Ang bilis ng panahon. Parang kakasimula ko lang sa highschool pero eto ako ngayon, graduating student na.
Ilang araw na lang ay matatapos na ang school year. Kaya naman magsisimula na din ang practice para sa aming graduation march. Kahapon lang ay na-announce na ang mga top achiever ng aming klase. Pero absent ako nun, kaya nakikibalita na lang ako sa bestfriend ko. Di ko na sya kelangan sabihan dahil 'matic na sya mag-update. Haha Kahit yung away nila ng jowa nya dahil lang sa candy, ikukwento nya saken ng walang labis walang kulang.
Naglalakad ako sa may pathway papunta sa aming classroom ng marinig ko ang matinis na sigaw ng kaibigan ko.
"Ms. 2nd honorable mention!!!!, Ms. 2nd honorable mention!!!" Sabay akbay sa akin ni Jopay.
"Ano ba! Bigat ng braso mo!"angal ko.
"Sus! Inggit ka lang. Malaki man ang braso ko atleast may jowa ako. Haha"
Inirapan ko lang sya kahit totoo naman talaga.
"Teka, buti naisipan mong pumasok. Dalawang araw ka nang nagtata---"
Tinakluban ko ang kanyang bibig gamit ang aking kaliwang palad sabay ngiti sa grupo ng mga estudyanteng lalaki na nakaupo sa may dulo ng pathway.
"Ano ba! Ang alat ng kamay mo Sha! Pwe!"reklamo ni Jopay pagkaalis nya ng aking palad
"Eh kase naman! Alam mong dadaan tayo dun tas ang lakas lakas ng boses mo" inarte ko.
"Wala namang pakelam yung si Rayden noh. Di ka naman crush ng crush mo" mapang-asar na turan saken ng kaibigan kong malusog ang bibig sa kadaldalan.
"Wow ha! Nahiya naman ako. Baka gusto mong pagkalat ko sa grupo naten kung pano mong niligawan ng ilang bwan yang jowa mo. Ka-babae mong tao." ganti ko.
"Eto naman, di ma-realtalk. Haha pero bakit nga ba inabot ng dalawang araw yang LBM mo? Tingnan mo, lalo ka ng natuyot. Buti na lang maputi ka kundi mukha kang sanga"
"Speaking of LBM, siguro expired na seasonings na naman ginamit mo dun sa manok na ipinalit mo sa baon ko noh?"
"Ay ang judgement ateng, wagas?"
"Nguso mo Jopz, ilang beses na ako nabiktima nyang expired na pagkain mo. Kundi lang kita bestfriend, iisipin ko sugo ka talaga ng grupo ni Katrina-ng selosa. Ka-nguso mo pa man din yun"
"Sowri na frenny. Tska wag mo nga ako inaassociate sa mga freak na yun. Like d-u-h" sabay eye-roll nya.
Pagdating namin sa may quadrangle ay napansin ko ang manila paper na nakasabit sa may stage at nabasa ko ang pangalan ko sa list of achievers.
Kinabahan ako at di ko alam kung bakit. Nagpatuloy kame ni Jopay sa paglalakad hanggang sa makarating kame sa aming classroom.
"Sha!!! Congrats! Lomi tayo maya mga frenny!!!? Libre mo Sha." Lingon saken ni Jey aka Joey. "Dun tayo sa tambayan ng crush mo na frenny ng crush ko! Waaaah, I'm so hungry na agad sa mga tingin nyaaaa" excited na bungad ng isa ko pang kaibigang jokla/manunulad na seatmate.
Maya-maya pa ay dumating na ang aming class advisor at sinabing maghanda na kame at magsisimula na ngayong araw ang aming graduation practice.
YOU ARE READING
Mahal Kita! Okay Na?
Romance'Di tulad ng mga highschool friends nya, hindi pa nakaranas na magkaroon ng boyfriend si Shara. Madalas nya naiimagine ang kanyang magiging love story pagdating ng araw. At sa pagpasok nya ng kolehiyo ay dalawang lalaki ang pupukaw sa kanyang damdam...