The week has gone by so fast. Pinag-isipan kong mabuti ang gusto kong aralin. I made a list of my top career choices. In-assess ko ang sarili ko. Sino ba ako ngayon? Ano ba ang passion ko? Ano ba ang ultimate goal ko after 4 years or even more? Ano ba ang naeenjoy ko sa ngayon na maeenjoy ko pa din sa future? San ba ako curious? Well.. of course aside from my dream guy.
Naupo ako sa may mini-garden ni Nanay. Ang gandang tingnan ng mga mabulaklak na sunflower with butterflies flying around them. I drew a deep breath. The scenery before me just makes me calm instantly. I'm a big fan of flowers. Kaya naman tumutulong din ako ke Nanay na magtanim ng iba't-ibang klase ng bulaklak sa tabihan ng aming bahay. It's kind of therapeutic.
I went back inside. I was alone since Tatay has a minor operation to do in the hospital, then Nanay needs to assist my father 'coz she's a nurse in the same hospital btw. And Adam... he's out somewhere. Finally maaarawan na din sya. Di ko alam na may friends pala sya. Mukha kase loner yun, lageng mga libro lang hawak.
I took my phone to send a message to Jey&Pets gchat.
"Will go enroll tom. Who's coming with me?" invite ko sa tatlo.
"Change of plans ako. Nag-inquire ako last time at mas okay ang schedule at tuition sa UE, sorry pets!" reply ni Rica.
"No worries frenny Rics. Kita-kits pa din naman tayo once in a while! Hook up mo ako sa mga gwapo sa kabila ha? Hehe" singit ni Jopay.
"Ano itong naaamoy ko na fafabols?😍 Balita ko yummy daw basketball players talaga sa University of the East! Sama ako sayo Rica!!!" reply ni Jey.
"Dami mong alam bakla! Maka-graduate ka pa sana sa kabila ng kalandian mong 'yan! Sumbong kita ke Tito at Tita, makita mo." sagot ko ke Jey.
"Hahaha awiiit Jey! Sha, kita na lang tayo sa St.Augustine's Univ, 9:00 am" galing ulit ke Jopay.
Hindi na ako nagreply. Gets na nila na okay ang sagot ko sa message.
Iniba ko ang ayos ng kwarto ko para lang may bago sa paningin ko. Meryenda na ng matapos ako pati na din sa paglilinis ng buong bahay. Gumawa na lang ako ng egg sandwich at nagtimpla ng orange juice. Sobrang pagod. Pagkaubos ko ng tinapay ay nakatulog ako at di namalayan ang oras. Gabi na pala. Alas 6 na. Kumpleto na sa bahay ang pamilya.
"Oh Sha, gising kana pala. Ang linis ng buong bahay ah. Magluluto naman si kuya mo ng paborito mong ulam na kare-kare" sabi ni Tatay.
"Wow! Pakiramdam ko po ay bigla akong naglaway 'tay! Haha. Ui Adam, sarapan mo ang luto ha?" Request ko habang magkasalikop pa ang dalawang kamay.
"Opo, mahal na prinsesang malakas humagok" sagot ni Adam.
"Sige na, magpalit ka na ng damit at bumaba ka ulit dito para sabay-sabay na tayong makakain" siit ni Nanay para hindi na kame magtalo pa ni Adam.
Umakyat na ako sa taas at naligo. Pagbaba ko sa kusina ay halos ready na aming hapunan.
"Oh tara na. Amoy pa lang masarap na" excited na komento ni Tatay.
Habang kumakain ay kinamusta ko ang araw ni Nanay at Tatay. Nakakatuwa sa tuwing nagkwekwento ang mga magulang ko ng mga na-encounter nila sa trabaho. Si Adam naman ay nagkwento lang kung saan sya nagpunta kasama ng mga kaibigan daw nya. Napakatamad talaga nun magkwento minsan, akala mo may bayad ang laway. At dumako naman saken ang topic.
"Napag-isipan mo na ba Sha kung ano career ang gusto mo?" tanong ni nanay.
"Gusto ko po sana mag-enroll sa Psychology 'nay, tay" sagot ko.
"Yan na ba talaga ang gusto mo?" Singit ng epal na si Adam.
"May binasa po ako na career guidelines. Pero yung result po na lumabas ay stone cutter daw po ang bagay saken" sabi ko pa.
Nasamid si tatay at kumuha ng tubig.
"What? Hahaha panu ka naman magiging stone cutter? Anyways, you can just go with Psych kung yun talaga ang gusto mo" pag-aprub ni tatay.
Tumingin ako ke nanay at tumango lang sya at ngumiti.
YOU ARE READING
Mahal Kita! Okay Na?
Romance'Di tulad ng mga highschool friends nya, hindi pa nakaranas na magkaroon ng boyfriend si Shara. Madalas nya naiimagine ang kanyang magiging love story pagdating ng araw. At sa pagpasok nya ng kolehiyo ay dalawang lalaki ang pupukaw sa kanyang damdam...