kase doon ako binilhan ng condo ni dad? Kapag nagsawa ako sa pagmumukha ni Bryce itatapon ko siya sa balcony. "Kaya madalas niya akong guluhin doon."
"Pasalubong pala? Galing ka sa Spain tapos walang pasalubong? Hindi makatarungan 'yun." Drake said.
"Baliw," sabi ko.
"Seryoso ako hoy! Chocolates!" Sabi niya.
"Parang tanga naman, ayun oh." Sabi ko at tinuro 'yung plastic sa gilid.
"Chocolates 'yun?" Tanong niya.
"Oo," sagot ko.
"Oy nice," sabi niya at lumapit doon.
"Ikaw? 'Di ka manghihingi?" Tanong ko kay Zane.
"Maraming chocolates 'yan, binibigay doon sa nililigawan niya." Sabi ni Trent habang kumakain.
"Who?" I asked.
"Irish? Ewan, I forgot her name." Sagot ni Trent.
"Kain ka pa, ang daldal mo eh." Sabi ni Zane kay Trent at hinampas ng tinapay 'yung bibig niya.
"Oh my gosh, si Irish? As in? Okay, I'll call her later." Sabi ko.
"Ayun ba 'yung matagal mo nang crush? 'Yung anak nung mafia boss na kaaway ng Death?" Tanong ni Drake.
"Oo 'yun!" Sabi ni Trent.
"Wala na ba kayong magawa sa buhay niyo?" Inis na tanong ni Zane sa kanila.
"Baliw! Her father hired you to guard her right?" Tanong ni kuya Alwin sa kanya.
"Oo..." Sagot ni Zane.
"Kapag mission, mission lang! Walang ma-iinlove parang tanga naman 'to!" Sabi niya kay Zane.
Natahimik ako doon ah.
"Pinapatamaan mo ba si Charmaine?" Tanong ni Drake kay kuya Alwin.
"Ayy hala, oo nga pala." Sabi niya at tumingin sa akin.
Kunwari pang gulat na gulat siya tapos tinakpan ang bibig niya.
I rolled my eyes and looked at my phone.
"Hindi ko na siya gusto, okay?" Sabi ko.
"Ayy oo, sabi nga pala niya naka-move on na siya kahit hindi naman naging sila." Sabi ni Zane at tinawanan ako nang kaunti.
"Nakakabwiset ka Zane." Sabi ko.
"Ingay," reklamo ni Elon habang nagbabasa ng libro.
"Oh, nagreklamo na 'yung pinakatahimik, tama na." Sabi ni kuya Alwin.
"Tama na kase," bulong ni Trent.
"Nauna ka eh," bulong ni Zane sa kanya.
"By the way," sabi ko at tumayo. "Alis muna ako, I need to go somewhere." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Guns and Roses | Bullet Series #1
Romance"I love you, Charmaine..." ~ Charmaine Haide, the only girl from a group of assassins named Bullet, is tasked to investigate her brother's death, and kill whoever killed him. But what if... the one who killed her brother... is someone important to h...